Son of Asmodeus, a one-shot trilogy. (Love)
by smartbuddy
This review might contain spoilers. You have been adequately warned.
_______________________________________________________
Weaknesses.
1.) Grammar - Aaminin ko, I can be a grammar nazi at times. Hindi naman ako yung taong sobrang galing sa english. In fact, I'm more comfortable speaking in Tagalog. Pero I'm a perfectionist. As much as possible, ayokong nakakagawa ng mga grammatical errors and typos sa story ko. Nagkakamini heart attack pa nga ako whenever may nakikita akong grammatical error sa story ko eh. OA lang kung baga. So ganun din ako kapag nagbabasa.
Sa SOA, minsan may mga errors sa subject and verb agreement. Yung kung kailan ginagamit ang past perfect, simple past, at simple present, at present progressive tenses. Meron ding errors sa paggamit ng prepositions (i.e. the use of on, in, at) na talaga namang kasuklam-suklam na kahit ako mismo ay palagi, as in PALAGING nagkakamali.
But if you're not a grammar nazi or an over perfectionist, you won't notice this that much.
2.) Lack of emotion - There are scenes na nakulangan ako sa emotions ng character. Aiko sold herself to a devil's son just to have Greg. So ano ang ieexpect ng reader? She has to have a great amount of desire for Greg para magawa niya iyon.
Yung unang beses kasi na makikita ng reader na magkasama si Aiko at si Greg, ang lalaking mahal niya, nakulangan ako sa intesity. Parang sinasabi lang niyang mahal niya si Greg, pero hindi siya ganun kastriking and believable. Yun bang parang feeling mo na she's just stating a mere fact? Kapanipaniwala namang mahal niya si Greg, pero kulang ang impact. Get ba? Labo ko talaga XD.
3.) Spoilers and infos sa foreword - Hoy kuyang pula! *binato ng hopia at puto si Kuya Red* Ayoko na sayo. Bakit? Eh kasi ikaw eh. Ispoil ba naman ang sariling story?! Tama ba naman yun? *bato ulit ng hopia at puto*
Joke lang hahaha. Actually feeling ko talagang necessary yung foreword, since it contains the definition of the characters, themes, and other important stuffs that will be used in the story. Minsan kasi, iba-iba ang definition ng iba-ibang author sa isang bagay. So kailangan talagang maiparating ng isang author sa mga readers niya kung ano ang definition para sa kanya ng mga bagay o characters na gagamitin niya sa istorya, lalong-lalo na kung talagang iba ito sa common na definition na alam ng halos lahat ng mga tao o hindi masyadong common ang bagay na 'to.
Ang downside lang nito, maraming mga reader na hindi nagbabasa ng authors note. Tamad eh, anong magagawa ng mga author? So pwedeng mamisinterpret ng mga readers na yun ang story since nasa foreword o author's note nga ang definitions. Hindi nila makukuha yung totoong message ng istorya.
Pero wait, responsibilidad nga ba ng authors na paboran ang mga reader na hind marunong magbasa ng authors note? Hindi naman. Ang kaso nga lang, baka authors din ang magkaproblema pag hindi naintindihan ng mabuti ng readers ang istorya nila.
Nasolusyonan naman ang tamad-ang-reader-hindi-nagbabasa-ng-author's-note syndrome na 'to kaagad. Inicorporate rin kasi ng author yung meanings and definitions sa mismong story. Buti na lang, kundi sure ako na maraming mabibilaukan sa hopia dahil hindi nila alam ang meaning ng mga bagay na yun. Guilty here XD.
4.) Aiko - Medyo malabo pa rin ang character na ito. Hindi masyadong naelaborate kung bakit siya spoiled, kung bakit naging ganoon ang ugali niya. Minsan kasi, sobrang strong ng attitude niya. Matapang at hindi nagpapatalo. Pero minsan, nagiging mahina yung character niya bigla. Hindi naman sa sinasabi kong bawal magkaroon ng emotional fluctuations ang tao. Normal lang naman yun eh. Si Aiko kasi, parang nagiging ibang character na siya kapag bigla siyang nagiging mahina.
Pero feeling ko naman makaclaro na ang character niya sa next two na one shots sa trilogy. First pa lang naman eh. Marami pang time na iestablish ang character niya.
Strengths.
1.) Confusing - HOLD YOUR HORSES PEOPLE! POSITIVE 'TO, PROMISE! XD
May isang scene na bigla akong napapangiwi, napapakamot ng ulo, o nagtataka. Bakit parang ang bilis naman magbago ng attitude ni Aiko? Akala ko ba masama ang ugali niya? Yung mga iniisip at ginagawa nga niya (i.e. the feud between her and her sister, doing everything to get what she wants) sobrang sama eh. Tapos biglang ang bait bait niya habang nakikipag-usap sa best friend niya. Ano yun, mood swings?
Tapos bigla kong mababasa yung line na naka-italicize, tulad nito. (Read the story para malaman ang line. Spoiler masyado kapag sinabi ko hahaha.)
As if on cue, malalaglag bigla ang panga ko. CHAROT.
Great pretender ang main character. Yung akala mo na sa isang tao lang siya nagpapanggap, pero sa lahat pala. Actually favorite ko ang characters na mahilig magpanggap. Oo, marami na ngang ganyan. Minsan nagiging cliche na rin yung ibang story na may ganitong klaseng character dahil napepredict mo na ang susunod na mangyayari base sa mga ginagalaw niya sa simula pa lang.
But Aiko begs to differ. Yes, the main character's a pretender. There are a lot of fictional characters here in wattpad that are also pretenders. Pero sa SOA, hindi mo basta-basta malalaman ang kasunod na mangyayari. I can't exactly explain why, pero Ibis na gawing cliche ang kwento, her attitude makes it unique. Hindi ko pa masasabing unpredictable, since hindi ko pa nga alam kung yung ending na naiisip ko ang magiging ending ng kwento.
2.) Theme - Madalang ang mga authors na negveventure sa ganitong klaseng genre. Bukod sa interesting ang mga bagong timpla at unique na stories na ganito ang theme, obvious naman siguro na mahirap pagsamahin ang supernatural stuff, romance, at non teen fiction. Kailangan ng certain level of skill, perseverance, and thinking para lang ma-execute mo ng maayos ang kwento. Naisulat naman ito ng maayos ng author.
3.) Don't just read. Analyze. - Hindi katulad ng ibang romance na puro kakesuhan lang, mapapaisip ka talaga habang binabasa 'to. Hindi yung basta ka na lang nagbabasa, kinikilig at nagmumukhang baliw sa harap ng pc, laptop, cellphone, o tablet mo.
SOA's not that type of story. You can't understand its underlying meaning if you just read, read, and read. Kailangan mo siyang intindihin para makasunod ka sa istorya. This may count as a negative for some kasi mas gusto nila ang light lang na mga istorya. Pero for me, this played a great part sa story. Mas gusto ko kasi yung na-eengage ako sa istoryang binabasa ko. Hindi yung nagbabasa lang ako ng isang istorya para magpalipas ng oras o para may mabasa lang.
Generally, nagustuhan ko naman ang istoryang 'to. I can say na very worth siya ng time ko (iplus niyo pa yung time na lumipas sa pagreview ko nito, worth it pa rin promise). If you want to read something that's out of the box and a story that has a different flavor, I do recommend this story. PERO! Dapat legal age na kayo. Wag gumaya sa aking pasaway ha? XD
Message to the author of SOA: Pakituruan akong ispell ang title nitong hopia at puto mong story. Hanggang Son Of lang ang kaya kong baybayin. Nuks, lalim nun oh! Naalala ko tuloy yung palayok at plorera. My gosh. Kaiyak. Anyways, keep writing and stay awesome!
BINABASA MO ANG
Push Mo Yan!
RandomMga walang kwentang opinyon at saloobin ko. This compilation contains reviews, rants, opinions, etc. || PS: I'm not famous. I don't need bashers.