14: Tamis Ng Halik

1.5K 108 9
                                    



Pinilit ni Richard gumising ng maaga para makapaghanda ng almusal para sa kanilang dalawa ni Wendy. Ang talagang gusto niyang gawin ay puntahan si Wendy dahil galit itong umalis kagabi at hindi sila nagkausap. Hindi niya alam kung galit ba talaga yun o napagod lang ito ng sobra at hindi na nakapagpaalam pa sa kanila.

Matapos gawin ang kanyang morning rituals, dumiretso siya sa Villa Marisol, tahimik pa ang villa. Siguro tulog pa yata sila. Hindi na siya kumatok sa halip ay dumiretso na siya ng kusina. Naghanda siya ng breakfast for two. Pinuntahan niya si Angel upang tanungin kung meron bang darating ngayon.

"May darating ba ngayon?" Tanong niya kay Angel. Ngumiti ito.

"Wala pero may mga aalis. Nasabihan ko na si Dindo dahil tulog pa si Isko. Mamaya pa namang mga bandang alas onse hanggang ala-una ang check out." Natuwa naman siya sa sinagot ni Angel.

"Ganun ba? Ano ang nakalatag?" Tanong niya para masiguro kong meron o wala.

"Kung meron mang darating, Kuya ay bukas pa at isang grupo sa makalawa, dalawang grupo sa Miyerkules at dalawang grupo naman sa Biernes." He cleared his day with Angel. She gave him a smile and nod. He went back to Villa Marisol. Naabutan niyang gising na si George at nakatunganga sa maliit na porch area ng villa.

"Good morning, George." Nkangiti niyang bati sa dalaga. "Gising na ba si Wendy?" Pasimple niyang tanong dito.

"Good morning, Richard." Ganting bati sa kanya ni George. "Siguro. Wala na siya dito, eh. Maaga siguro siyang nagising. Nandiyan lang yan nag-iikot-ikot. Babalik din yun kapag nagutom"

"Naghanda kasi ako ng almusal naming dalawa, eh." Napakamot siya ng batok. Ngumit lang ito sa kanya.

"Nandiyan lang yan sa tabi-tabi. Wala naman ibang mapupuntahan dito sa isla kundi sa dalampasigan. Subukan mo sa baybayin baka nagsu-swimming lang." Tumango siya sa sinabi ni George. Baka nga maagang naligo sa dagat si Wendy para hindi pa gaanong mainit ang araw. Masarap kasi ang tubig dagat sa umaga, mainit-init ito.

"Sige, George, alis na ako."




(Richard)


Saan kaya nagpunta si Wendy? Nalibot ko na ang buong dalampasigan. Wala akong nakitang Wendy. Bumalik ako sa duplex, wala pa rin siya. Medyo nag-aalala na ang mga kaibigan niya. Bumalik ako sa lobby, tinanong ko si Angel kung napansin niya si Wendy. Tinignan niya lang ako ng may pagtataka.

"You're weird, Kuya." Sabi niya sa akin. "Why are looking for her? She's not your girlfriend. She can come and go as she wishes. Napaka possessive mo naman. Hindi pa nga kayo." Nakangiting pang-iinis na sabi niya sabay talikod.

"Kaasar naman 'to." Pakamot sa ulo kong sambit sa kanya.

I went to the other side of the last duplex where we do bonfires. I don't see anybody there. Where the hell she went. Na-iinis na ako na nag-aalala para sa kanya. Pabalik na ako sa bahay nang masalubong ko si Isko. Pinakukuha yata siya ni Mama ng kahoy sa kabilang parte ng isla para sa gustong mag-bonfire mamayang gabi..

"Isko, nakita mo ba si Wendy?" Tanong ko. Tumango ito. "Saan?" Muli kong tanong.

"Maaga siyang sumakay ng lantsa, pupunta siya ng Tagbilaran. Sa pagkakaintindi ko, Maglo-long distance daw siya sa Kuya niya. Mukhang malungkot, eh. Ano bang ginawa n'yo sa kanya kagabi?" Napatitig ako sa huling niyang sinabi... tanong.

God Gave Me You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon