CHAPTER SEVEN

60 9 3
                                    

"Aiyu!" malakas na sigaw ni Xyzen mula sa isang masamang panaginip. Naliligo sya ng sarili nyang pawis habang nakahiga sa kama nya.

"Xyzen?" boses iyon ng isang lalaki. Malalim ang boses nito at buong-buo.

Napalingon si Xyzen sa tumawag sa pangalan nya at laking gulat nya sa dalawang lalaki at isang babaeng myndare na nasa tabi nya ngayon. Kasalukuyan syang nasa loob sya ng kwarto nya at nakatingin sa mga taong nasa paligid nya. Bumangon sya at naupo sa kama nya para kausapin ang mga myndare na kasama nya.

"Nasaan si Aiyu? Iniligtas nyo ba sya?" tanong ni Xyzen na sobrang nag-aalala. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya ng hindi agad sumagot ang mga myndare na nasa tabi nya ngayon. Napatingin sa kisame si Xyzen at napaisip sa mga nangyayari.

"Xyzen, pasensya ka na pero hindi namin kayang ibalik si Aiyu...."

Parang hindi na naririnig ni Xyzen ang mga nasa paligid nya at natulala lang sya sa kinauupuan nya. Nilamon na sya ng mga iniiisp nya tungkol kay Aiyu. Hindi nya na maipaliwanag ang nararamdaman nyang pag-aalala at pagkadismaya sa nalaman na hindi na pala maibabalik si Aiyu sa kanya.

"...wala na kaming magagawa.." dugtong pa ng isang myndare na kausap ni Xyzen.

Napalingon sya sa kanan nya ng makita nya ang tito nyang nakaupo at lumingon din sa kanya. Agad itong tumayo para lapitan sya.

"Xyzen, kamusta ang pakiramdam mo?"

"Hi-hindi ko po alam tito pero, may gu-gusto po akong itanong sa inyo." Medyo wala pa sa sariling tanong ni Xyzen sa tito nya. Pero pinipilit nya pa ding pa-kalmahin ang sarili nya para makapag-isip ng maayos. Kung tutuusin, isa syang napaka-kalmadong tao bago dumating si Aiyu sa buhay nya kung kaya pinilit nyang huminga ng maayos.

"Ano yun Xyzen?"

"Tito, ano ba ako talaga?"

Nagulat ang tito ni Xyzen sa narinig sa pamangkin nya pero dahil nakita nya ang tatlong Myndare na nasa harapan nya ngayon na nakatingin sa kanya mapipilitan na syang sabihin ang totoo tungkol sa pamangkin nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko tito alam mo kung anong ibig kong sabihin. Hindi ako magtatanong ng ganito kung wala naman akong idea kung anong totoo diba? Bakit ako nagkaroon ng powers?"

Ilang sandali pang nanahimik ang tito ni Xyzen at humugot ng lakas ng loob para sabihin sa pamangkin ang totoong nangyari noon.

"Noong araw na mamatay ang mama at papa mo, nandoon ako."

Pagkasabi nito ng tito ni Xyzen ay biglang naglaho ang mga myndare na nasa loob ng kwarto ni Xyzen.

"Nandun ka tito? Diba, plane crash ang kinamatay nila mama? Paanong nandun ka?"

"Ang totoo, hindi plane crash ang kinamatay ng papa mo. Naalala ko pa nung araw bago umalis ang mama at papa mo..."

FLASHBACK

"Ymir, alagaan mo muna si Xyzen ha? Wag mo syang pababayaan." Sabi ng tatay ni Xyzen na si Marco.

"Saan ba ang punta nyo ni ate Theliel, kuya?" tanong ni Ymir. Hindi na sumagot si Marco bagkus hinawakan na nya sa kamay si Theliel at sinimulang maglakad palabas ng bahay nila.

"Teka Marco, hayaan mo muna ako magpaalam kay Xyzen." Sabi ni Theliel sabay naglakad pabalik kay Xyzen na umiiyak dahil iiwanan na naman sya ng mama at papa nya.

"Xyzen, magpakabait ka kay tito ah? Wag makulit at wag kang takbo ng takbo. Kumain ka ng madami at ung masustansya ha? Mag-aral ka din ng mabuti. Mahal na mahal ka ni mama." Sabi nito sabay niyakap nya si Xyzen na hindi pa din tumitigil sa pag-iyak. Ganun din naman si Theliel na naluluha na sa pagpapa-alam sa anak nya. Hinawakan nya sa pisngi ang anak at hinalikan ito.

THROES OF MORTALS (CANCELLED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon