Chap. SEVEN -- ESCAPE!

98 5 6
                                    

Siren's POV:

"Fuck!" nabasa kong binanggit ni kuya. Tss! Ang hina talaga ng common sense neto!!

Ngumiti ako kay Kuya at kay Hammy. May idea na kasi ako eh! HAHAHA! Ako pa! Smart yata to!

Lumakad ako palapit kay Kuya. Nang makalapit na ako ay binulungan ko siya.

"Tabihan mo si Ham. Dont ask just do it." I whispered at nakita ko ang CONFUSED na muka ni Kuya pero sinunod pa din naman niya. HAHAHA!

"Sir Brix! Ano po nangyayari!? Bakit ayaw nyo po buksan!!?" ahhh! Ang ingay talaga ng maid na to! Palibhasa may Hidden Desire kay Kuya. Tsskk! Dapat to sinisesante eh!

Tuloy pa din sa pagkatok yung maid kaya't binuksan ko na ang pinto. Sakit sa ulo!

"What!?" mataray kong bungad sa kanya.

"Bakit po may nasigaw?" sabi niya at pumasok pa sa loob ni kuya. Leche! Bakit ba nakikialam to!? Waahh! Nahahawa na ako kay Toffie, yung mga expression niya. Omo! Toffie ko!! Miss na kita agad!!

"Do you know the word PRIVACY!?" I answered at tinulak siya sa labas pero huli na dahil nakita na niya si Ham. Tsss! Ang hirap ng pakialamerang maid!

"Si-sino po ung babae na yun? Paano po un nakapasok?" gulat na gulat na tanong niya. Buti na lang tinabi ko kay Kuya. Halata kasing gulat na gulat si Ham eh! Parang kakainin siya ng maid. Hawak hawak niya si Kuya sa braso at kitang kita ko na sobrang higpit ng hawak niya kay Kuya. Nakaiwas naman ng tingin si Kuya sa pakialamera at flirt na maid na to.

"She's my classmate. Baka hindi mo lang siya napansin kanina. Yung sumisigaw , nanunuod lang sina Kuya ng movie. Now, get out" I said.

"Pe-pero, wala po talaga akong nakitang pumasok. Paano po yan nakapasok sa kwarto ni Sir Brix. Saka bakit po basa kayo?" Damn! I forgot basa nga pala ako dahil sa pagpapaligo ko kay Ham. Tssk!!

"Can you please stop asking!? Wala ka ng pakialam ok!? At basa ako dahil nadulas ako sa banyo! Happy!? Now get out!" at tinulak ko siya palabas at nilock ang pinto. Hay! Kung hindi lang ayaw na ni Mama at Papa na magtanggal ng maid ngayon , pinasisante ko na yan! Wala na daw kasing mapagkakatiwalaan ngayon. Graduate nga ng High school ang kinukuha nila , tapos dapat top 3 sa school na pinagtapusan nila. Malaki kasi ang sweld nila at mabait naman sina Mama. Ako lang siguro ang hindi? Mataray ako eh! Pero si Kuya , mabait sa mga maids yan wag lang talaga pag badtrip.

"I want to fire her! SERIOUSLY!" I said habang papunta kay na kuya.

*TOK! *TOK! *TOK!

"Maaam!" ARRRRGGGHH!! Naiinis na ako! Hindi pa ba siya tapos sa panggugulo!?

Padabog kong binuksan ang pinto at binigyan ng DEATH GLARE ang maid namin.

"WHAT IS IT THAT YOU WANT NOW!?" Mataray kong sambit sa kanya pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Naaasar na talaga ako! Isusumbong ko na siya kay Mama!

You've Gotta Be Kidding Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon