"Kaya mo yan!" sabi ni Aiyu habang pinapanood sa harapan nya si Xyzen na pinipilit palabasin ang kapangyarihan nya or tinatawag ni Aiyu na Magi Fonte.
"Arghh!" Napasigaw si Xyzen sa kinatatayuan nya sa pagkainis. "Hindi ko talaga kaya! Ano pa bang gagawin ko?! Mukha na akong tanga dito, mag-iisang oras na akong nakatayo dito wala pa ding nangyayari!!" Sambit ni Xyzen dahil nawawalan na sya ng pag-asa sa ginagawa nila. Hindi na nya alam kung totoo nga bang mayroon din syang kapangyarihan na kagaya kay Aiyu o dala lang nung espada na hinawakan nya nung mga oras na yun ang dahilan kung bakit bigla syang nagbago ng anyo.
Inilapag ni Aiyu ang hawak na libro at hinawakan sa kamay si Xyzen sabay hinatak palabas. Pagdating sa isang bakanteng lote, tumayo silang magkaharap sa isa't-isa.
"Subukan natin ulit dito?" tanong ni Aiyu habang nakatingala't nakatingin kay Xyzen.
"Ayoko na, okay?" sabi ni Xyzen sabay alis sa mga tingin ni Aiyu sa kanya.
"Ehhh! Xyzen naman eh! Last na dali! Madali lang naman ee."
"Well, show me. Madali pala ee. Malamang bago saakin ang lahat ng ito. Walang madali dito!" medyo pasigaw na sabi ni Xyzen kung kaya't napa-atras si Aiyu sa kanya.
Sa kabilang banda, kausap ni Avgud ang mga Myndare na natitira sa langit.
"Maghanda kayo. Alam ko hindi magiging madali, pero tiwala ako sa inyong lahat."
"Avgud, paano namin kakayanin ito? 100,000 na myndare na lang ang natitirang nandito sa Himmel, baka hindi namin kayanin ang milyon." Tanong ng isang Myndare.
"Tandaan ninyo, wala ng mas lalakas sa kabutihan. Kung panghihinaan ka ng loob, isipin mo na lang nararamdaman ng ibang Myndare na nasa mundo ngayon." Sabi ni Avgud. Sya ang pinaka-mataas sa kanilang lahat at ang syang pinaka-malakas sa kanilang lahat sa Himmel.
_
Ipinikit ni Aiyu ang mga mata nya at nagsimulang magliwanag ang buo nyang katawan. Kagaya nung nangyari noon, ganun din ang nangyari kay Aiyu ngayon. Nakatingin lang sa kanya si Xyzen at halatang-halata ang paghanga nya sa tuwing nakikita nyang ginagamit ni Aiyu ang kapangyarihan nya.
"Ito na! Ikaw naman ang gumawa. Ang daya mo kapag hindi mo sinubukan. Last na 'to kapag walang nangyari kakausapin ko si Avgud para tulungan tayo." Sabi ni Aiyu habang hawak-hawak sa kamay ang Magi Fonte nya.
Mas lalo itong nagliwanag kung ikukumpara dati. Nagbago din ang kulay ng mata nya. Naging kulay itim ito na nagsi-simbulo ng kapangyarihan.
Dahil sa nakita at narinig ni Xyzen mula kay Aiyu ay sinubukan nyang ipikit ang mga mata nya at buong loob na nag-focus sa kapangyarihan na nararamdaman nya mula sa loob ng katawan nya. Inilagay nya ang dalawang kamay sa may tapat ng dibdib nya na para bang hinihintay nyang lumabas ang kapangyarihan nya mula sa dibdib nya.
"Kaya mo yan Xyzen!" bulong ni Aiyu.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ni Aiyu, bigla syang nakaramdam ng malamig na ihip ng hangin sabay biglang nagliliwanag ang katawan ni Xyzen. Mas malakas ang liwanag na lumalabas sa katawan ni Xyzen. Mas malakas kay Aiyu tuwing ginagamit nya ang kapangyarihan nya. Dahil dito ay hindi naiwasan ni Aiyu na mamangha sa nakikita nya.
Hanggang, nakita na nilang nasa kamay na ni Xyzen ang Magi Fonte nya.
"Xyzen!! Nagawa mo!!" tuwang-tuwang sabi ni Aiyu na halos mapatalon na sya sa kinatatayuan nya. Pagkatapos ay idinilat na din ni Xyzen ang mata nya at napatingin sa sarili nyang Magi Fonte na nasa mga kamay nya ngayon. Ngumiti sya kay Aiyu dahilan para mamula ang mukha ni Aiyu at magbago ang kulay ng mata.
BINABASA MO ANG
THROES OF MORTALS (CANCELLED)
FantasyNaglalakad si Xyzen sa isang madilim na daan ng nag-iisa dahil galing sya sa school nya at talagang pagod na pagod na sya sa mga school activities idagdag pa ang boring nyang buhay ng biglang tumama ang isang napakalakas na kidlat sa lupa. Buti na l...