Chap. ELEVEN -- A Clone!?

140 3 3
                                    

Ham's POV: 

Ngayon ko lang nalaman na ang langit pala ay may iba't ibang dimensyon! May simple at may kakaiba. NAPAKAGANDA ng dimensyon na ito. Madaming ilaw,madaming makukulay na bagay, may malalaking bilog at mga ibat ibang hugis. Marami ring mga tao na nakasuot nang mga kakaibang damit. Wala kahit isa sa kanila na may kagaya ng damit namin sa mundo ko. 

(O__O") HINDI KAYA!!!!!! HINDI KAYA MGA ANGHEL SILA!?!!!??! 

Ngayon ko lang naalala na nasa Langit nga pala ako. (O____O") Ibig sabihin mga anghel ang kasama ko!!? Yung babae! Anghel siya! Yung kamuka ni Serto, ANGHEL!? Hindi anghel yun =___= walang masungit na anghel!

"Hammy! Tara na sa loob!" sabi nung babae at hinila ako. Tumingin lang ako sa kanya at nagmasid ulit sa mga tao. 

May mga tao na malalaking itim yung mata! HOLO? (O___O") anlalaki nung mata nila! Yung iba kulay itim! yung iba kayumagi naman, yung iba naman nakikita ko pa din ung mata sa loob pero meron ding malalaking nasa ibabaw ng mata nila. 

Baka naman ibang nilalang sila!? Baka naman may kapangyarihan ang mga mata nila kaya malalaki!? (O__O") baka nakakaakit sila! NAAKIT AKO SA KANILA!!! Tinakpan ko ang mga mata ko. 

"Huwaaaah!!" Aray! Napaupo ako sa sahig. Ano ba nangyari! Teka mumulat ba ako!? Ayoko!! Ayoko!! Baka maakit ako! 

"Hey Miss Sexy!" sabi ng isang lalaki sa malagong(a/n: yung malagong. malalim. No! Basta yung lalaking lalaki ang boses at madalas sa mga reporters or broadcasters. Yung gwapong boses ng lalaki . BASTA yung nakakatakot din hehe! :D) na boses. 

Bigla na lang may pumulupot na kamay saa bewang ko at!!!!! HUWAAAAAHHH!!! 

Hinawakan niya ang dibdib ko!!! TT__TT WAAAAH! BASTOS! MANYAK!!! HINDI SIYA ANGHEL!! Dimonyo siya!! (a/n: sorry for the word "dimonyo" hindi ko madalas ginagamit yan eh. Masama sa panrinig ko pero dahil opposite ng angel ay demons. ayan :( ) 

*Boouuggssh!

Napamulat ako at nakita ko yung kamuka ni Serto! (O_O") sinuntok niya yung lalaki. Nakasuot yun ng T-shirt na kulay damo at ang laki laki ng katawan niya (O___O") isa pala siyang higanti! Siguro halimaw siya! Manyak na halimaw! TT__TT

"Dont you ever touch her!" sigaw nung kamuka ni Serto. Grabe galit na galit siya! (O__O") Kulang nalang siya sa usok para na siyang halimaw. Sobra pala siyang magalit! 

Pinunasan nung Manyakalimaw yung labi niya, dumudugo kasi. Pinagsama yung "manyak" at "halimaw" yun na ang tatawag ko sa mga kagaya niya. 

"Hammy! Tumayo ka dyan! Nakadress ka!" sabi nung babae. Ano daw? Wala akong naintindihan. Itinayo niya ako pero nakatuon pa din ang mga mata ko sa kamuka ni Serto at kay Manyakalimaw. 

Nang makatingin na ulit yung lalaki dun sa kamuka ni Serto, sinuntok ito ng kamuka ni Serto! (O_O") Ang lakas naman niyang manuntok! Halos tumalsik na yung ulo ni Manyakalimaw! Astig! Ang galing niyang makipaglaban. Ganito ba si Serto? Mas magaling tong kamuka niya. ^___^

*Boouugssh!

*Boouggsshh!

Ayaw lumaban ni Manyakalimaw! HAHA TALO KA PALA EH!

"Booo!!!!!" sigaw ko at dumidila dila pa! 

"SERTO! SERTO! SERTO!" sigaw ako ng sigaw. Kamuka naman siya ni Serto edi siya na muna si Serto! ^____~ Parehas silang gwapo. *O* ANGHEL. Masama lang ugali neto. =_=

"Kuya! Stop it! Kuya!" sigaw nung babae. Hindi siya makalapit kasi nagwawala si Serto the second.

"Sir! Sir! Tama na po!" may umawat na mga tao din. Siguro tagabantay pero! (O__O") ano yung nangingintab na bagay na nasa may bewang niya. 

You've Gotta Be Kidding Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon