Chapter 58: Action!

9.9K 216 40
                                    

Chapter 58: Action!

Kinabukasan, maaga nagising si Enan para ihanda ang kanyang suit. Naupo siya sabay biglang napaisip, "Oh shoot!" bigkas niya kaya tinignan niya yung oras at nagsimula siyang magpanic.

Lumabas siya ng kwarto at pinuntahan ang kanyang daddy na abala sa pagbibihis. "Daddy, may problema ako" sabi ng binata. "What is it anak?" tanong ni Robert. "Nag oo ako withouth thinking, kasi sabi ni Tiny alas otso yung kasal. Daddy hindi ako nag isip ng maigi at up to eight din pala trabaho ko"

"Hindi ko naisip na kailangan ko pa magbihis tapos kailangan ko pa siya sunduin" sabi ng binata. "Calm down, your problem is how to ask for an immediate leave?" tanong ni Robert. "Yes dad, pero parang di naman ata pwede yon kasi wala pa ako isang buwan sa trabaho" sabi ng binata.

"Anak, kung importante talaga lakad mo then kausapin mo ng maayos boss mo. Kasi anak usually kailangan mo magbigay ng notice in advance para makahanap sila ng papalit sa iyo. Ganon yung sistema kasi pero naiintinidhan ko naman kasi bata ka pa. Baka hindi ka pa masyado nakapag adjust sa bagong status mo" sabi ng ama niya.

"Pwede ba ako humingi ng leave? Or can I just ask to leave early? Pwede naman po ako mag one hour" sabi ni Enan. "That is much better I think pero agahan mo pumasok tapos sabihan mo agad boss mo or bettery yet go there in the morning" sabi ni Robert.

"Sige po, tsk, nawala sa isip ko" sabi ni Enan. "Ganyan talaga anak pag nagmamahal ka. Nakwento ng mama mo sa akin yung nangyari, so how are you holding up?" tanong ni Robert. "Daddy napromote ka lang umiislang ka na" landi ni Enan.

"Hahaha syempre anak e humaharap na ako sa mga foreign investors and clients" sagot ng ama niya. "Daddy ang hirap mag antay ng sagot, tapos kasama ko pa siy araw araw. Di ko alam kung gusto niya ako sanayin as friends lang e" sabi ni Enan. "Baka nabigla lang anak, syempre magkaibigan kayo tapos bigla ka aamin"

"Iba na kasi panahon ngayon kumpara noon. Dati ang panliligaw matagal talaga. Ngayon naka ilang date lang sagot agad. Dati matagal na proseso yan, kahit nagtapat ka na tuloy ang ligawan hanggang sa magbigay siya ng sagot. At ang sagot na yon maaring good or bad pa" kwento ni Robert.

"Dinedepress mo ako lalo daddy ha" sabi ni Enan. "Part of life anak, sige na bumaba ka na at kumain kasi maaga kang pupunta sa office niyo. Be respectful, be honest to them" sabi ng matanda. "Daddy pano pag hindi sila pumayag?" tanong ni Enan.

"Ah..well welcome to the real world anak. You should learn how to make big decisions on your own already. Malapit ka na mag graduate, may trabaho ka na, so its time for you to learn those things. Hindi lahat pwede namin maituro sa iyo pero whatever happens we will be there for you of course" sabi ni Robert.

Bandang alas dyes nasa Radio Station na si Enan at nakikiusap sa bossing nila. Lumabas ng opisina ang binata na malungkot kaya tumambay siya sa back door terrace. Isang minuto lumipas lumabas si Richard at nagsindi ng yosi. "Di ba makakasira yan sa boses?" tanong ni Enan.

"Two sticks a day lang ako, pampatanggal ng stress. O bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Richard. "Tight spot, up to eight work pero I must be at a wedding by eight" sabi ni Enan. "Ay di ka pinayagan ano? Biglaan kasi e, dapat pag ganyan at least one week in advance para maremedyo yung schedules" sabi ni Richard.

"Nawala sa isip ko talaga, I mean I knew hanggang eight ako, pumayag ako without even thinking it over" sabi ni Enan. "Well I can help you out but I can only cover for you from seven to eight" sabi ni Richard.

"Talaga? Sige ba" sabi ng binata. "You still get paid in full pero you have to cover my cover shit for Tony" sabi ni Richard. "Sure" sagot ni Enan. "Okay, two hours yon at from eight to ten ng umaga, bigay ko schedule sa iyo later" sabi ni Richard. "Two...okay sige sige" sagot ng binata.

Artistahin: FINAL CUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon