Owtor's Nowt:
(Wendy)
Sa boarding house ni Jane at Iris. Doon uli mag-o-overnight si George dahil wala si Iris, nakaupo kami sa gazebo, yun yung pinaka receiving area para sa mga bumibisita sa mga boarders. Bawal kasi sa loob ng kwarto nila ang bisita. Nandoon si Kuya Jessie at Kuya Sonny. Pinipilit nilang alamin kung ano ba ang nangyari sa isla.
"Ikaw, Kuya Jessie..." Turo ko sa kanya. "Ano ang alam mo? Ano ang sinabi niya sa iyo?" Nakayuko lang si Kuya Jessie. Hindi sila nagsasalita. "Kita n'yo na! Hindi kayo makasagot. Pinilipit n'yo kongmagsalita pero kayo, wala kayong masabi." Nakakatampo pero syempre naiintindihan ko yun. Kaibigan nila ang lalaking yun kaya hindi nila ito ilalaglag.
"Okay. Magalit na si Third sa akin kung gusto niya, pero siguro naman Jessie, Wendy deserves to know what was that and who was that." Pinandilatan ni Kuya Jessie si Kuya Sonny. Mas lalo akong nainis.
"Kita mo na. Ano ang gusto n'yong marinig? Na nagmukha akong tanga? Alam ko 19 lang ako, sa i nga bata pa ako, pero hindi ako isang batang tanga!" Napataas ang boses ko. Mas lalo akong naiinis sa kanila. Pakiramdam ko napapagkaisahan ako ng mga ito at pati mga kaibigan ko ay hindi kumikibo.
"Jessie, kaibigan din naman natin si Wendy, bakit ba hindi na natin ikwento. Jess, may paa ang kahapon, masusundan at masusundan siya nito at sa bandang huli ay maabutan din nito si Third. Maghihintay na lang ba tayo na bigla na lang sagasaan si Wendy ng nakaraan ni Third? Nasundan at naabutan na nga nito si Third di ba? Nadaplisan na nga si Wendy, di ba?" Mahabang litanya ni Kuya Sonny.
"Ano ba kasi ang mga pinagsasabi ninyo?" Asar kong tanong. "Isa pang pabitin, mawawalan na ako ng respeto sa inyong dalawa!" Sigaw ko. Panandalian silang natagilan hanggang sa tumikhim si Kuya Somny.
"Okay. Sit down, please. Noong araw na umalis kayo ng resort, may babae ka bang nakita na kausap ni Third?" Tanong ni Kuya Sonny.
"M-meron, pero hindi lang basta kausap." Malungkot kong sagot sabay yuko. Alam kong nagbubulungan sila Kuya Sonny at Kuya Jessie.
"Teka, Wendy." Biglang salita ni Kuya Jessie. "Ibig mong sabihin nandoon ka pa ng dumating siya?" Halata sa mga mata nito na hindi niya inaasahang makikita ko ang nakita ko. Kaya wala akong nagawa kundi tumango ako.
"Okay. Teka. Sandali!" Sabat ni George. "Sinong SIYA?" Huminga ng malalim si Kuya Jessie. Tinapik siya sa balikat ni Kuya Sonny. Para bang sinasabi nitong 'go ahead'. Pampalakas-loob 'ika nga? Inumpisahan na ni Kuya Jessie ang pagkwento.
"Three years ago, summer time din yun. Nag-propose si Richard sa girlfriend niya at that time na si Lelin. Mahal na mahal niya yun pero hindi tinanggap ni Lelin ang proposal ni Third. Kung ano man ang dahilan niya, siya lang nakakaalam, but Richard was so devastated. That was the time na nagkakilala tayo sa barko. Brokenhearted si Richard noon kaya mainitin ang ulo." Naalala ko yun. Ibig pa lang sabihin ako ang napagbuntunan niya ng galit niya?
"Pagbalik namin ng Cebu, bumab na siya ng barko. Umuwi ng Bohol at doon nagmukmok. Matagal din bago siya nakabangon. Nung mangyari yun, pinatakbo niya ang travel and tours ni Angel sa Tagbilaran office para malibang siya at dahil sa hiling na rin ni Angel." Dugtong ni Kuya Sonny.
"We visited him the following summer dahil na-miss namin ni Sonny ang samahan namin. He was still hurting nung magkita na uli kami, but somewhat okay." Sambot ni Kuya Jessie.
"Naikukwento nga niya sa amin yung babae daw na nahalikan niya sa barko the summer before. It wasn't until last summer that he told us about a girl that he kissed a very young beautiful lady. Ipinagkibit-balikat ko lang, kasi at least nakikita namin siya na masigla na uli." Si Kuya Sonny uli ang nagkukwento.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (Book 1)
RomanceMay patutunguhan ba ang pagtatagpo ng dalawang nilalang na kung sa agwat pa lang ng edad ang titingnan ay imposible na? Paano pa kaya sa agwat at layo ng lugar na karagatan ang pagitan? Richard Gregory De Santino, 29, isang seaman na taga-Bohol. Str...