Ham’s POV:
Waaaahh! Mukang nagugustuhan ko na ang bagong mundo kung nasan ako ngayon! Ang sarap dito! Dito lang ako nakatikim ng baboy ramo na kulay pink tapos ang nipis nipis!! *O* Ang sarap sarap sarap sarap sarap sarap sarap sarap!! HAM!! HAM! :D
Meron pa nga akong natikman na tubig na kulay tae! Akala ko nung una tae un! KADIRI! Pero nung nalasahan ko na! WAAAHHH! LANGIT! LANGIT! Ang sarap niya! Kakaiba yung lasa! Sana yun na lang ang tubig sa mundo! Pero syempre nasa ibang mundo ako kaya iba siguro ang tubig nila? :D
Matapos naming kumain ay dinala na ulit ako nung maganda at mabait na babae sa isang …….
Hindi ko alam ang tawag dito eh! Basta may higaan na malambot tapos may kahoy na kulay puti at hugis parihaba sa gilid nung higaan. Ngayon lang ako nakakita ng kulay puti na kahoy tapos nabubuksan siya nung masungit na lalaki. Nakakainis! Kamuka niya si Serto! T___T Namimiss ko tuloy si Serto kasi kapag nakikita ko yung lalaki naalala ko si Serto.
Kagabi natingin kami sa mga bituin sa langit tapos may mga sinasabi yung lalaki. Hindi ko naman kasi siya maintindihan! Ayos na sana ang pananatili ko sa mundong ito eh, ang problema nga lang hindi ko sila maintindihan. Galing ba sila sa ibang planeta? Anong kayang planeta ang tinutungtungan ko ngayon?
Nagkwekwento yung lalaki sakin ng kung ano-ano gamit ang kakaibang lingwahe. Pero alam ko na malungkot siya habang nagkwekwento siya. Iba kasi yung mata niya eh, parang ang lamlam lamlam tapos parang may problema siya. Kaya kahit hindi ko siya maintindihan, pinilit ko paring makinig. Dinamayan ko pa rin siya kahit antok na antok na ako.
Minsan mabait siya! Kagaya kagabi, nung nilalamig na ako hinubad niya yung suot niya tapos binalot sakin kaya hindi na ako nilamig. :D Pero minsan naman basta na lang niya ako sisigawan, kagaya kagabi sa natakbong upuan. Nung nakaupo kami dun, hinahanap ko yung sulat ni Serto sakin, sinigawan niya ako bigla. Kumabog nga ang dibdib ko ng sigawan niya ako! Ang sama niya!! :(((((
Umupo ako dun sa higaan tapos umupo din yung babae. Kumuha siya ng ibang kulay na suklay, kulay asul un. *O* Ang galing talaga! Paano nila nakukulayan ang buto? Tapos sinuklayan na niya ako. Ang hinhin nga niyang magsuklay, pakiramdam ko tuloy isa ako sa mga matataas na tao.
Inayos niya yung buhok ko. Nang matapos na niyang masuklay ay pinaikot-ikot niya tapos itinumpok niya sa taas. Tapos may kinuha siyang bilog na kulay itim at yun ang tinali sa buhok ko. Ang galing! Hindi nalalaglag yung pinulupot kong buhok! :D
“Wow! You look so pretty Ham!” sabi niya. Pangalan ko lang yung naintindihan ko! HAHA Okay lang! Nginitian ko na lang siya.
Tumayo siya at sinundan ko siya. May lamesa dun sa nilapitan niya tapos may kakaibang bagay na nakadikit sa pader. Tumingin ako dun nung makalapit na ako. Hindi ko pinansin ang sinabi nung babae.
OoO….
HOLO!? Bakit !? BAKIT NIYA GINAYA ANG MUKA KO!? O_O kamukang kamuka ko talaga yun!!!!!!! WAAAAAAHHH! May tikbalang pala dito!! TT__TT Sabi kasi ni Hata na ang tikbalang daw nanggagaya ng itsura! Wah! Nakakatakot!
BINABASA MO ANG
You've Gotta Be Kidding Me!
HumorSexy and cool gangster na nafell kay GORGEOUS HOMO SAPIENS girl named HAM. Literally Homo Sapiens, she came from the past using a time machine na akala niya isang nilalang na kinain na lang siya basta basta. ENJOY READING! :D