Owtor's Nowt: Thanks for reading, my loves.
(Iris)
Freshman college kaming apat nung magkakilala kami. Una kong nakilala si Jane sa pilahan ng registrar, tapos si Wendy na tinutulungan naman si George. Pare-pareho kaming a-attend ng orientation kaya we decided to go as a group at hindi na nga naghiwalay after that.
Taga-Cebu talaga ako, Talisay, Cebu to be exact. Okay naman ang pamumuhay ng pamilya ko. Hindi nga lang kami kasing close ng pamilya ni Grace. Bunso ako. Engineer si Papa sa Saudi. Nurse naman si Mama sa Singapore. Tatlo kaming magkakapatid. Graduating ako ng high school noong mamatay si Uma. Siya yung Lola namin, nanay ni Papa. Ang ate ko lang ang naiwan sa Talisay, pangalawa kong kapatid, nursing naman kinuha niya. Ang Kuya ko naman sa Manila nag-aral, engineering.
Walang extra sa akin. Walang special spark ang buhay ko. Aral lang talaga. Hindi ako naka-arrange marriage kahit kanino, maliban na lang kung one of this days biglang maki-uso sila Papa, sana wag naman. Pinili ko ang Davao del Norte dahil katulad ni Jane, gusto ko ng malayo. Ibang surrounding, ibang mukha, basta iba lang.
Sa totoo lang may iniiwasan ako. Si Mang Doming. Yun yung 55 years old na matandang binatang mayaman na taga-amin. Matanda lang siya ng konti kay Papa, kadiri. Binasted kasi ni Ate kaya ako naman ang pinagtitripan. Plano rin ito ng mga kapatid ko na mailayo ako.
Sa tuwing magpapadala ako ng sulat kay Ate, walang return address pero Manila ang post office stamp. Kung paano namin nagagawa yun? Simple. Ipapadala ko kay Kuya yung sulat ko para kay Ate kasama nung para sa kanya, tapos si Kuya na ang magme-mail nun para kay Ate at ganun din ang ginagawa ni Ate kapag nagpapadala siya ng sulat sa akin. O, di ba, ang galing. Kaya hanggang ngayon ang alam niya kasama ako ni Kuya sa Manila.
Dati nga daw nakikita ni Kuya na aali-aligid si Mang Doming sa Mapua dahil akala niya sa Mapua din ako nag-aaral hanggang sa natigil na lang dahil gumradweyt na si Kuya.
Anyway. Hindi ko alam kung saan hahantong ito. Naaawa ako kay Richard, pero mas naaawa naman ako kay Grace. Syempre kaibigan ko yun eh. Ang lakas naman kasi ng tama nitong si Ms. Villegas. Ano yun? Trip-trip lang? Aayaw tapos magsisisi. Babalik tapos maggugulo. Ang lakas din ng tama ng teacher na yan.
Ang gulo ng dalawang araw na ito. Sinagad yata kami nito. Nakakasira ng bait. Hindi ko rin masisisi si Grace kung bakit siya hinimatay. Ikaw kaya bagsakan ng bomba gamit ang tora-tora. Tapos hindi pa nakontento, nag-to be continued pa. Kulang na lang nuclear bomb. Bilib ako sa kanya masyado siyang kalmado. Grace's first confrontation... WINNER! Yun nga lang himatay to the max naman after.
Nagtaka kami kung nasaan na si Richard? Di ba dapat nandito siya? Hindi niya dapat iniiwan si Wendy. Huli ko siyang nakita ay noong nasa loob siya ng clinic kausap yung nurse, lumabas siya na parang susugod sa gera tapos wala na siya nang magising si Grace eh, hanggang sa inuwi na nga ni Ben si Grace ay hindi pa rin nagpapakita si Richard. Missing In Action si Richard.
Nandito kami ni Jane ngayon sa apartment ng Kuya Evan niya. Naghahapunan kami at nagkukuwentuhan. Pinanunuod ko lang silang dalawa habang nagpapalitan sila ng opinyon. Ayos din itong magkapatid na 'to. Matagal silang hindi nagkita, parang wala lang. They pick up where they left off and moved on.
Naka-upo kami ni Jane sa pintuan at umupo rin si Kuya Evan sa gitna namin. Mukha tuloy kaming 555 sardines.
"Okay. Makinig kayong dalawa ni Iris. Oo, nga't nagpakita siyang muli kay Richard, pero ano ba ang nakikita n'yo mula kay Richard? May nakikita ba kayong kahit katiting lang na bagay na maaaring magpabago ng relasyon nila ni Grace?" Napaisip ako sa mga sinabi ni Kuya Evan.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You (Book 1)
RomanceMay patutunguhan ba ang pagtatagpo ng dalawang nilalang na kung sa agwat pa lang ng edad ang titingnan ay imposible na? Paano pa kaya sa agwat at layo ng lugar na karagatan ang pagitan? Richard Gregory De Santino, 29, isang seaman na taga-Bohol. Str...