Si Kuyang NakaChequered.
by HaveYouSeenThisGuy
This review might contain spoilers. You have been adequately warned.
_______________________________________________________
Weaknesses.
(Mas marami akong flaws na napansin compared to my last review. Syempre kapag mas mahaba ang istorya, mas malaki ang room for mistakes diba?)
1.) Emoticons and unnecessary punctuation marks - Too much love can kill you~ aaaaand the same goes with emoticons, dots, exclamation points, and question marks (ahem, guilty ako dito). Sa pagmamahal, masama sa kalusugan kapag nasobrahan. Sa emoticons at punctuation marks, masama na rin sa istorya kapag masyado nang marami.
Actually, tolerable naman ang paminsan minsang emoticons. Athough I prefer stories with no emoticons, okay lang naman ako sa pagbabasa ng mga may kaunting emoticons here and there. Wag lang sana masobrahan. Napansin ko kasi na sobrang dalas lumalabas ng emoticon na xD sa mga chapters. Minsan magkakasunod pa. Ganun din sa punctuation marks. Isang dot lang per sentence, unless nauutal, may kadugtong pa, o nag-iisip pa ang character kung anong kasunod niyang sasabihin. Masyado kasing na-overuse ang ellipsis sa istorya.
Since ang author na rin naman ang nagsabing sa first few chapters ay hindi pa uso ang technical writing sa kanya at hindi pa niya na-eedit, ayan na lang muna hahaha. XD
2.) On flashbacks - Sa chapter two, nagflashback ang author ng isang scene from chapter one. Unless sobrang makakalimutin ng reader, there's a very big possibility na naaalala pa rin niya ang scene na iyon. Kung ang gusto lang namang ipaalala sa reader ay yung format nung ID na nakita kanina, pwedeng yung part na lang na iyon yung bumalik sa isip ng narrator. (See chapter two for this.)
3.) Repetitive lines and undeserved point of views - Okay lang na maulit ang isang scenario or a few lines sa magkaibang POV. Minsan kasi, gustong ipakita ng author kung ano yung nararamdaman ng both characters na iyon. Pero kapag nasa isang chapter lang naman at wala namang masyadong reaction ang isa sa mga characters sa mga linyang iyon, mas maganda kung hindi na uulitin sa dalawang POV ang mga linya. (See chapter five and six for this.)
Yung sa undeserved point of views naman, I'm not exactly saying that the characters are undeserving. *Bato ng hopia at puto.* What I mean is that there are some scenes kasing mas deserve nung isang character na sa point of view niya manarrate ang part o chapter na iyon. Tulad na lang nung inamin ni Theo kay Kylie na crush niya si Femme. Mas magiging interesting ang part na iyon kung si Theo mismo ang nag POV. In that way, mas mararamdaman ng readers ang kaba at takot ng character na magtapat.
5.) Too sudden, too slow - I know, I know. Medyo ironic ang negative na ito. Dun muna sa too sudden. Ang tinutukoy ko dito ay yung based sa time frame na nangyari ang lahat. First chapter, magkakakilala ang dalawang bida at naging instant crush slash dream boy ni Kylie si Geric. Chapter three, makikita na ng reader na may motive din si Geric kay Kylie. Chapter four, inaya na niya sa isang date si Kylie. Chapter eight, nag-aminan na sila. And to top that, isang araw lang nangyari ang lahat.
Nabilisan din ako sa pagkahulog ni Kylie kay Geric. Ang alam lang naman niya kay Geric ay siya ang may pinakamataas na score sa checklist niya at Civil Engineering ang course niya. Wala siyang alam na mga iba pang personal na bagay kahit pa edad o buong pangalan. Nacrushan niya ito sa first day of the story, tapos sa second day ay may hints na here and there na naiinlove at na siya kay Geric. Kasama na roon yung pagkautal niya ng sobra at yung agad niyang pagpayag sa panliligaw ni Geric. Idagdag pa na isang araw pa lang sila magkakilala, kumportable na siyang matulog sa mga bisig ni Geric. Malay ba niya kung rapist si kuya? CHAROT hahaha.
BINABASA MO ANG
Push Mo Yan!
RandomMga walang kwentang opinyon at saloobin ko. This compilation contains reviews, rants, opinions, etc. || PS: I'm not famous. I don't need bashers.