22: I'm Not Ready?

1.4K 96 5
                                    

Owtor's Nowt: Maaaring may mga typo pa rin, kaya pasensiya na po. Paki highlight na lang. Thank you.



(Wendy)

Nakabalik na kami sa bahay. Puro kami pagod pero nag-enjoy kaming lahat.  Hindi na galit si Daddy. Okay na ang pamilya namin at meron na rin kaming compromise sa isa't isa. Hindi na mag-iistrikto sa amin si Daddy at nangako kaming magkakapatid na hindi namin sisirain ang tiwala niya. Trust is the key word.

Balik Davao na kaming lahat at balik-trabaho na si Kuya Dan at Kuya Ben. Bumalik na rin si Dad sa states.  Kami na lang ni Ate Teri ang nasa bahay, at syempre ang bago naming baby, si Iggy.

Wala si George ngayon, doon siya nakitulog sa boarding house nila Jane at Iris.

Dalawang linggo na lang balik eskwela na kami. Kung nagtataka kayo at nasaan na si Kuya Luigi, syempre kasama namin. Bumalik na rin siya sa work.
Napag-alaman namin na sa San Pedro Hospital pa rin pala siya nagtatrabaho. Dahil ang sabi niya, kapag handa na daw si Ate at magbalik sa kanya ay may isang lugar itong madali siyang makikita o mahahanap. Di ba ang astig ni Kuya, ang saya.

Kung ako ang tatanungin n'yo, this is the best summer ng aming pamilya. Ate Teri is finally home and happy, may family pa siyang pa-bonus.

Plano ni Kuya Luigi na dito na muna sila titira sa bahay namin para mas madali para kay Iggy. Siyanga pala, nagpakasal silang dalawa sa munisipyo ng Ubay bago kami umalis ng isla.

May ipinadala pang kasama sa bahay ang mga De Santino, si Manang Ditas. Galing siya sa isla, matagal na rin siyang naninilbihan sa mga De Santino, pinsan siya ng Mama ni Richard. Siya daw yung dating nag-alaga kay Richard nung bata pa ito habang nag-aral ito ng secretarial sa Tagbilaran.

Kailangan ko pa palang pumunta sa school ngayon para makuha ko na ung listahan ng mga librong kakailanganin ko pati na rin yung advance requirements para sa practice teaching namin sa 2nd semester.  Malayo pa man yun pero kailangan na rin naming paghandaan. Yan ang napag-usapan namin nila George.

Nag-tricycle na lang ako, mabuti na lang at si Mang Ramon ang napadaan. 

"O, Wendy." Panimula ni Mang Ramon. "Balik-eskwela na naman kayo? May dalawang linggo pa ah?" Dugtong niyang nakangiti.

"Opo, Mang Ramon." Sagot ko sa kanya. "Kukunin po namin ang schedule namin sa school pati na rin yung mga lista ng libro para sa 1st semester at requirements para sa 2nd semester. " Tatango-tango lang si Mang Ramon. 

"Tama yan. Magandang palaging handa para hindi nasasayang ang oras at hindi aanga-anga sa huli." May pagmamalaking sabi ni Mang Ramon.

"Ay, Mang Ramon, pwede ba kayo ang maging service ko ngayong sem. Ayaw ipagamit sa akin nila Kuya yung isang kotse dahil kakailanganin daw ni Ate Teri." Sabi ko. Mabilis na napalingon si Mang Ramon sa akin at ngumiti.

"Oo ba. Dumating na pala si Teri." Sabi niya. "May nakita akong batang kasama mo kanina sa labas ng bahay n'yo na naglalaro, sino yun?" Tanong niya. Alam ko naman na nang-uusisa lang itong si Mang Ramon, pero wag ka, number one defender namin yan.

"Anak po ni Ate Teri." Maikli kong sagot. Pinakikiramdaman ko siya.

"Nag-asawa na si Teri?" Takang tanong ni Mang Ramon. "Kelan pa?" Dugtong niya.

"Opo, nag-asawa na po si Ate nung nasa Canada siya. Yung college boyfriend niya po." Nakita ko ang saya sa mukha ni Mang Ramon. Tumango-tango na lang siya. Hindi na siya nagtanong pang muli.

Nakarating kami sa eskwelahan. Medyo maraming tao. Malayo pa lang nakita ko na si Jane at si Iris.  Nagtataka akong wala si George kaya inilibot ko ang tingin sa paligid at baka nakikipag-tsismisan lang yun.

God Gave Me You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon