Chapter 7: Jump Start

12.6K 233 47
                                    

Chapter 7: Jump Start

"Kung ako tatanungin mo hindi ko masasagot kung gano ko siya kamahal. You are giving me reasons and you think I will just step back because of those. Just because I cannot verbalize my feelings for him you already think I don't love him. You are wrong!" sigaw ni Cristine.

"Kung gusto mo malaman gano ko siya kamahal sige subukan mo siya ahasin at makikita mo. Malalaman mo kung gano ko siya kamahal. I dare you to even try to flirt with him one more time and you will not only feel my palm on your cheek" hirit niya sabay biglang sinampal yung babaeng nasa harapan niya.

"Oh that slap, it was just because I wanted to. Kasi kaya ko" hiyaw ni Cristine sabay bumira ulit ng isang sampal. "Cut!" sigaw ng director, biglang nagpalakpakan ang lahat ng tao sa set ngunit si Cristine agad niyakap yung co actress niya.

"Hey I am so sorry kung nalakasan ko ha" lambing niya. "Okay lang, kita mo naman na it was good take" sagot ng dalaga. "Pero sorry parin ha, nadala lang ako sa eksena" sabi ni Cristine. "Oo I know, grabe madami ako matututunan sa iyo ate" sabi ng dalaga. "Di naman, sorry talaga ha. Chat with you later" sabi ni Cristine.

Pagpasok ni Cristine sa kwarto pumalakpak si Jelly, "Grabe ka, damang dama yung acting mo. Sis as in super galing mo, pati facial reaction mo, yung panginginig mo talaga sa galit ang tindi. Parang true e no? Nilalabas mo talaga yung true feelings mo no?" landi ni Jelly kaya natawa si Cristine.

"Inspired lang ako or maybe I am getting ready. Marami sila e" sabi ng dalaga. "Di ka parin maka get over?" landi ni Jelly. Super ngiti si Cristine, "Parang gusto ko ulit ng ice cream, I never like ice cream pero after sharing ice cream with him parang favorite ko na. Bibili tayo ulit nung Pistachio flavor" sabi ni Cristine.

"Sino ulit yung dadalaw sa set sa Sabado?" landi ni Jelly kaya natili si Cristine at humaplos sa kanyang puso. "Hay, kaya nga babagalan ko yung takes para sumakto sa Sabado yung take na may dialogue na nagsasabi ako ng I love you" sabi ng dalaga na todo pacute. "Aysuuss, sis happy ka?" tanong ni Jelly kaya pumikit si Cristine at napangiti ng husto.

Samantala sa tambayan sa school lakad ng lakad si Greg kaya tawang tawa si Enan. "Hoy ano ka ba? Papansin ka naman e, maupo ka nga dito" sabi ni Enan. "Alam mo ba pare ang daming nagsabi na I look different, ang dami nagsabi na ang porma ko daw ngayon" sabi ni Greg na parang bata.

"Ano ba ginagawa mo? Inaattract mo yung girls? Sino ba talaga yung gusto mo pormahan? Wala siya dito, taga ibang school siya. Maniwala ka nalang kasi sa Intergalactic bae, ako na mismo nagsasabi sa iyo na you look good" sabi ni Enan.

"Okay pare, uy pare siya nga pala. Ang sweet niyo ni Cristine ha. Uy ano yon? Balikan ba?" tanong ni Greg. Di sumagot si Enan, nakangiti lang siya kaya siniko siya ng kanyang kaibigan. "Uy ano yon?" tanong niya. "Mukhang may balikan na magaganap ah" sabi ni Greg.

"Grabe pare, nakatalikod ako then naamoy ko yung perfume niya. Oo alam ko di lang naman siya gumagamit ng ganon na perfume pero nagwish ako that moment na sana siya...pagtalikod ko grabe pare lumusko talaga puso ko nung nakita ko siya pero nakatalikod e"

"I knew it was her, kahit nakatalikod siya alam ko siya yon. Then she turned around, parang tumigil puso ko pare. Kahit na naka cap siya ang ganda niya parin. Super speechless ako aaminin ko at ewan ko bakit, parang ang dami kong gusto sabihn sa kanya kaya lang walang gustong lumabas. Gusto ko lang siya titigan ng matagal as in super tagal" kwento ni Enan.

"Pare ganyan din ako pag kasama ko si Lea" sabi ni Greg. "Excuse me emo time ko ito, pwede ba yung artistahin muna magshare bago yung extra?" banat ni Enan. "Ogag" sabi ni Greg kaya natawa si Enan. "Hay pare, tsk kaya she said she misses me, ang malungkot I was only a friend to her" sabi ni Enan.

Artistahin: FINAL CUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon