One: Malayang Preso

164 6 2
                                    

June 12, 2013 - Araw ng Kalayaan

Para sa mga kapwa kong pagod na sa mga diskusyon dito sa wattpad.

_________________________________________________________

Bakit hindi pa rin tayo malaya?

Technically, "malaya" nga tayo. Malaya ang Pilipinas sa ngayon. Walang nananakop at walang giyera. Katunayan, araw nga ngayon ng kalayaan, hindi ba? Ito ang araw kung kalan dineklara ng ating dating pangulo na si Emilio Aguinaldo 115 years ago na malaya na tayo mula sa mga Espanyol. Hindi man ito nirecognize ng gobyerno ng Spain at Estados Unidos, ito pa rin ang pinanghahawakan nating "Araw ng Kalayaan". Ito pa rin ang araw na ipinagbubunyi natin tuwing sasapit ito, dahil naniniwala tayong mga Pilipino na sinisimbolo nito ang araw kung kailan tayo ay tumayo na sa sarili nating mga paa at naging malaya.

Pero ang tanong, totoo nga ba? Malaya na nga ba tayo sa kanila?

Pagkatapos tayong sakupin ng mga Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano at Hapon. Ang pinanghahawakan nating araw ng kalayaan, nabalewala. Kinuha ng mga mananakop ang kalayaan natin magmuli. Sila ang namuno sa bansa at nagdikta sa mga dapat nating gawin.

Opisyal tayong pinalaya ng mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946. Kung ako ang tatanungin, hindi pa rin tayo malaya. Hanggang papel at kasunduan lang ang bisa ng "kalayaan" na iyon. Kahit saan ka tumingin, may bakas pa rin ng kanilang kultura. Ang mga marka ng pagkakasakop nila sa atin ay sariwa pa din. Mismong sa mga pagkain, salita, paniniwala, at kahit ng mga ugali natin katulad ng ningas kugon at crab mentality. Tayo'y mga alipin pa rin ng ibang lahi.

O kung hindi man ng ibang lahi, ng ating mga kababayan, o kahit ng mga sarili natin.

Dito na pumapasok ang kalayaan natin sa pagsusulat. Lahat tayo ay may "Freedom of Expression", hindi ba? May karapatan tayong isulat at ipahayag ang mga ideya nayin. Dahil dito, nakakagawa tayo ng mga istorya, akda, tula, nobela, at marami pang iba. May kalayaan tayong iparating sa iba ang mga opinyon natin. Dahil dito nakakagawa tayo ng mga artikulo, editorial, at sa mundo ng wattpad, ang sikat na sikat na mga "rants".

Oo, malaya tayong magsulat. Malaya tayong ipahayag ang mga opinyon at saloobin natin. Pero wag naman sanang sumobra. Ikaw. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Kung sino ka man, ikaw ang tinutukoy ko. Utang na loob, hindi por que may "kalayaan" kang pinagmamalaki ay aabusuhin mo na. Matuto kang lumugar. Matuto kang gamitin iyan sa tama.

Unang Bahagi: Para sa Mga Authors

Sa pag-aakda ng mga kwento, malaya tayong isulat ang mga gusto natin. Kung anong gusto mong bida sa kwento mo ay babaeng alien at ang bidang lalaki ay isang baklang maldita, bakit hindi? Ideya mo yan eh. Rerespetuhin ko, hanggang kaya ko.

Yung mga author na trip na trip gumawa ng mga ganyang klase ng istorya, sana ay mapanindigan niyo. Syempre, kahit pa ba fantasy yan, may limit din yan. May bakla bang straight guy? Unless nagpapanggap lang siya o may double personality, wala. May winter ba na mainit? Unless umupo ka sa apoy, wala. May summer ba na malamig? Unless nakatapat ka sa electric fan o aircon, wala.(Yung mga examples sa weather na sinabi ko sa taas, posible sila. Lalo na kung sa Sci fi gagamitin at ang topic ay about sa global warming. Pero kung ang setting mo ay around present time o yung near past and future, hindi.)

Parang ganun ba. Malayo naman ang range ng pwedeng iexplore ng mga sumusulat ng fantasy, pero sana ay siguruhin pa rin ng mga author na nagsusulat ng ganito na naiintindihan at nakakarelate pa rin ang mga mambabasa. Hindi manghuhula ang mga reader. Kakabit kasi ng kalayaan nating magsulat ay ang obligasyon na iparating ng tama ating mensahe sa mga mambabasa. After all, sino bang author ang gustong mamisunderstood, hindi ba? Dapat siguruhin natin na may sense pa rin ang mga pinagsusulat natin at iwasan natin na maging absurd siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Push Mo Yan!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon