3: The Singer

2.3K 143 14
                                    

Owtor's Nowt: Maraming salamat sa pagbasa.





UMAGA sa barko. Nakaligo na si Wendy. Gising na rin ang kanyang mga kuya. Lalabas sila papunta sa first class dining salon para mag-almusal. Isang akyat papunta doon. Napapagitnaan siya ng dalawa niyang kuya habang nakaabre-siyete siya sa mga ito, kumakanta pa siya ng Jack & Jill paakyat ng hagdan habang nakiki-join din naman ang mga kuya niya sa kanya. Wala lang, basta ang alam niya masaya siya palagi at yun daw ang palaging gusto ng mommy nila nung ito ay nabubuhay pa. Palagi kasing kwento iyun ng mga kapatid niya lalo na ng kanyang Kuya Dan. Nakarating sila sa palapag na kung saan makikita ang first class dining salon. Maraming tao pero tahimik namang kumakain ang ito.

Pababa si Richard papuntang mess hall para mag-almusal ng marinig niya ang malalakas at malulutong na tawanan, may kantang pang kasama. naiiling na lang siya dahil Jack & Jill ang naririnig niyang kanta at malalakas pa yung boses ng mga lalaki kesa doon sa tinig ng babae. Babae nga ba yun o bata? Pinilig niya ang kanyang ulo. Nakita niya yung dalawang lalaking nakakapit sa magkabilang braso ng babaeng nasa gitna nila. Masaya ang tatlo habang kumakanta at parang nagkakandirit pa ang mga na parang walang problema sa mundo. "Mabuti pa sila." Naisip niya.

Nagtuluy-tuloy na lang siya sa mess hall at dumiretso sa loob, nakita niyang parang nailang ang mga kasamahan niya sa kanya. Alam niya kung bakit at nakaramdam siya ng hiya. Humingi ng paumanhin sa mga ito tungkol sa inasal niya kagabi. Naintindihan naman siya ng mga ito. Isa-isang lumapit ang kanyang mga kaibigan at tinapik siya balikat kahit walang sinasabi. Nilapitan niya ang matandang kusinero, na kung tawagin nila ay Tatay Erning. Nakaupo ito sa isang sulok at nagkakape. Nakangiting nakamasid sa kanya.

"Tay, pasensiya na po kayo kagabi, mainit lang po talaga ang ulo ko." Malumanay at may halong lungkot na paghingi ng paumanhin sa matanda. Alam niyang nag-iwan siya ng malaking ligpitin at linisin kagabi.

"Naku, hayaan mo na yun, kagabi pa yun, eh. Tapos na. Kalimutan mong nangyari yun." Tuluy-tuloy na sabi ng matanda. "Ano ba ang nangyari sa inyo ni Jessie at Sonny kagabi? Ano ba pinag-awayan nyo?" Dugtong na tanong nito sa kanya.

"Hindi ho kami nag-away, Tay. Masama lang ho talaga ang loob ko kahapon." Sagot niya dito.Wala namang problema kung magkwento siya sa matanda, sanay na siya dito at para na nga rin niyang ama ito.

"Hindi ako naniniwala na hindi away yung nangyari yun kagabi." Sambot nitong sabi. "Pulang pula yang mga mata mo at punong-puno ng galit. Hindi pa kita nakitang ganun kahit kelan, halos limang taon ka na ring nagtatrabaho dito. Kilalang-kilala ko halos lahat kayo." Tama naman ang sabi ng matanda, wala nga silang maitatago sa kanya. Ito na ang ama-amahan ng halos lahat, lalo na ang katulad nilang mga binatang tripulante.

Magaan ang loob niya sa kanilang kusinero. Sinabi na rin niya dito ang totoo at dahil nga na nasa sulok silang bahagi ng mess hall at nakatalikod pa siya, hindi napansin ng ibang naroroon na umiiyak na pala siya. Kumuha na lang kape si Tatay Erning para sa kanya. Nag-usap pa sila ng kaunti bago siya bumalik sa bridge.

ALAS siyete y media na, malapit na siyang mag-umpisa ng kanyang duty ng alas ocho. Nasa hagdan pa lang siya paakyat ng second floor ng barko ay naririnig na niya ang lakas at tunog-tunay-na-sayang tawa. Sumilip siya sa pinto ng first class dining salon at nakita niya ang masayang tawanan ng tatlong tao, isang babae at dalawang lalaki. Nakatalikod yung babae, nakaharap naman sa pinto yung dalawang lalaki na sa tantiya niya maaring magkapatid, magkamukha eh at parehong mestizo. Mukhang pamilyar yung mukha, pero alam niyang hindi pa niya nakikita ang mga ito kahit kelan. Napapangiti siya dahil sa lutong ng tawanan ng tatlo, nakakahawa. Umalis na siya dahil oras na ng trabaho niya.

Nakita ni Wendy na tumingin sa may pinto ang kanyang Kuya Ben na parang may hinahanap, lumingon siya para tingnan yung tinitingnan ng kapatid. Wala namang tao. Napangiti siya at naisip na tuksuhin ang kanyang Kuya.

God Gave Me You (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon