James

41 2 0
                                    

INT. OFFICE - DAY

JAMES sits at his cluttered desk, his face showing frustration as he types on his computer. The office is buzzing with activity. JASON approaches with a wide grin.

JAMES

(looking around)

Ang dami na namang new hire tapos kapag naregular saka magreresign kasi experience lang sa trabaho ang hanap. Yung iba naman, wala pang 6 months mag-aawol na kasi nahihirapan. Yung iba, hindi pa nga regular kung makaasta akala mo kung sinong magaling. Ayoko talaga sa mga ganung klase ng empleyado.

JASON

(leaning on James's desk)

Hoy James! Brad, ang sama na naman ng timpla ng mukha mo ngayon ah. Kaya maraming babae ang naiinis sa iyo. Gwapo ka sana, kaso suplado ka naman.

JAMES

(sighing)

Pare, huwag mong sabihin nababakla ka sa akin Jason?

JASON

(teasing)

Uy! Sinasabi ko lang ang mga naririnig ko sa mga babae. Nga pala, pre, kanina pumunta ako sa training room kasi nagpractice ng mock calls yung mga new hires, at alam mo ba, may isa sa mga new hire ang bagay sa iyo.

JAMES

(annoyed)

Pwede ba, pre, tigilan mo na ako, ok?! Paulit-ulit na lang tayo diyan eh na hindi pa nga ako handang makipagrelasyon ulit.

JASON

(serious)

Huwag mong sabihin hindi ka pa rin nakakapag-move on sa love of your life. Ano ka ba, James? Halos 1-year na kayong hiwalay ni Jenny. Kalimutan mo na siya. Ang mga babaeng hindi marunong makuntento sa isang lalaki at manloloko ay binabaon na sa limot. Pare, bigyan mo naman ang sarili mong sumaya. Sinasabi ko sa iyo, kapag nakilala mo itong si Hannah, hahanap-hanapin mo siya. Promise! Alam mo bang maraming ang naghahabol sa kanya? Ang ganda niya, maputi, tapos matangkad pang model ang ganda. Alam mo bang crush ka niya at sabi niya gusto niyang sa iyo siya magbabarge ng calls kapag nesting na nila? Ang swerte-swerte mo, pre.

JAMES

(crossing arms)

Eh di ligawan mo, Jason. Ikaw ang may gusto doon, hindi ako. Sinasabi ko sa iyo, wala akong interes na kilalanin yung Hannah mo. Ang gusto kong babae ay yung hindi ako lolokohin at mamahalin ako ng tunay. Gusto ko ng babaeng matino, may pangarap sa buhay, at successful. Hindi ko kailangan ng sexy at napaka-gandang babae, yung simple lang ok na ako. Tsaka yung babaeng makakasundo ko. Ok?!

JASON

(frowning, thinking)

Ang kj mo naman, James. Sinong gusto mo? Ah, may kilala ako na swak na swak sa diniscribe mo. Kilala mo ba si Elie, yung taga Armono? Sa tingin ko, yung tulad niya yung mga tipo mo. Sabi mo gusto mo ng simple, may pangarap sa buhay, at successful. Pakilala kita sa kanya. Balita ko, NBSB daw yun.

JAMES

(skeptical)

Siya? Eh mayabang naman yun eh! Porket palagi siyang nabibigyan ng award yearly, ay ang yabang-yabang niya.

JASON

(looking confused)

Huh? Mayabang? Hindi ah!

JAMES

Ah basta! sige na, may call na ako.

JAMES (V.O.)

Yung Elie na yun, siya yung tipo ng babaeng hindi ko magugustuhan. Pati yung Hannah na yun, kahit gaano pa siya kaganda, kung katulad lang din siya ni Jenny na sasaktan ako, huwag na lang.

JASON

(muttering)

Haay, makapagtrabaho na nga ulit.

As JAMES takes a call, a message pops up on his screen from JASON.

FROM JASON

Pre, huwag kang judgmental, hindi mo kilala si Elie. Nakasama ko na siya sa isang training na napuntahan ko at mabait siya. Tandaan mo, masama ang magsalita ng patapos baka bawiin mo sa huli hahahaha.

TO JASON

Pre, huwag ka din papabulag sa nakikita mo. Sigurado ako na pakitang-tao lang yun.

FROM JASON

Ewan ko sa iyo pre, minsan ang hirap mong kausap. Huwag kang close minded! Ah! Bahala ka nga sa buhay mo. Enjoy mo na lang yung VL (vacation leave) mo next week sa Singapore. Malay mo doon mo na makita yung perfect girl for you.

JAMES continues with his work, looking slightly more at ease, as JASON takes a call.

Love, ElieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon