Chapter 17: Frenemies

11.1K 220 43
                                    

Chapter 17: Frenemies

Isang Biyernes ng gabi sa loob ng kotse di mapakali si Jessica kaya napakamot si Enan. "Ikang ano problema mo?" tanong ng binata. "Wala lang, excited lang ako panooring kang mag perform" sabi ng dalaga. "Tsk, wala si Mikan kaya I will be really busy. Sana naman may kasama kang iba kasi baka mabore ka mamaya" sabi ng binata.

"Okay lang ano, nasan ba si Mikan?" tanong ng dalaga. "Well may engagement siya, may event na malaki bayad pero okay lang yon sa totoo. Ang masama biglang back out din yung isang band kasi namatayan yung lead vocalist nila" sabi ni Enan.

"Hala so you mean to say parang solo concert mo tonight?" tanong ni Jessica. "Wow ang sarap naman pakinggan non, pero di rin. Nakausap ko na si boss, we are going to try something new tonight. Para naman di ako kakanta ng buong gabi no, basta mamaya" sabi ng binata.

Sa loob ng bar nagulat si Jessica nang binati siya ng lahat ng staff. Pilyong sumaludo si Enan mala John Loyd kaya bungisngis si Jessica. "Halika itour kita sa dressing room ko, naks mafeeling porke wala si Mikan e. So this is our dressing room, dapat sa kanya lang kaya lang naawa siya sa akin kaya okay lang daw maki dressing room ako dito" sabi ni Enan.

"Pero babae siya" sabi ni Jessica. "Babae nga siya, oh of course I go out when she needs to change. Pag hindi diyan lang kami nagpapahinga" sabi ng binata. "I see" bulong ni Jessica.

Samantala sa labas ng bar di mapakali si Cristine. "Masyado ata tayo maaga e" sabi niya. "Tama lang para maka pwesto na tayo, pangit naman yung dadating ka ng madami nang tao baka kunin mo pa antesyon nila" sabi ni Jelly. "Should I text him? Nandyan na kotse niya so that means nandyan na siya diba?" tanong ni Cristine. "Malay mo nag away sila ng kotse niya at nauna yung kotse dito" banat ni Jelly kaya tinaasan siya ng kilay ng dalaga.

"Itetext ko na siya" sabi ni Cristine. Sa loob ng dressing room tumunog phone ni Enan. "Sino?" tanong ni Jessica kaya dumikit siya sa binata. "Surprise, nandito kami sa labas ng bar ni Jelly" basa ni Enan kaya agad nagsimangot ang dalaga.

"Oh wow, nandito si Tiny" sabi ni Enan. Tumalikod si Jessica at kunwari pinagmamasdan yung isang songbook. "Ikang halika, dali sunduin natin sila sa labas" sabi ng binata. "Hindi na, ikaw nalang. Dito nalang ako" sagot ng dalaga. "Ikang halika na" sabi ng binata sabay hila sa dalaga palabas ng dressing room.

Super simangot na si Jessica, samatala sa labas nakita na ni Jelly yung dalawa mula sa loob. "Uh oh" bigkas niya. "Why uh oh?" tanong ni Cristine ngunit nakita na niya narin sina Enan at Jessica. "What the hell is she doing here?" bulong ng dalaga sa inis.

"Tiny! Jelly!" sigaw ni Enan kaya nagtago si Jessica sa likuran ng binata. Nakipag beso si Enan kay Jelly, si Cristine naman biglang yumakap sabay tumuka sa pisngi ng binata. "Wait, Ikang, lika na, Ikang I would like to formally introduce you to Cristine and Jelly. Si Jelly ay lalake" banat ni Enan kaya doon na natawa si Jessica at pinalo sa pwet ang binata.

"Tiny and Jelly, this is Jessica" pahabol ng binata kaya napangisi si Jelly ngunit nagulat siya nang inabot ni Cristine ang kamay niya. "Hello" bati niya. "Hi" sagot ni Jessica sabay nakipagkamayan naman sa artista. "Enan ilibre mo kami ha" sabi ni Jelly.

"Jelly!" reklamo ni Cristine. "Sure, wag kayong mag alala baka triple pay ako tonight kasi solo ako. Ahem, consider this as my mini concert" sabi ng binata. "Talaga? Solo mo? E di kami lang ang bisita mo ganon?" banat ni Jelly.

Magrereact sana si Jessica ngunit humarap si Enan kay Jelly sabay hinaplos pisngi nito. "Alam mo Jelly, akala ko nagiging close na tayo pero hindi pala. Kahit na ganyan ka parin sa akin, nais ko lamang na malaman mo na...lalake ka parin sa paningin ko" banat ng binata.

Artistahin: FINAL CUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon