“WHAAAAAAAAAT?!”
Ang nakabibinging sigaw ng isang babaeng pasahero ng eroplano. Well, actually, hindi pa pala. Kasi cancelled lahat ng flights sa Pili Airport. Bigla kasing sumama ang panahon. Nananadya eh. Ayaw ata ako pasakayin? Bad omen ata ako, ah. Joke lang. Hindi pala kasi na-inform ang mga faculty dito sa airport. Maging kami.
“Ma’am, pasensya na ho talaga kayo kasi hindi talaga namin alam na pina—” bago pa man matapos ang sasabihin ni kuya...
“Anong pase-pasensya?! Anong hindi niyo alam?! Gumawa kayo ng paraan para makaalis agad kami! Bilisan ninyo! Hindi niyo ba alam na may biyahe pa ako ng 12:30 p.m. papuntang America? May meeting ako doon at kailangan ko agad makabiyahe papuntang Manila dahil bibiyahe pa ako papuntang Terminal 3!
“Kailangan kong humabol sa meeting ko sa lalong madaling panahon! ‘Wag nga kayong tatanga-tanga diyan! Magsikilos kayo! Kapag na-late ako, malalagot kayo sa'kin! Hala, sige. Layas!”
Agad namang umalis yung poging kuya na nagtatrabaho doon sa airport. Kung hindi siguro yun umalis agad, naku. Nakatikim na yun ng sunod-sunod na mura galing dun sa talakerang yun. Ako na lang ang nahiya para sa kanya. Sarap din sabihan ng “manang, wala kaming paki kung sa’ng lupalop ka pupunta.” Pero ‘wag na. Kasi bad yun.
After 10 minutes ata, bumalik na yung kuya at sinabihan kaming nakausap na daw nila yung doon sa Legazpi Airport at dun na daw pina-rebook ang flight namin. Salamat naman, at hindi na kami nagbayad pa para sa rebooking. Sila na nga ‘tong may kasalanan, kami pa gugulangan?!
Any minute daw, darating na yung shuttle service na maghahatid sa'min papuntang Legazpi. At agad-agad nga, bigla na lang sumulpot ang isang bus sa may gate.
Bago ako sumakay ng shuttle bus, niyakap ko muna ng mahigpit na mahigpit si papa at hinalikan sa pisngi. Pinaalalahanan niya rin ako ng ilang bagay. As usual. Pagkasakay ko ng bus, pumwesto ako sa may bandang unahan. Kakaunti lang naman kasi kami. Mga 15 heads ata. Agad ko namang ini-slide yung parang kurtina dun sa may bintana at nag-wave goodbye ako kay papa. Nangingilid na yung luha ko. Mami-miss ko sila ng sobra. Kahit dalawang buwan lang naman akong mawawala. Nag-smile na lang ako kay papa.
Tamang-tama, tatlong oras pa naman ang biyaheng 'to mula Pili hanggang Legazpi. Matutulog muna ako. Pero biglang nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino yung nag-text. Baka si papa 'to. O kaya si mama. Miss na agad ako.
From: Alexander
Ano, biyahe ka na papunta dito?
Nagulat ako dun ah. Nag-text out of nowhere si Alexander. Si Alexander, na kaibigan ni Kennedy. At isa rin siya sa nagkakagusto sa akin. Pag-trip-an ko nga 'to.
To: Alexander
Hindi eh. Nacancel flight ko. Sama ng weather kaya na-move. Pero next week daw yung flight ko. Irerefund ko nlng. Nawalan na ko ng gana umuwi. Next time! :D
Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ko. At natulog na.
Sa wakas, bumibiyahe na kami ni tito Paul (na sumundo sa'kin sa airport) papunta sa bahay! Ang cool lang nung airplane ride! Sabi naman kasi ng mama't ate ko (kasi naka-experience na din silang sumakay sa plane) nakakatakot daw. Lalo na kapag magte-take off at kapag magla-landing na ang plane. Hindi ah! Enjoy nga eh. Kahit 1-hour flight lang yun! Grabe. Ang ganda ng view mula sa plane. Tapos yung clouds, parang abot kamay mo na lang. Kaso lang may harang na window eh, kaya di mo naman magawang hawakan. Haha!
Pagdating ko ng bahay, gulat na gulat na mga mukha naman na pagmumukha ng lolo ko, pati na mga tito’t tita ko ang bumungad sa'kin. Akala kasi talaga nila, ‘di na nga ako matutuloy. Kasi naman eh. Pahamak si Alex. Sinabihan pala kasi sila na ‘di na nga daw tuloy yung flight ko. Patay. Eh naalala ko na barkada nga pala ni Alex yung pinsan kong si Seth. Tatawa-tawa na lang ako.
BINABASA MO ANG
Summer Love
RomanceA clichéd story about two teens in love that would fight for their love even if they’re miles apart. Will they fight for it until the end? Or are they just going to give it all up? Can distance really affect them both just like what happened way bac...