Restaurant Andre

37 2 0
                                    

INT. COFFEE SHOP - DAY

Elie sits alone at a small table, nervously tapping her fingers. She checks her phone, waiting, eyes scanning the room. She takes a deep breath and looks out the window.

ELIE (V.O.)
Saan kaya pumunta si Sir. Nathan? Alam naman niyang first time ko dito sa Singapore tapos iniwan pa akong mag-isa. Nasan na kayo yon? Nako, baka may nakita na namang magandang babae. Haaay, Si Carlota naman, iniwan din ako, hindi pa kasi tapos yung training niya.

(pauses, glancing at her coffee cup)
2 weeks na lang matatapos na rin ang training. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas, gusto ko na makita ang pamilya ko, pati na si crush.

(laughs slightly to herself)
Kamusta na kaya siya? Namimiss niya kaya ako? Hahahaha baliw ka talaga Elie as if naman ni hindi ka nga niya kilala. 

(She's lost in thought when suddenly, a sleek black car pulls up in front of the coffee shop. Elie watches as Nathan steps out, as polished as ever. Her eyes narrow slightly.)

ELIE (V.O.)
Oh ayan na, si Sir. Nathan. Kung hindi ako nagkakamali, babae na naman ang dahilan bakit na late siya.

Nathan enters the coffee shop and spots Elie. He walks over casually, almost nonchalant.

NATHAN
Elie, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry. Naghintay ka ba ng matagal? Sinamahan ko kasi yung  babaeng nakilala ko kagabi sa bar. 

ELIE
(smiles awkwardly)
Okay lang po, Sir. Wala naman pong problema.

(Elie's thoughts run wild as she watches Sir Nathan sit down across from her.)

ELIE (V.O.)
Oh! Di ba? tama ako!

She sneaks a glance at Sir Nathan as he pulls out a chair to sit. There's a pause as Sir Nathan checks his phone.

ELIE (V.O.)
Kung titingnan si Sir.Nathan, hindi mapagkakaila na gwapo,  pero napaka-babaero. Kung di niya lang alam, may crush ako sa kanya dati. Pero nung team building—grabe, doon ako na turn-off sa kanya.  Grabe uminom ng alak, grabe din ang paninigarilyo niya ubos in seconds. Tapos nung lasing na lasing na siya, kumanta mga sad songs, then nagsisigaw sa poolside pagkatapos nag-iiiyak naman na iisipin mong brokenhearted.

Nathan breaks the silence.

NATHAN

Elie, nakatulala ka diyan. Sabi ko kumain ka na ba? 

ELIE

Huh? Ah hindi pa. Oorder na po ba tayo?

NATHAN
Hindi tayo dito kakain.

ELIE
(confused, slightly irritated)
Huh? Eh bakit mo pa ako pinaghintay dito?

(She stands up, a bit flustered, as they head out of the coffee shop together.)

NATHAN
(laughing softly)
Sorry Elie, sa Restaurant Andre tayo kakain.

(Elie's eyes widen in surprise. She stands and follows him outside.)

ELIE (V.O.)
Restaurant Andre?

(They get into Sir Nathan's car. As they drive, Elie stares out the window, her mind wandering.)

ELIE (V.O.)
Haay. kahit ganyan si Sir Nathan, maalalahanin yan at mabait. 

(Flashback begins: Elie, younger and more anxious, is in an interview with Sir Nathan at Naskhai Technology.)

Naaalala ko nung nag-apply ako sa Naskhai Technology, si Sir Nathan ang nag-interview sa akin. Grabe ang kaba ko noon. Akala ko babagsak ako sa interview pero hindi. Sa simula pa lang siya yung  unang-unang tao na malaki ang tiwala sa akin. Isang taon ang inabot bago ko napasa yung metrics.  Naalala ko po araw-araw  akong umiiyak sa CR kasi ang daming calls , yung mga calls na yun puro"transfer me to your supervisor". Sa buong project ako yung may pinaka-maraming supervisor call na trinansfer at madalas si Sir. Nathan yung nagtitake ng call. Naiinis siya sa akin madalas. Madalas pinagagalitan niya ako kasi kahit simpleng call na nga lang, supervisor call pa,   pero kahit ganun hinabaan niya ang pasensya niya sa akin  at hindi ako pinabayaan. Pero isang araw, napagod na lang ako. Napagod akong iovercome yung weakness ko. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko, hindi ako nag-iimprove, hindi ako naggogrow,.1 year na ako sa company pero bottom performer pa rin ako. Naging clouded na ang utak ko ng negative thoughts then one day Sir Nathan snaps at me.

NATHAN (FLASHBACK)
Walang trabahong madali, Elie. Pero kung gusto mo talagang matupad ang pangarap mo, pagsumikapan mo. Maniwala ka sa sarili mo, dahil nakikita kong may potential ka.

ELIE (V.O.)
Si Sir Nathan yung nagpapaalala sa akin ng pangarap ko nung halos gusto ko nang sumuko. Kahit galit siya sa akin nung sinabi kong magre-resign ako, he never gave up on me. At ngayon, top agent ako sa account namin—dahil din sa kanya. Then now, after ko nitong training is hindi na ako agent kundi magiging trainor ka sa buong project. It took me years of hardwork, patience and persevarance to reach this point and isa si Sir. Nathan sa mga tinatanawan ko ng utang na loob. 

(Flashback ends, back in the car.)

NATHAN

(teasing)

Elie, parang malalim ata iniisip mo. Share mo naman, huwag kang mag-alala, mahal ka din niya.

ELIE

(snaps back to reality, irritated)

Anong sinasabi mo Sir. Nathan? 

Then, suddenly she remembers the restaurant where they are heading to. Feeling a bit worried about the cost.

ELIE
Sir Nathan,  totoo ba na sa Restaurant Andre tayo kakain. Di ba mahal doon?

SIR NATHAN
(teasing)
Oo. Bakit anong inaalala mo?

ELIE
(worried)
Kasi...

NATHAN
(teasing)
Alam ko na iniisip mo. Siyempre libre siya, Ellie. All expenses paid by the company. Kaya huwag kang mag-alala, focus ka lang sa training mo at huwag kang magpapa-gutom.

ELIE
(relieved but trying to hide it)
Phew! Akala ko kanya-kanya tayong bayad!

NATHAN
(laughs, shaking his head)
Ewan ko sa'yo. But on a serious note, regarding sa training. Malaki ang tiwala ko sa'yo, Ellie. Intindihin mo nang maigi yung training. Para sa'yo din 'yan. Don't disappoint us.

ELIE
(feeling the weight of his words)
Nakaka-pressure Sir, pero gagalingan ko.

NATHAN

Good. Alam kong kakayanin mo yan magaling ka kaya.

As they continue driving, Elie glances at Sir Nathan, a mix of emotions on her face. She smiles faintly, appreciating his support despite everything.

Love, ElieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon