Chapter 29: Failure

10.3K 201 20
                                    

Chapter 29: Failure

Nagbukas dahan dahan ang pintuan ni Chelsea, isang matalim na kutsilyo ang agad umunday ng saksak kaya umatras si Enan. "Chel ako to, huy" bigkas ng binata. Sumilip yung dalaga sabay nagsimangot, "Loko loko ka din naman kasi e, kaya nga may peep hole diba? Para makita ko sino yung kumakatok. Bakit ka kasi nagtago?" tanong ng dalaga sabay tinanggal yung chain at binuksan ng husto yung pintuan.

"I was just kidding..." bigkas ng binata sabay natulala. "O ano problema mo? I was in the midst of getting dressed, dami mo arte di tayo talo" sabi ng dalaga na naka bra at panty lamang. "Ah sige dito nalang ako mag aantay" sabi ni Enan. "Sus, nakita mo na mag iinarte ka pa. Pumasok ka na at ilock mo yang pintuan. Leave the knife by the door table, ninakawan yung isang unit sa fifth floor the other day so mahirap na" sabi ng dalaga.

"Kung di tayo talo bakit naka bra at panty ka? Diba dapat brief lang?" banat ni Enan kaya humarap sa kanya yung dalaga at nagtaas ng kilay. "Joke..sige na magbihis ka na" sabi ni Enan. "So tell me bakit ka nandito?" tanong ni Chelsea. "Bihis ka muna, kahit di tayo talo nadidistract parin ako" sabi ng binata.

"Alam mo ang dami mong arte, start talking" sabi ni Chelsea kaya nilabas ni Enan phone niya at pabirong kukunan ng litrato ang dalaga. "How dare you" bigkas ni Chelsea. "Joke! Ipapakita ko yung e-mail na natanggap ko. Di ako ganon ha" sabi ng binata.

Lumapit yung dalaga, inagaw yung phone sabay binasa yung e-mail. "We regret to inform you.." basa ng dalaga sabay tumigil na at sinoli yung phone. "That is depressing" sabi niya. "Sorry ha, di daw ako fit sa current standards na hinahanap nila. Magkano utang ko sa iyo?" tanong ni Enan.

"Sayang ano? Tsk..hay well wala na tayo magagawa. At least we tried diba?" sabi ni Chelsea. "Magkano utang ko?" tanong ng binata. "Wala, depressing news pero life goes on. Oh on second though since nandito ka na. Sana wala kang ibang lakad ngayon" sabi ng dalaga.

"Wala naman" sabi ni Enan. "Good! Kung gusto mo magbayad utang samahan mo ako sa isang photo shoot today. Madami kasi ako dadalhin e" sabi ni Chelsea. "Oo ba" sabi ni Enan. "Alright pero malayo siya ha, it's a prenuptial shoot" sabi ni Chelsea.

"Wow, malamang mayaman yan kasi mga mayayaman lang gumagawa niyan usually e" sabi ni Enan. "Not really, uso na ngayon ang prenup shoots, pero today tama ka mayaman sila. Marunong ka magmaneho so ikaw narin driver ko" sabi ng dalaga. "Sure" sabi ni Enan.

Pumasok na yung dalaga sa kwarto niya, uupo palang si Enan sa sofa nang makarinig siya ng sigaw. "Sayang!" hiyaw ni Chelsea sabay walang tigil na nagmura kaya inuga nalang ni Enan ulo niya. Ilang minuto lumipas lumabas si Chelsea at natawa. "You can touch it" sabi niya.

"Ayaw ko, alam ko mahal ang camera na ganito" sabi ni Enan. "Luma na yan, pero ginagamit ko parin pang back up" sabi ng dalaga. "Lahat ito dadalhin natin? Tatlong camera tapos may Go Pro ka pa" sabi ni Enan. "Camera palang yan, di mo pa nakita yung ibang mga gamit na dadalhin natin" sabi ni Chelsea sabay natawa.

"Bakit ang dami?" tanong ni Enan. "Syempre para kunwari sulit yung bayad nila" banat ni Chelsea kaya natawa ng malakas yung binata. "Iset up ko yung tatlong camera para mabilib naman sila kunwari" hirit ng dalaga. "Pero sa totoo isa lang gagamitin mo?" tanong ni Enan.

"Sira nagbibiro lang ako. Trust me magagamit lahat yan. Okay I think I am ready, help me place them sa bags then wait pala, yung listahan ko. Read to me this list para macheck ko kung nandito na lahat" sabi ng dalaga.

Isang oras lumipas natatawa si Chelsea pagkat habang nagmamaneho ang binata nakangiti ito. "Alam mo para kang baliw" sabi niya. "If you wanna be my lover.." birit ni Enan kasabay ng tugtugin kaya napatawa niya yung dalaga. "Excuse me hindi sa akin yang CD, it belongs to my ex" sabi ni Chelsea.

Artistahin: FINAL CUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon