Sandaling natulala si Xyzen sa kinauupuan nya. Hindi nya alam kung paniniwalaan nya ang kwento ng tito nya pero sa dami ng mga nangyayari sa buhay nya, hindi na mahirap maniwala doon. Halos tagaktak ang pawis nyang humarap at tumingin sa tito nya.
"Isang Myndare ang mama ko?" Tanong ni Xyzen sa tito nyang nakaupo din sa harapan nya.
Hindi nagsalita ang tito nya. Silence means yes, ika nga. Napaisip lalo si Xyzen sa mga nalaman nya. Hindi nya napigilang maalala ang ilang bagay na nangyari noong limang taong gulang palang sya.
FLASHBACK
"Mama?" Tawag ng isang batang lalaki sa mama nya. Hinahanap nya ito sa buong bahay dahil gusto nyang magpasama at magpaturo magkulay sa hawak nyang coloring book. Nang marating nya ang isang silid, bago pa man sya makapasok ay narinig nya ang tinig ng isang lalaki na hindi pamilyar sa kanya.
"Theliel, hilingin mo na ang lahat wag lang ang lumayo ako sa'yo."
"Tigilan mo na ako Gadreel! Masaya na ako sa piling ni Marco, at alam mong hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang myndare sa kapwa nya myndare. Mahigpit na ipinagbabawal ito ni Avgud kaya please, umalis ka na." Pagmamakaawang sabi ng mama ni Xyzen sa kausap nito.
"Hindi ako titigil Theliel hanggang hindi kita nakukuha."
END OF FLASHBACK
"Pero tito, bakit ka nagsinungaling saakin? Bakit hindi mo sinabi saakin ang totoo nung tumungtong ako ng college. Mas maiintindihan ko na ito ngayon, kaysa naman biglaan ang pangyayari."
"Ayun ang pangako ko sa mama mo, kaya pinilit kong wag sabihin sayo at alagaan ka gaya ng sabi ko sa papa mo. Hindi ko na ipinakita ang walang buhay na katawan ng papa mo sayo matapos syang mamatay ng araw na iyon. Lihim kong ipinalibing ang bangkay ng papa dahil ayokong magkaroon ng mas malaking katanungan ang mga taong nakakakilala saatin. Ayokong ma-mroblema ka pa nung mga panahon na iyon."
Hindi na sumagot pa si Xyzen, ngayong nalaman nya na ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nya mas lalong nag-igting ang galit nya kay Gadreel na syang dahilan ng pagka miserable ng buhay nya bilang isang kabataan na lumaki na walang magulang. Ilang beses na nagpapalit-palit ang kulay ng mga mata ni Xyzen dahil sa pabago-bagong emosyon na nararamdaman nya sa puso nya.
Nagugulat naman ang tito nya sa mga nakikitang pagbabago sa kanyang pamangkin.
Makalipas ang ilang sandali biglang lumabas mula sa kawalan ang tatlong Myndare na para bang sobrang nag-aalala sila.
"Xyzen, pasensya na sa biglaang abala pero nabuksan na ang portal na sinarhan ni Aiyu kung kaya't nakalabas na ang mga ondande mula rito."
Biglang natigilan si Xyzen ng marinig ang pangalan ni Aiyu. At malalim syang nag-isip habang tinatanggal ang benda sa balikat nya. Magaling na kasi ang sugat na gawa ng saksakin sya ni Aiyu. Pinagaling sya ng sarili nyang kapangyarihan.
"Ililigtas kita Aiyu, gagawin ko ang lahat para ibalik ka bilang Myndare. Sa sandaling nakasama kita nabigyan mo ng saysay ang buhay ko na kahit kaibigan ko ay hindi nagawa. Kung tuluyan kang magiging masama, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Naglabas ng kapangyarihan ang isa sa tatlong Myndare na nag-ngangalang Nimra. Ipinakita nya sa tito ni Xyzen ang nangyayari malapit sa university na pinapasukan ni Xyzen noon. Napaka-masalimuot ang eksena. Madaming tao na ang nasaniban ng mga ondande at nagpalit ng anyo bilang mga Eartel. Gaya ng sabi ni Aiyu noon, pag naging Eartel na ang isang tao, wala ng ibang paraan para maibalik sya sa dati maliban sa kamatayan.
"Tito, dadalhin kita sa mas ligtas na lugar."
"Paano ka?"
Napatingin si Xyzen sa pinapakita ni Nimra at seryosong tumingin ulit sa kanyang tito na nagsasabi, "tatapusin ko ang sinimulan ng mama ko. Kung nasaan man sya ngayon, gusto kong maging maayos na ang lahat ng mga naiwan nya dito."
BINABASA MO ANG
THROES OF MORTALS (CANCELLED)
FantasíaNaglalakad si Xyzen sa isang madilim na daan ng nag-iisa dahil galing sya sa school nya at talagang pagod na pagod na sya sa mga school activities idagdag pa ang boring nyang buhay ng biglang tumama ang isang napakalakas na kidlat sa lupa. Buti na l...