Prologue

61 1 0
                                    

Holler, Summer 2013. I said to myself as I packed my things. I am so ready for my plane trip. Siyempre, sino ba namang ‘di mae-excite na sumakay ng airplane for the first time, ‘di ba?

I double—um, no, triple—checked my things the night before I took off. Garments, check. Undergarments, check. Toiletries, check. Shoes, accessories, money. Check, check, check! Pati pasalubong, check!

Yup, kakailanganin kong magdala ng mga kung anu-anong pagkain na sa Bicol lang mahahanap. I mean, may mahahanap ka din naman sa ibang lugar. Pero, hello? Gaya nga ng sabi ng lolo, at ng mga tito't tita ko, mas masarap pa din daw yung gawang Bicol ang mga pagkain. And yes, silang lahat dun ay pure Bicolanos (pero excluding na yung mga kids). Ang ginagamit din nga nilang language, eh dialect namin kahit na nasa bahay sila (sa Laguna). Parang wala rin lang namang pinagbago. Nagta-Tagalog lang sila kapag kinakausap ang mga pinsan ko. Eh siyempre, laking Laguna eh. Pero naiintindihan din naman nila yung salita namin kasi sinasanay din sila. Yun nga lang, ‘di sila masyadong marunong mag-Bicol.

Alas tres pa lang ng madaling araw nang ako ay magising, dahil sa alarm clock ko. Ang aking cellphone. Na ang alarm tone pa ay Time To Go ng The Maine. Oh, ‘di ba? Hindi naman talaga ako excited. Pero kasi, 6 a.m. yung flight ko kaya dapat maaga talaga akong magising. Eh kasi naman. Kailangan, an hour before ng flight mo, dapat andun ka na, kung ayaw mong magkandaugaga ka sa mga papeles na kakailanganin mo sa airport.

Readyng-ready na ako. Hinatid na ako ni papa papuntang airport sa Pili bandang mga alas kwatro. Pinaharurot ni papa ang kanyang motorsiklo. Hindi pa nga ako nakakasakay ng eroplano, eh parang balak na ni papang mauna ako. Susme. Halos isang oras kasi ang biyahe mula Nabua hanggang Pili Airport. Pasensya naman, ah. Nakamotorsiklo lang kami. Hindi naman kasi kami ganoon kayaman para mag-afford ng kotse. Pero ako, naka-afford pa mag-eroplano, ‘no? Haha. Siyempre, pinag-ipunan ko kaya yan. Ilang araw... ay, hindi. Ilang buwan din ako nagtiis na magtipid. Nagtiis akong bawasan ang pagbili ng maraming pagkain sa canteen at mag-load. Pati ang pambili ko dapat ng Take Me Home: Yearbook Edition at 1D merch, eh tiniis kong ‘wag munang bilhin yun para lang makaipon agad ako ng halos 2,000PHP lang naman para makasakay ng eroplano. Dami kong kaartehan eh.

Sa awa naman ng Diyos, nakarating kami sa airport na buhay. Ito kasing tatay ko, akala mo parang may hinahabol eh. Motocross lang ang peg. Para namang ‘di kami aabot dun! Dami-dami pa namang oras. Ayun, medyo pasinghap-singhap tuloy ako pagkababa sa motor ni papa. Medyo may trauma pa din kasi ako sa mga motorsiklo. Lalo na kapag kulay blue ito. May experience kasi ako sa motorsiklo na 'di kaaya-aya.

I was in 3rd grade nung mangyari yun. Christmas break. It was on the 19th of December, to be exact. Nakikipaglaro pa nga ako nun bago mangyari ang trahedyang yun. Papunta dapat ako dun sa bridal botique ng tita ko. Andun kasi si ate. Siya ang nagbabantay ng botique pansamantala, since wala siyang ibang magawa sa bahay. Malapit lang sa'min yung shop, o kung anuman ang gusto niyong itawag dun. Sa kabilang street kasi ang pwesto nila. So tatawirin lang. 

Gulat na gulat si ate sa itsura ko. Mukha daw akong taong grasa at ang baho baho ko pa kaya sinabihan niya akong umuwi muna ng bahay, maligo at magbihis ng pang-alis. Buntis kasi that time si ate. Kaya ang sensitive masyado ng pang-amoy. At ayaw niya din talaga sa lahat yung ang pangit ng suot mo.

Umuwi na din naman ako nun. At sinunod ko nga ang gusto niya. Nagbilin din siya na magdala daw ako ng sampalok at kalamansi. Siyempre, naglilihi.

Nung naglalakad na ako pabalik na ako sa shop, nakita ko si kuya Jimmy. Nakatambay sa may outpost sa kanto. Jusko, ito ata ang pinakaayaw kong nakikita eh. Kasi kapag nakakasalubong niya ako, lagi akong kinukurot.

Kaya pasimple akong naglakad sa kabilang side ng street opposite sa outpost. Akala ko makakalusot na ako eh. Nang biglang, ginulat niya ako at akmang huhulihin. Akala ko, malayo pa naman yung tricycle. As in. Malayo pa yun eh.

Kaya nag-take na ako ng risk. Tumakbo na ako sa may pedestrian lane. Kinakabahan na ako nun kasi baka kung ano ang mangyari. Hindi ko alam na may humaharurot palang motor na kulay blue sa may likod lang ng tricycle at nag-overtake ito. Napatigil ako sa kalagitnaan ng road. The next thing I knew, nasa pagitan na ako ng dalawang gulong ng motor. Kinakaladkad din pala ako ng driver habang pumepreno siya para hindi madaanan yung ulo ko nung nasa likod na gulong. Sumasadsad na din yung noo ko sa lupa.

Everything went black. I closed my eyes.

Nagising ako dahil may umiiyak. Pamilyar yung iyak na yun. Pagmulat ko, si mama. Si mama na walang tigil ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata.

“Anak, I’m sorry. I shouldn’t have done that. Dapat pala talaga, isinama na kita dun sa Christmas Party namin. Dapat nakinig ako sa'yo nung naglulupasay ka na sa kalye. ‘Di dapat kita pinagalitan at pinahiya sa mga kapitbahay. Edi sana, hindi ka nadisgrasya. Sorry talaga anak. I... love you."

Humagulgol na lang ako at niyakap si mama. Ikinwento niya din na muntikang makunan si ate. Yung may tumutulo na lang biglang dugo in between sa legs niya. Sa sobra kasing nerbyos at sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit daw pinauwi niya ako sa bahay. Andun din tuloy siya sa kabilang kwarto. Nag-celebrate tuloy kami ng Pasko, sa ospital. So tragic.

--

Author's Note: Sooooo, hi again guys! I reposted my story again. Welcome back sa Summer Love! Lalalala~ I'm sorry if pabago-bago ag isip ko. Ahahaha. I've had lots of things on my mind that troubled me for the past few weeks. But I'm okay nooow. :)

Share niyo story ko. YAYAYAYAY! =)))

VOTE x COMMENT x SHARE para masaya <3

xo, kaetypancakes

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon