Ham’s POV:
HUHUHU! Nasan ba ako? Bakit ang daming natakbong upuan dito? Kung balikan ko na lang kaya sina Serto?
Grrrr! Hindi siya si Serto! Kasi si Serto mabait! At si Serto mahal na mahal niya ang kapatid ko! Napakasaman ng lalaking yun! Saan ko naman kaya hahanapin si Kote? Hindi ko naman alam kung saan siya nagtatago ngayon.
Paano kaya niya nalaman na nandito ako? Bakit kaya siya nakadamit kagaya ng mga damit ng mga anghel dito? Teka, anghel nga ba sila? Pakiramdam ko hindi na langit to. Mas maganda pa din ang mundo namin nina Kote. Malamig nga dito pero sa gabi lang naman, ang sakit sa balat ng init. Buti na lang kinuha ko yung damit ng masungit na kamukha ni Serto na yun.
“Hays… Hacho diy karichu?” (translation: Hays… Saan na ba ako pupunta?) Napabuntunghininga na lang ako habang naglalakad. Puro bato dito hindi kagaya sa amin na puro malalambot na lupa ang tinatapakan ko. Puro malalaking bato na may mga salamin naman ang nakapalibot, hindi kagaya samin na puro puno. Nasan nga kaya ako? Baka naman ibang mundo to at hindi ito langit? Pagkakaalam ko kasi hindi mainit sa langit.
Hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta? Makapagtanong na nga lang.
Nakakita ako ng isang babae na may kulay berde na nasa bibig niya. Halaaahh! Yun ba ang dila niya? Nakakatakot naman sila!
“Ahhh…Karino syale dakiru hacho dashing lunya dilu?” (translation: Ahhh… May alam po ba kayong pwedeng tuluyan dito?) lakas loob kong tanong dun sa babae. Napatingin naman siya sakin at biglang humiwalay yung dila niyang berde at nagkameron na siya ng normal na dila. Nakita kong dumikit dun sa lalagyan na may lamang likido yung dila niya. Halaahh! Siguro may kapangyarihan sila? At yung likidong yun ang nagpapalakas sa dila ng babaeng to.
“What you say? Kaninong what alin? I… dunt understand yow” sabi nung babae. Halaahh. Hindi nga pala nila ako naiintindihan at hindi ko din sila naiintindihan. Pano na to.
“Penge!” narinig kong sabi nung bata dun sa babaeng mas matanda sa kanya na may hawak na kagaya ng hawak ng babaeng kausap ko. Inakay na nung matandang babae yung bata papunta sa isang batong may mga salamin at pumasok sila sa parihaba na kagaya nung nandoon pa ako kay masungit na Serto. Napatingin na lang ako sa babaeng nakatingin pa din sakin.
Ano kaya kung sabihin ko din yun!? Aakayin din kaya niya ako papunta sa kagaya nun? Baka maari akong matulog dun. Tama! Gagayahin ko ang lingwahe nila!
“Penge!” sambit ko ng nakangiti. Sana maintindihan niya ako. Siguro naman.
“Ahh yun ba? Jusmiyo my gad! Akala ko naman kung ano iketch. Ohh iyo na lang and don’t bother me again. Im scared of you. Chupiii!” Sabi niya at inabot sakin yung dila niya. Halah!? Aanhin ko naman to!? Nakakainis! Hindi niya ako naintindihan nakakainis naman! Ang arte arte pa. Saka bakit boses lalaki siya na parang iniipit lang ang boses. Hayss! Ano kayang nilalang siya. Pero yung sinabi niya! Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.
Ano bang likido to? Dapat ko bang inumin to? Nakakatakot baka matulad ako sa kanila. Lagooot!
Inamoy amoy ko ito. Ang bango! Amoy prutas! Pero natatakot pa din ako. Iniwan ko na lang sa bato yung likido na may dila. Hays.. Maglalakad na lang ako.
Pero paano nga kaya kung inumin ko yung likidong yun? Magiging kagaya nga kaya nila ako? Pag naging kagaya nila ako, maiintindihan na nila ako. Pag naintindihan naman nila ako, makakahanap na ako ng matutulugan tapos makakahanap na din ako ng paraan para makabalik kay na Hata. Pero bago ako bumalik kay na Hata, hahanapin ko muna si Kote. Kawawa naman siya kung maiiwan siya dito.
Pero teka! Si Kote, parang naiintindihan siya ng mga nilalang dito? Hindi kaya… TAMA! Siguro uminom din siya ng likido dito? Siguro yun ang kailangan kong gawin. Bahala na! Basta kailangan ko ng masisilungan ngayon at kailangan kong makahanap ng paraan para mahanap si Kote at makabalik na sa aming mundo.
BINABASA MO ANG
You've Gotta Be Kidding Me!
ComédieSexy and cool gangster na nafell kay GORGEOUS HOMO SAPIENS girl named HAM. Literally Homo Sapiens, she came from the past using a time machine na akala niya isang nilalang na kinain na lang siya basta basta. ENJOY READING! :D