Chapter 3

22 0 0
                                    

“Tara na, Mang Kennedy. Uwi na tayo. Malapit na mag-5 oh. Baka pagalitan tayo,” pang-aasar ko sa kanya. Cute kaya!

“Hoy, ba’t Mang Kennedy? Grabe ka naman. ‘Di pa naman ako matanda ah?”

“Monkey-nedy, kaya Mang Kennedy na lang. Hahahahahaha!”

“Ay? Baliw ka na naman! Ang corny mo talaga kahit kailan.”

“Trip mo naman! Ugh *hampas sa braso*, ang *hampas* sama  *hampas* mo *hampas* talaga!”

“Grabe, Hannah Suarez, ha. Sumosobra ka na! Namumuro ka na sa’kin!”

“Weh, Kennedy Fuentes? Ang pangit mo talaga! Hahahaha!” Hinampas ko na naman siya. Eh sa nag-e-enjoy ako.

“Isa pa talaga!” Isa pa? Edi isa pa! Hinampas ko ulit siya. “Hay, naku. Ang kulit mo talaga ah. Bibigyan kita ng limang segundo para tumakbo. 5... 4... 3... 2... Heto na ko... 1!”

Uh-oh... Takbo, Hannah!

“Run for your life!”

Tapos tatawa-tawa siya habang hinahabol ako. Hanggang sa napagod na lang siya dahil sa sobrang kakatawa. Hay, baliw talaga! Takbo ako nang takbo palayo sa kanya, habang siya, patuloy pa din sa paghabol sa’kin.

“Hay naku, Hannah,” sigaw niya. “Sobrang baliw mo talaga! Mahuli lang kita… hay naku talaga!!!”

“Nyenye. Catch me if you caaaaaaaaaaaan!”

Hanggang sa nahuli nga ako. Tapos natumba ako. Buti na lang, sa may grassy part ako natumba. Sobrang kinikiliti niya ako, grabe! Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa at sa kakakiliti niya. May mga sinasabi siyang ‘di ko naiintindihan kasi sigaw ako nang sigaw. Tapos tawa siya nang tawa. Hanggang sa tumigil na siyang kakakiliti sa’kin. Umupo na kami.

“Hannah?”

“Yeah?”

“Alam mo, parang may naaalala ako.”

“Don’t tell me nagka-amnesia ka?!” Gulat kong sabi. Pero inaasar ko lang naman talaga siya. Masyadong seryoso kasi eh.

“Siraulo! Hindi! Umayos ka nga kasi.”

“Oo na. Jino-joke ka lang eh. Oh, ano ba sasabihin mo?”

“Parang kilala na kita dati pa.” Teka, ano?! Okay ka lang? Grabeng joke nito. “Parang nagkalaro na tayo noon. Playmates ba.”

“Hahahahahahahahaha! Anong klaseng biro yan, Mang Kennedy? Grabe ha! Hahahaha.”

“Hannah naman eh! Umayos ka na nga kasi. Totoo sinasabi ko.”

“Oo na, totoo na.”

“Hannah naman!” With that, tumayo siya. Tampo si kuya oh!

“Naniniwala ako. Pero ‘di ko alam kung totoo ba talaga. Iisipin ko pa. Uwi na tayo.”

“Tara na,” tinulungan niya kong tumayos. “Hannah, teka. Ano kasi… um, gusto—”

“*hampas sa braso* MANG KENNEDY TARA NA!!!!!!!! Habulin mo na ko.”

“Argh! Hannah talaga!” Sumisigaw na siya. “Gusto nga kasi—”

*phone rings*

AAAAAAAHHHH!!! Ano ba yaaaaaan! Bakit ba ganun ang panaginip ko?! Alam ko naman na hanggang dun lang sa part na niyaya ko na siyang umuwi yung nangyari talaga eh. Kasi totoo naman talagang ganun yung nangyari kahapon. Pero yung sasabihin niya na gusto something…? Bakit kailangan pang masama yun sa panaginip ko? Oo, tama. Hanggang panaginip na lang yung part na yun.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon