Chapter 5

28 0 0
                                    

Another day, another life, passes by just like mine, it’s not complicated

Another mind, another soul, another body to grow old, it’s not complicated

Do you ever wonder if the stars shine out for you?

Float down like autumn leaves

And hush now, close your eyes before the sleep

And you’re miles away, and yesterday you were here with me.

Aaaahhh. It’s a Tuesday morning and I love waking up to this song! Ed Sheeran really knows how to capture the listener’s heart. This song says it all. Another day has come and I thank God for giving me another life. Lots of blessing to come!

1 new message. Ugh. Alam ko na ‘to! Alam ko na talaga ‘to.

From: Kennedy

Good morning panget! Magkekwento ka naaa. :P Gumising ka na!

Oh, so he remembers. Ugh. Maybe pwede ko ‘tong i-divert sa ibang usapan. Mehehe.

To: Kennedy

Good morning! Hindi pa tapos yung mga tanong ko sa’yo eh. Hindi mo pa nga ako kinikwentuhan kung anyare tlg sa inyo ni Sam eh. :PP

From: Kennedy

Ehh! Duga mo talaga! Ikaw muna. Tapos, saka ko nlng sasabihin. Dalii!

To: Kennedy

You don’t really want to drop that thing, do you?

From: Kennedy

Nope. Not at all.

Fine then. Edi ikikwento ko na kung ano ba talaga ang nangyari. Even if this means including-him-in-the-situation-why-Jared-and-I-broke-up thing and reminiscing what really happened among the three of us. Yep, kasama siya kasi he’s one of the main reasons why.

Nakilala ko na talaga si Kennedy nung nagbakasyon ako noong 2010. In fact, I liked him. I really did. Unang beses na pagkakita ko pa lang sa kanya, dahil nga neighbors lang kami, ay nagustuhan ko na agad siya. Ewan ko ba. Ang pangit pangit naman niyan noon, pati naman ngayon ganun din, pero, ang taraaaay, crush ko yan!

And when things were complicated between me and Jared, that’s when he came in. Nagpagulo ng love life ko.

Biruin mo, labing tatlong gulang pa lang ako, nagka-boyfriend na agad ako. Uso na landian noon ‘te! Just kidding!

Eh pa’no ba naman kasing ‘di ako papayag na maging boyfriend yan, eh simula ba naman nung ako’y grade 5 pa lang, crush ko na yan?! Tapos yan pa ang first ever crush ko. Edi dream come true yun para sa’kin. Kaya naman go lang nang go!

Grade 5 ako unang naging babaeng-babae. Sa pananamit, sa pagsasalita, sa behaviors, tapos pati mga kaibigan ko mga babae na. Mga pambabaeng laro na ang nilalaro ko. Hindi na agawan base, teks, yugio, beyblade o trumpo. Kundi Chinese garter, piko, jackstones at paper dolls na nilalaro ko. Dahil sa kanya, nalagpasan ko na ang tomboyish phase ko. Lumabas yung gandang ‘di mo inakala!

Dahil nga siya pa lang naman ang nagiging crush ko, siya rin lang naman nga ang nakatuluyan ko. Grade 6 siya noon, at uulitin ko, Grade 5 ako nung naging crush ko siya. So, technically speaking, first boyfriend ko din siya. Nalaman ko din kasi na crush niya din pala ako nun. Nag-start siya magparamdam and everything nung 1st year ako, 2nd year siya. Same school pa din kami nun.

The reason kung bakit naging kami ay dahil ni-surprise niya ako nung Valentine’s day. He knows that I love the number 14. Kaya sinakto niya nang February 14 para daw may Valentine’s date siya. He asked my best friends, Jenna and Tay, para pagtakpan nila ako sa binabalak ni Jared. Akala ko talaga nun, kakain lang kami sa cafeteria. Habang nakatambay sabay kain na din, pino-poke ako ni Tay. Tumingin daw ako sa likod ko.

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon