Chapter 4: Catching Up

13.4K 251 39
                                    

Chapter 4: Catching Up

Lunes ng hapon palakad lakad si Jessica sa may parking area ng paaralan nila. Ilang beses na niya inayos suot niya, nilabas niya muli salamin niya para tignan mukha niya sabay muling binasa ang text mula kay Enan.

"Hey Jessica, you need a ride home?" tanong ng isang preksong lalake. "No thanks, someone is picking me up" sabi ng dalaga. "Let me wait with you then" alok nung lalake. "Hey Terrence, I do not like you, I will never learn to like you so stop while its early" sabi ng dalaga sa napaka cute na boses.

"Sus akala mo naman kung sino kang maganda" sabat ni Terrence. Bago pa makasabat si Jessica biglang may humarang sa kanya sabay nakipagdibdiban sa preskong binata. "Di ko gusto yung sinabi mo sa kanya ah, ano tara dito na o labas pa tayo ng gate?" tanong ni Enan kaya napanganag si Jessica at napahawak sa likod ng kaibigan niya.

Umatras si Terrence, tinitigan si Enan sabay inuga uga niya ulo niya at nag astang siga. Muling dumikit si Enan, binangga niya talaga dibdib niya sa preskong binata, "Babae lang ba kaya mo patulan? Maganda siya, alam mo yon, porke di ka type pangit na siya?"

"Ganda ng porma mo, amoy prostitute ka pa. Gwapo ka nga pero eto tandaan mo, ang puso ng babae hindi basta basta kaya tangayin ng hangin na taglay mo. Magsorry ka sa kanya bago kita papatulan talaga" sabi ni Enan kaya napalunok sa takot si Terrence pagkat nanlilisik ang mga mata ni Enan.

"Jessica sorry" sabi ng binata. "Ngayon ayusin mo sinabi mo" sabi ni Enan. "Jessica you are really very pretty, I really apologize for my actions" sabi ni Terrence. "Hoy pogi, eto tandaan mo ha. Yang ugali mo ayusin mo, alam ko ganyan ka sa lahat ng babae kaya pag nabalitaan ko may trinato ka ulit na ganyan babalikan kita talaga" banta ni Enan.

Gamit dibdib niya tinulak ni Enan si Terrence, nakalayo sila kay Jessica kaya doon na bumulong ang binata. "Just by looking at my face you can see that I have been through a lot of battles, my threats to you are not mere words. Wag mo nang balakin dumagdag sa bilang ng mga naka memorize ng mukha ko. Ngayon tumalikod ka, ayusin mo lakad mo tapos bumalik ka na sa kotse mo. Leave her alone, wag kang magsusumbong sa mga boylets mo at isa pa ha"

"Mabalitaan ko lang talaga na inaasar siya, pinagtritripan siya, ikaw agad una kong iisipin. At pag muli kitang naisip sus, I will never let you forget my face, bawat pikit mo ako lagi mong maalala I promise you that. So we good?" banta ni Enan. "Yes" sagot ni Terrence sa nanginginig na boses.

Binalikan na ni Enan si Jessica, ang dalaga napangiti at agad inayos yung kwelyo ng kaibigan niya. "Andoy naman kaya ko naman alagaan sarili ko" sabi ng dalaga. "Ikang, ang attitude kailangan pang beauty queen. Ikaw talaga o akala mo nakalimutan ko na ha"

"We are not kids anymore Ikang, kaya na kita ipagtanggol at alagaan din. Uy parang gumanda ka ng two levels today ha. Ay oo Monday, ahem sino naman yung pinopormahan mo? Uy uy uy" landi ni Enan kaya natawa si Jessica at nahampas dibdib ng kaibigan niya.

"Ikaw din kaya, so ano nakita mo ba yung crush mo today sa school niyo?" bawi ng dalaga. "Wala ha, actually a friend is teaching me how to dress properly e oo today is special kasi siyempre kailangan medyo presentable naman yung kasama ng beauty queen habang nagdidinner no" sabi ni Enan.

"Naks, wala naman ako binago. Ganito lang naman ako pumasok sa school" sabi ni Jessica. "Weh, magkasama lang tayo kahapon e o baka niloloko lang ako ng mga mata ko. Parang kuminis yang face mo, oh well tara na pala at naka double park ako sa kalye. Ayaw kasi ako papasukin dito"

"You have such ignorant guards here ha, di sila marunong kumilala. Well I understand, dahil siguro lalake sila kaya hindi sila mabibighani sa aking taglay na pagka artistahin" banat ni Enan kaya napahalakhak si Jessica at pinagtutulak yung binata palabas ng gate.

Artistahin: FINAL CUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon