16: Dalampasigan

1.6K 111 6
                                    








(Richard)

"AY, Richard!" Si Wendy? Nagulat ko yata siya. "Pasensiya ka na kung nakatulog ako dito." Paghingi niya ng paumanhin.

"Bakit dito ka naman natulog." Mabilis kong sagot sa kanya. Naabutan ko siyang tulog dito sa isang sulok na malapit sa bungad ng kusina.

"Hinihintay kasi kita. Gusto sana kitang maka-usap." Namumula ang mga pisngi niya. Gusto ko mang ngumiti ay pinigil ko ang aking sarili. Alam kong nahihiya siya.

"May problema ba, Wendy? Anong nangyari?" Kahit nag-aalala ako ay pilit kong pinalambing ang boses ko para mawala ang pangingimi niya.

Umayos muna siya ng upo. Inilagay ko yung sandwich na dala ko sa lamesa at humila ng upuan na mas malapit sa kanya.

"Kamusta ka na?" Kunwari'y tanong ko.

"Umm, okay naman. Salamat talaga doon sa kahapon. Medyo okay na ako ngayon." Sagot naman niya.

"Wendz, mukhang hindi ka okay, eh. May problema ka ba? May problema ba tayo?" Ano nga ba kami. Kahapon lang sinabi ko sa kanyang girlfriend ko na siya. Pero syempre baka hindi siya pumayag. Hindi ko pa.nha naliligawan, napaka-assuming ko naman.

Ngumiti siya sa akin sabay yuko. Pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri. Hindi ako sanay na makita siyang ganito, tahimik at nalilito. Nahihiya?

Makulit si Wendy at masayahin, palaging nakangiti, may handang jokes anytime. Sa iksi ng panahong nakilala ko siya, kahit na nung sandaling panahon sa barko, alam ko na out going siya. Walang kiyeme, kahit sabog ang buhok niya ayos lang sa kanya, hindi siya majiyain. Hindi ko nga masakyan ang trip nito noon, dahil pasaway ang tingin ko kay Wendy. Pero ngayon, hindi ito yung Wendy na kaharap ko.

Isang kimi at puno ng pag-aalinlangan at takot ang Wendy na kaharap ko ngayon, nalilito ang tamang salita. Halatang apektado siya sa mga nangyayari sa pamilya niya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nagpapitlag sa kanya. Parang ayaw niyang mahawakan, pero hindi ko binitawan ang kamay niya. Maya-maya, naramdaman ko na medyo nagrelax na siya.

"Wendy, okay lang kung ayaw mo pang sabihin sa akin. Hihintayin ko na lang kung kelan ka handang magsabi." Pilit kong pinagagaan ang pananalita ko.

Tatayo na sana ako para kumuha ng isa pang sandwich para sana sa kanya pero pinigil niya ako. Namumula na naman ang kanyang mga mata kaya lumuhod ako sa harap niya gamit ang isang tuhod ko.

Hinaplos ko ang kanyang buhok pababa sa pisngi noya. Hindi ko talaga matiis na makitang malungkot siya. Mas gusto ko pa yung makulit at pasaway na Wendy kesa sa ganitong mali gamot ang mga mata niya na parang walang kulay. Parang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabi yun sa sarili ko.

"Richard..." Mahina niyang tawag sa akin. "Ano ba tayo?" Nakayuko niyang tanong. "I am a little confused. I don't want to assume anything and I haven't done anything like this before. If in case, this will be my first time and it is scaring the hell out of me." Prangka niya sabi. Lumambot ang expression ng mukha ko, gusto kong ngumiti.

Kinabog ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Kinakabahan ako pero masaya. Feeling ko tuloy ako yung babae. Ganito rin ba ang nararamdaman niya?

Nakatitig lang ako sa kanya. I can't bring myself to speak. What the hell is wrong with me. I am the guy, I need to be? I should carry this things with cool and ease, right?

I wasn't like this before. Damn it, Richard, you need to chill. I am loosing my mind because of her. I am in love with her, I know I am.

"Wendy---" Halos pumiyok na ang boses ko. "Hindi ko rin alam kung ano tayo, pero isa lang ang alam ko, gusto kita. Gustung-gusto kita. No, hindi, mali pala. Hindi lang kita gusto kundi mahal kita." Determinado  akong ipaalam yun sa kanya.

God Gave Me You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon