Finale part 1

22 1 0
                                    

Kung para kayo sa isa't isa, libutin niyo man ang buong mundo nang magkahiwalay, magiging magkasama pa din kayo sa FINISH LINE.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

(FINALE)

Ilang araw na din simula noong naayos ang problema ko kay Laira. Nakakagaan din pala ng loob pag nalaman mong napatawad ka na ng taong nagawan mo ng kasalanan. Lalo na pag nalaman mong quits lang pala kayo. Hehehe. ;)

Ilang araw na din akong nag-aabang sa mga susunod na mangyayari sa LOVELIFE ko. I miss her. I miss Angela. I miss that makulit na bata.

Kailan ko kaya siya ulit makikita, makakausap. Kailan kaya ulit siya magtitiwala? Ayoko na maulit yung nangyari dati samin ni Maika.. Once na makita ko na ulit si Angela, I'll do anything para iprove na tumino na ako.. Na mahal na mahal ko siya..

Nakatulog na ako sa pag-iisip.. (puro tulog ako no haha antukin eh)

1hour later.....

"Gising na baby.. Muah muah.." Narinig ko na may bumulong sa tenga ko... Ang lambing ng boses.. Kaboses ni..... Angela?

Napabangon ako ng kama.. Niyakap ko agad siya..

"Bumalik ka nga! Tinupad mo yung mga sinabi mo dati.. Thank you! Thank you Angela.. I missyou.. And I love you.." Sabi ko yan habang nakayakap sa kanya..

"I love you too.." Natuwa naman ako sa sagot niya..

Tinignan ko siya sa mata.. And slowly, hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.. I can feel her breath.. So warm.. Ang lapit lapit na namin...

*booooogsh!* Ampucha naman oh! Nalaglag ako sa kama! Tumigin ako sa kama ko.. Wala doon si Angela.. Hinanap ko din siya sa kwarto.. Wala din... Nanaginip na naman ata ako.. Haaaayyy sana totoo na lang yun..

Ang sakit ng braso ko dahil pagkalaglag ko, yun yung napangtukod ko. Pero mas masakit yung puso ko, kasi panaginip na naman lahat.. Hanggang dito na lang ba ako? Hanggang panaginip lang?

~Waiting for your call I'm sick call I'm angry call I'm desperate for your voice....~

Oo, ringtone ko yan. Di ko nga alam yung title eh, "128382993919" kasi yung title niya sa cellphone ko..

Tinignan ko yung tumatawag, unknown number.. sasagutin ko na sana nang bigla naman inend call nung nasa kabilang line..

Nairita naman ako kasi andami ko na ngang iniisip, bibigyan pa ako ng bagong palaisipan.. Shemay lang.. (oo sige, ang gay ba tignan ng lalaking naiirita? eh ganyan ako eh)

Nahiga ulit ako sa kama, wala ako sa mood kumilos sa bahay.. Alam niyo yun diba? Yung feeling na wala ka namang sakit pero ang tamad mo umalis sa kama.. Naglaro na lang ako ng Logo Quiz..

Habang naglalaro ako..

~waiting for your call I'm sick call I'm angry call I'm desperate for your voice .. Listening to the songs we used to sing in the car as you remember butterflies early summer..~

Unknown number calling...

*acceptcall*

"Uh hello? Who's this?" Usisa ko agad kasi ayoko mag-aksaya ng oras sa mga taong nang-ggod time lang. Baka kasi sakaling tumwag sakin si Angela tapos pag di niya nacontact tong number ko eh mawala na siya ng tuluyan sa akin.. Oo, I'm waiting for her pa din..

"Hello. Mark? Uhm. This is Maika.. Remember?" Napatayo naman ako bigla sa kama nang malaman ko na si Maika pala yung tumatawag.. Bakit siya ulit nagparamdam? Wala akong ideya.. Galit siya sa akin.. Galit siya sa ginawa ko..

This time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon