CHAPTER FOUR

94 12 4
                                    

Pagkadilat ng mga mata ni Xyzen laking gulat nyang dinala lang pala siya ni Aiyu sa mismong gym ng university nila.

"Bakit dito sa gym? Bakit hindi mo sinubukan sa mas malayo?"

Biglang parang umatungal si Aiyu dahil sa pagkakamali nya. Hindi nya kasi sinasadyang sa malapit lang sila napunta. Naka-focus lang kasi sya na mailigtas si Xyzen kaya kahit saan ay okay na sa kanya.

"Waaaa! Sorry! Hindi ko inaasahan na dito lang tayo dadalhin ng kapangyarihan ko! Akala ko din sa mas malayo." Sabi nito habang walang tigil sa kakakamot ng ulo nya dahil sa pagka-dismaya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Xyzen.

"Well, mas ligtas tayo dito. Mas malayo mula sa portal itong pwesto na ito kaya mga 20 minutes pa bago tuluyan tayong matagpuan nung mga Ondande dito." Sabi ni Aiyu.

"Ondande? Ano yun? Yun ba ung nakita ko kanina na parang tiyanak?"

"Oo yun nga yun. Galing silang lahat sa Helvete o yung nasa ilalim nitong mundo ng mga tao."

"Anong gusto nilang gawin dito? Bakit sila nandito sa mundo namin!?" sabi ni Xyzen habang masamang nakatingin kay Aiyu.

"Yun ang hindi ko." Putol na pagsasalita ni Aiyu ng makaramdam sya ng masamang pwersa na nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Biglang nagdilim ang paligid at tanging liwanag mula sa katawan ni Aiyu ang nagsisilbing liwanag para sa kanilang dalawa.

Nang biglang makarinig sila ng tinig.

"Aiyu.. Ikaw ba yan?" sabi ng isang boses na para bang nanggaling ito sa buong paligid dahil umiikot ang boses nya sa buong gym.

"Hezohr." Seryosong sabi ni Aiyu sabay palit ng kulay ng mga mata nya sa pula.

"Buti naman at hindi mo pa pala ako nakaka-limutan."

Mula sa kadiliman ay lumabas ang isang lalaki. Mahaba ang mga buhok nya halos umabot ito sa kanyang mga balikat. Pero hindi normal na tao ang anyo nya. Nanlilisik ang kulay itim nyang mga mata. Mas maliit sa normal na size ng eyeballs ang sa kanya. Para lamang itong tuldok na kulay puti. Matangkad sya ng di hamak kung ikukumpara kay Xyzen. At mas malapad ang mga ngiti nya na abot halos sa pisngi.

"Anong binabalak nyo Hezohr?!" pagalit na tanong ni Aiyu. Masama na din ang mga tingin ni Xyzen dito dahil nakakaramdam sya ng hindi maganda.

"Madaming binabalak si Lord Gadreel ngayon pero wag kang mag-alala dahil hindi naman na nya ito sinisikreto ngayon. Nakikita mo naman ngayon sa paligid mo hindi ba? Ang sarap talagang pakinggan ng mga sigaw at takot ng mga tao. Para itong musika sa tenga ko." Sandali syang tumahimik at pinakinggan ang mga tilian ng mga estudyante at nagpatuloy, "at isa pa, susunduin na kita, Aiyu."

Parang natakot at nandiri si Aiyu sa narinig nya. Hindi nya maisip na sasama sya kay Hezohr dahil isa itong Ondande.

"Susunduin? Ha?! Teka, kung hindi ako nagkakamali isa kang Ondande, hindi ba? At isang Myndare si Aiyu, nababaliw ka na ba?"

Laking-gulat ni Aiyu ng marinig ang mga pinagsasasabi ni Xyzen. Agad nyang hinatak si Aiyu papunta sa likod nya para hindi ito masaktan ni Hezohr dahil alam nyang isang malakas na Ondande ito.

"Ikaw na pala yung anak ni Theliel. Haha. Wag kang mag-alala wala pa akong balak kunin si Aiyu sa'yo sa ngayon. At, hindi pa ako kikilos para labanan ka, pero mayroon akong munting regalo para sa'yo." Sabi ni Hezohr sabay ipinatawag ang isang elemento sa harapan nya.

"Wag kang aalis sa likod ko Xyzen. Don't worry, po-protektahan kita." Lumingon si Aiyu sa likod nya kung saan nakatayo si Xyzen pagkatapos ay ngumiti sya dito.

THROES OF MORTALS (CANCELLED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon