"Judge not, that you be not judged. For with the judgment you pronounce you will be judged, and with the measure you use it will be measured to you. Why do you see the speck that is in your brother's eye, but do not notice the log that is in your own eye? Or how can you say to your brother, 'Let me take the speck out of your eye,' when there is the log in your own eye? You hypocrite, first take the log out of your own eye, and then you will see clearly to take the speck out of your brother's eye." -Matthew 7:1-5
Issue ito nang lahat ng tao. Wala ni isa ang hindi gumagawa nito. Kahit hindi man natin aminin, nagagawa natin ang bagay na ito. Bigyan ko kayo ng halimbawa: Sa POLITICS. Kay P-NOY, sa mga senador, sa mga namamahala sa gobyerno. Isa pa lang yan. Eto pa: Sa mga pabebe's, sa mga jejemon, sa mga tambay sa kanto. Eto pa: Sa kaklase mo, sa mga taong nakakasalamuha mo, sa mga weird tingnan sa paningin mo. At eto matindi: Sa taong may pangit na past, nagawang hindi maganda, masama dati at biglang nagbago. Mapapaisip ka pa rin kung nagbago na nga ba o hindi pa at pipilitin mong malaman ang katotohanan.
Ilan lang yan sa mga halimbawa ko sa pagiging judgemental ng mga tao. Hindi nila alam ang katotohanan pero grabe na husgahan ang kapwa. Konting pagkakamali lang parang pasan na agad niya ang daigdig sa dami ng sinasabi mo tungkol sa kanya.
Hindi mo ba naiisip kung ano ang pinagdaanan niya sa buhay? Hindi mo ba naiisip kung saan siya lumaki, kung ano ang mga hinarap niya noon at mga nalagpasan kung bakit siya ganoon ngayon? Isipin din natin ang feelings ng bawat isa at hindi puro sayo na lamang.
Mapapakita mo ang pagiging Kristiyano mo kung marunong kang ilagay ang sarili mo sa taong hinuhusgahan mo at kapag nalagay mo na ang sarili mo sa katayuan niya, mauunawaan mo.
UNDERSTANDING IS THE KEY
Kung nagkamali man siya o may hindi ka gusto na ginawa niya, try to understand. Hindi naman siguro siya nabuhay sa mundo para pagandahin ang tingin niya sayo, dahil kung talagang Kristiyano ka at mahal mo ang Panginoon, imbes na i-judge mo siya, tutulungan mo pa siya kung paano makakakilala sa Diyos. Jesus Christ came here not to judge us but to save us. Pinakita Niya sa atin ang pinakamabubuting gawa na tularan natin upang tayo ay maligtas at matawag na Kanyang mga masunuring anak.
Mahirap mag judge lalo na kung hindi naman pala yun yung intention o talagang nangyari. Minsan kasi nag ooverthink lang tayo sa mga bagay. Masyadong malawak ang imagination natin kaya yung mga wala namang kamalay-malay ay kinagagalitan mo na o grabe na ang panghuhusga mo.
Wag kang magsalita ng masama sa iyong kapwa. Anong karapatan mo? Qualified ka ba para husgahan ang isang tao? ONLY GOD WILL JUDGE!
"There is only one lawgiver and judge, he who is able to save and to destroy. But who are you to judge your neighbor? -James 4:12"
Judging a person doesn't define them, it defines who you are.
Alam niyo ba na ang panghuhusga sa kapwa ay type of bullying? At ang pagbibilang ng kapintasan ng iba ay hindi paraan upang maging righteous ka, it makes you unclean, at hindi ka nagiging kalugod-lugod sa harapan ng Diyos.
Naaalala niyo pa ba yung "kapag nagturo ka, isa lang ang daliri na nakaturo sa kanya. Mas madami ang nakaturo sa inyo". Bumabalik kasi yun eh, naniniwala ako sa karma. Kung ano ang iyong inihasik, yun din ang iyong aanihin.
Gayon pa man, gusto kong sabihin na, bilang isang tao na nagkakasala din, at hindi tayo excuse sa pagkakamali, wala tayong karapatan na husgahan ang isang tao na nagkasala man o nagkamali o hindi naging maganda sa paningin mo. Lagi ka din munang tumingin sa sarili mo. "Ganoon din kaya ako? Nagawa ko na ba yun?" at kahit hindi natin sabihin na nagawa mo ang bagay na yun, wala ka pa ding karapatan. Uulitin ko, WALA KA PA DING KARAPATAN! (Capital Letters with exclamation point, para mas absorb) Ang pagiging Kristiyano ay may pagkamalasakit sa kapwa at may pag-ibig. Ibigay mo sa kanya ang iyong oras at pagmamahal at tulungan mo siya na makapagsimula muli na makilala ang Panginoong Jesus.
Kung isang daang tao man kayo na humuhusga sa kanya, umalis ka doon at tulungan siya. Mas mahalagang ang ginawa mo ay ang sinabi ng Panginoon, kaysa sumama sa nakararami ngunit hindi kinagigiliwan ng Panginoon.
Tandaan mo CHARACTER/ATTITUDE pa din ang titingnan ng Panginoon sayo.
"Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear. -Ephesians 4:29"
BINABASA MO ANG
Buhay Kristiyano, Buhay natin to!
SpiritualCOMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Christian people can relate to the following chapters of this book. Food for the SOUL and SPIRIT. GOAL of...