Chapter 7

33 1 1
                                    

Nasa ibabaw ko lang si Kennedy. In fairness, sobrang gwapo niya pala ‘pag malapitan. Ayiee. Okay naman pala talaga itsura nito eh.

“Hoy, okay ka lang ba?”

Ang laki ng mga mata niya, gaya lang ng gusto ko sa isang lalaki.

“Hannah!!! Uy, ano ba pinagsasasabi mo? Okay ka lang ba?”

Tapos matangos-tangos naman yung ilong.

“HOY!”

Kaso ang haba talaga ng nguso nitong lalaking ‘to eh. SOBRA!

Parang may something na umaalog sa akin.

Okay lang yan, Hannah. Magandang nilalang naman ang nakikita mo. Nasa ibabaw mo naman si Kennedy.

“What? Nasa ibabaw ko si… Ay puts—KENNEDY?! WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU’RE DOING?” para akong naalimpungatan na ewan sa sarili kong pagsisigaw.

“What the hell am I doing? Eh muntikan ka na kayang masagasaan ng sasakyan tapos tatanungin mo ko niyan? Baka gusto mong ikaw ang tanungin ko ng ganyan? What the hell do you think you’re doing? Muntikan ka na ngang mamatay, nagsasalita ka pa ng kung anu-ano diyan. Nakakahiya ka! Tama na yang pagpapantasya mo sa’kin! Malala na yan, kahit ang cute mo kanina, Ms. Suarez ah. Hahahaha!” ano daw?! Dami-daming sinabi, ‘di ko naman naintindihan.

“Wow, big word, Mr. Fuentes! Nagsasalita ka diyan? Ano namang sinasabi ko, aber?”

“Ang dami-dami kong sinabi, yun lang nag-register sa utak mo. Bird brain ka din pala eh. Gusto mo isa-isahin ko sinabi mo kanina? Na ang magandang nilalang ako? Na ang laki ng mga mata ko, gaya ng gusto mo sa isang guy? Na medyo matangos ang ilong ko? Kaso mahaba nguso? O ano? Nakakahiya ka ah.”

Napalunok na lang ako sa narinig ko. Medyo sobrang napahiya ka lang naman, Hannah.

“Oh, I really said—WHAT?! Please tell me I didn’t say that out loud! Shit, I was saying it on my mind lang.” uh-oh, Hannah. Uh-oh!

“Ang lakas-lakas kaya ng pagkakasabi mo! Sasabihin ko bang nakakahiya ka kung ako lang nakarinig? Buti nga talaga kung ako lang, eh sinisigaw mo kaya. Grabe! Pinagtitinginan tuloy tayo.”

I tried to take a glimpse around the area. And…

“What the—”

“Save it, Ms. Suarez.” Alam niya na yan. Magsi-swear na naman ako eh.

“I’m so sorry.”

“It’s okay. Ang cute mo nga kanina, actually. Hehe.”

“Oh goodness gracious. Pinag-trip-an mo na naman ako. Seriously? That’s not what I’m talking about.”

“Eh ano? Sige nga?”

“Nggh. Wala! I wanna go home already. Sobrang nakakahiya yung nagawa ko.”

“Hahaha. Yan kasi. Tinatawag kasi, magsuot ba naman ng earphones? Kainis din yun ah. Muntikan ka pang mabangga. Buti na lang nakasunod agad ako sa’yo kaya kita na-save. You should be proud of me ‘cause I’m your knight in shi—”

“Shut up.”

“Hala? Galit ka na, panigurado. Sorry na po.”

“Hmm, ‘kay.”

“Tatahimik na lang nga ako. Tara na, hatid na kita.”

What the freak? Pinagsasabi nitong ihahatid ako? Ugh. Ibubuka ko pa nga lang bibig ko…

“I insist,” he cut me off immediately. “Kasalanan ko naman talaga in the first place.”

“Talaga,” pabulong kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon