CHAPTER ONE

217 12 4
                                    

"Bakit mo ako pinatawag dito?" tanong ng isang lalaki. Seryosong-seryoso syang nakatingin sa babae.

"Ano kasi, gusto ko lang sana malaman kung mayroon ka ng girlfriend?" tanong ng babae sa tanong ng lalaki sa kanya.

"Wala." He replied.

Parang nabuhayan ng loob ang babae ng malaman nyang walang girlfriend yung lalaki kaya dali-dali syang nagsalita ulit.

"Talaga? Pu-pwede ba kitang.." hindi pa tapos na pagsasalita ng babae ng magsalita ulit yung lalaki.

"Ayoko. Wala akong panahon sa ganito."

Naglakad na palayo ang lalaki sa babae at naiwan itong halos tulala dahil sa rejection na natanggap nya. Halos hindi sya maka-galaw sa pagkapahiya. Nang magising na sya sa katotohanan, hindi nya napigilan ang sarili nyang maluha sa nangyari, habang tinititigan ang likod ng lalaking gusto nyang naglalakad na sa kanya palayo.

"Xyzen!!" sigaw ng babae.

Siya si Xyzen, isang 3rd year college student. Nag-aaral sya sa isang prestigous university dahil sa nag-iisa at natitira nyang kamag-anak, ang tito nya. Namatay ang mga magulang nya nung 5 years old sya dahil sa plane crash na naganap noon. Hindi na natagpuan ang katawan ng mga magulang nya dahil sa malakas na pagsabog.

Maaga syang naulila kaya ang tito nya na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya. Simula noon ay nakalimutan na ni Xyzen ang ngumiti at maging masaya sa buhay. Masyadong naging malaki ang impact sa kanya ang pagkawala ng mga magulang nya.

Bumalik sya sa classroom na nakasimangot habang bitbit ang bag nya. Lumapit sya sa upuan nya at inihagis ang bag nya dito.

"Xy, anong nangyari?" tanong ng nag-iisang kaibigan ni Xyzen sa block nila na si Eldon.

"Ganun pa din." sagot naman nito sabay upo sa tabi ni Eldon.

"Hindi ka talaga titigilan ng mga yun. Ikaw ba naman, blessed with a face like that baka pati sa CR susundan ka na nung mga babaeng yun. Kumain ka na lang. Ito oh."

Inialok ni Eldon yung kinakain nyang chocolate chips kay Xyzen pero tinanggihan lang nito ang alok sa kanya.

"Hanggang anong oras ba ang klase natin ngayon?" tanong ni Xyzen.

"Hanggang 7pm tayo ngayon dahil pina-move ni sir Marc yung class nya ng 3pm-5pm to 5pm-7pm." sagot ni Eldon habang ngumunguya pa ng kinakain nyang chocolate chip.

"Ahh.. Okay lang, at least hindi ko kailangan umuwi ng maaga sa bahay. Nakaka-boring lang kasi."

Makalipas ang ilang minuto, dumating na din ang professor nila sa Physics kaya itinago na din ni Eldon ang kinakain nya sa bag nya at uminom ng bottled juice na nakapatong sa lamesa nya. Si Xyzen naman ay umupo na ng maayos at nakinig sa professor nila.

Natapos ang klase nila ng 3pm. Dapat ay may next subject na sila pero dahil na-move ang subject nila walang ginawa si Xyzen at Eldon kundi ang tumambay sa rooftop ng building nila.

"Mukhang uulan ata ngayon Xy, mayroon ka bang payong?"

"Wala." Mabilis na sagot nito sa kaibigan nya.

_

Sa kabilang banda.

"Please, send someone to protect him. Nag-mamakaawa po ako sa inyo. Alam nyo po ang mangyayari hindi ba? Alam ko din na he's not special but, please, send someone to save his life." Sabi ng isang lalaking halos mangiyak-ngiyak na sa pagmamakaawa. "Please..." dugtong nya pa.

Sandaling tumahimik ang paligid.

"Wag kang mag-alala. Tumayo ka at tumingin saakin. Alam ko ang lahat ng mangyayari. Wag mong sasabihing hindi sya espesyal." sabi ng boses ng isang lalaki. Malalim ang boses nito at umaalingaw-ngaw sa buong lugar dahil sa sobrang lakas at lalim nito.

THROES OF MORTALS (CANCELLED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon