"Time will come. Kailangan natin maghintay Hezohr. Darating ang tamang panahon para umakyat tayo. At sigurado akong hindi nila magugustuhan iyon." Sabi ng isang lalaki. Tanging boses lang ang maririnig sa kanya. Hindi nakikita kung ano ang anyo nya.
"Pero!" pagalit na sagot ni Hezohr sa kanyang kausap.
"Wag kang mainip. Makakapag-higanti na din tayo. At luluhod silang lahat sa harapan ko." Sabi ulit ng boses ng isang lalaki pagkatapos ay malakas itong tumawa na para bang ito na ang huling araw na tatawa sya.
_ _ _ _
Pagkatapos ma-install ni Xyzen ang game sa PC nya napalingon sya sa likod nya at hindi nga sya nananaginip. Totoo ngang nangyari sa kanya kagabi ung malakas na kidlat na tumama sa lupa na nag-cause pa ng malaking crater dito.
"Xyzen, hindi ka pa ba tapos dyan?" tanong ng isang babaeng nakaupo ngayon sa kama ni Xyzen. When he heard her voice, it feels like there's a chill on his spine and he can't barely look at her straight into her eyes. It's the living proof that everything happened yesterday was real.
Hindi sumagot si Xyzen sa halip, lumapit sya sa babae at kinausap ito.
"Sino ka? Ano ka? Tao ka ba? Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi mo saakin kagabi."
-FLASHBACK-
"Hi Xyzen! Ako nga pala si Aiyu, ang protector mo."
"What the f*ck? Are you for real? Hindi ba galing ka dun sa kidlat kanina?" gulat na pagtatanong ni Xyzen kay Aiyu.
"Oo, galing nga ako dun. Yun yung pinaka-naging mount ko para makarating dito sa Earth." Sabi ni Aiyu habang inaayos at pina-pagpag yung suot nyang damit na hindi naman nadumihan ng nangyari kanina.
"Mount mo? Papuntang Earth? Anong pinagsasabi mo?"
"Oo nga! Yung lightning yung sinakyan ko para makababa dito sa Earth. Galing ako ng langit, isa ako sa mga angels or Myndare ang tawag saamin at nandito ako dahil sa request ng isang spirit na bantayan ka." Sabi nito habang dahan-dahang naglalakad palapit kay Xyzen.
"Teka, teka! Wag kang lalapit saakin!" pasigaw na sabi ni Xyzen. "Somebody, anybody help me!" nagsisisigaw na si Xyzen ng dahil sa takot nya sa nakikita nya. Biglang nawala yung kalma nya ng makita nya ang isang babaeng nagsasabing isa syang anghel na nanggaling sa langit at bumaba sa lupa para bantayan sya.
Mabilis na kumilos ang babae at kinuryente ng bahagya si Xyzen sa batok nya dahilan para mawalan ito ng malay.
-END OF FLASHBACK-
"Ang kulit-kulit mo!" sabi ni Aiyu sabay pinisil ang magkabilang pisngi ni Xyzen. "Hindi nga ako tao, Myndare ako." Dugtong nito. Agad na inalis ni Xyzen ang kamay ng babae sa pisngi nya at hinimas ang pisngi nya.
"Angel or Myndare ka? Nasaan ang mga pakpak mo?"
"New version of angel na ako eh! Para kaming angel pero Myndare na kasi ang tawag saamin. Hindi ako yung old school na pag nakita mo ay may pakpak na agad. Ang akin kasi, lumalabas lang in times of chaos or war or crisis ganyan." Paliwanag nito.
"Patunayan mo saakin na angel/myndare ka, kung hindi paaalisin kita dito sa kwarto ko." Sabi ni Xyzen na talagang humahanap ng evidence na isa ngang legit na angel ang babaeng nasa harapan nya.
Biglang ipinikit ng babae ang mga mata nya at inilagay nito ang mga kamay nya sa dibdib nya like she is praying. Nakatulala lang si Xyzen kay Aiyu at hinintay na may mangyari. Sandali pa ay nag-silutangan ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Xyzen at biglang may liwanag na lumalabas sa katawan ni Aiyu.
BINABASA MO ANG
THROES OF MORTALS (CANCELLED)
FantasyNaglalakad si Xyzen sa isang madilim na daan ng nag-iisa dahil galing sya sa school nya at talagang pagod na pagod na sya sa mga school activities idagdag pa ang boring nyang buhay ng biglang tumama ang isang napakalakas na kidlat sa lupa. Buti na l...