INT. RESTAURANT ANDRE – NIGHT
Elie's POV
As Elie and Nathan arrive at Restaurant Andre, a waiter greets them and guides them to their table. Elie's eyes wander, taking in the luxurious surroundings. She can't help but feel overwhelmed. It's a dream come true to be in Singapore and dining at this prestigious restaurant. Tears of joy well up in her eyes.
NATHAN
(looking at Elie, noticing her reaction, teasing)
Elie, uy! Baka may pumasok na langaw sa bibig mo?
ELIE
(Says nothing and looks at him with annoyance. Takes a second glance at him and can't help but admire him.)
ELIE (V.O.)
Haay, ang pogi talaga niya kahit saang anggulo mo siya tingnan.
The food arrives, an impressive array of dishes. Elie marvels at the feast but notices Nathan hasn't touched his food.
ELIE
Sir, kain na. Hindi mababawasan yang pagkain kung tititigan mo lang.
NATHAN
Sorry. Bigla akong nawalan ng gana.
(stands up)
Elie, concerned, grabs his hands, surprising Nathan. She notices people around them whispering.
ELIE
Sir, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo, pero kahit umupo ka lang dito at samahan mo ako. Ayokong kumain na nag-iisa.
NATHAN
I'm sorry, Elie.
(sits back down)
Elie then takes Nathan's plate and scoops up a forkful of the creamy pasta.
ELIE
Kung masama ang pakiramdam mo, hayaan mong ako ang magsilbing mga kamay mo kahit ngayon lang.
ELIE
Say, ahhhh
Nathan smiles faintly as he glances around at the people around them.
NATHAN
Anong ginagawa mo, Elie?
ELIE
Eh, ano ba, Sir? Susubuan kita para kumain ka.
Nathan takes the utensils from Elie's hands.
NATHAN
Nakakahiya. Sige na, ako na, kakain na ako.
ELIE
(smiling)
Kakain ka naman pala, Sir. Eh, may problema po ba? May masakit ba sa iyo?
NATHAN
Yung puso ko.
Ah, never mind! May naalala lang kasi ako sa lugar na ito.
ELIE
(trying to control her laughter, then serious)
Si Sir. Nathan ba talaga ang kaharap ko ngayon? Parang ang layo sa Sir Nathan na kilala ko eh! Kung may malungkot na alaala pala sa lugar na ito, bakit dito pa tayo kumain?
NATHAN
Kasalanan ko ba na dito nagreserve yung company?
Well, two years ago, dito ako iniwan ng ex-girlfriend ko. Nung araw na yun, dapat magpopropose ako sa kanya. Akala ko hanggang sa huli kami. Tinanong ko siya kung bakit, ang sabi niya, hindi niya na ako mahal at nagsasawa na siya sa akin. Pagkatapos nun, hindi na kami nagkita pa. Sinubukan ko siyang hanapin, umaasa akong maaayos pa ang relasyon namin, pero isang araw, nakita ko na lang siyang buntis at may kasamang iba. Ang masama pa, bestfriend ko ang ama ng anak niya at the whole time na in a relationship kami, may namamagitan din sa kanilang dalawa. Hindi ko akalain na magagawa niya yun. She was my world, Ellie.
ELIE
That must be tough for you, but the past is past. She moved on, and you should too. Look, Sir, marami pang babae diyan. Makakahanap ka rin ng babaeng matino, yung babaeng mamahalin ka tulad ng pagmamahal na ibibigay mo sa kanya. Hindi mo kailangang magmadali; sa tamang panahon, darating din siya.
NATHAN
Wow, kailan ka pa naging love advisor, Elie? Pero salamat! Actually, alam mo ba, mukhang nahanap ko na yata siya.
(Then smiles at Elie.)

BINABASA MO ANG
Love, Elie
Chick-LitA screenplay type story. From sweet confessions to laugh-out-loud moments, Elie's letters hold nothing back