GOOD & BAD

2.3K 61 5
                                    

Pagkagising sa umaga. Pagkain sa buong araw. Malakas na pangangatawan. Mga kaibigang laging nandyan. Magagandang tanawin. Kalakasan ng katawan. Pag-aaral. Inspirasyon galing sa kasintahan, o di kaya'y sa ibang tao o iba pang mga bagay.


Ilan lang yan sa mga bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Panginoon sa araw-araw ng buhay mo. Kung hindi man lahat yan ay nararanasan mo, magpasalamat ka pa din. Yung iba nga nasa kalagitnaan pa lang ng panaginip dedbol na eh, ikaw nga nakapa mo pa ang muta mo sa mata kanina pag gising mo.

"Give thanks in all circumstances; for this is God's will for you in Christ Jesus. 1 Thessalonians 5:18"

Sa lahat ng pagkakataon, hindi sinabing kapag gusto mo lamang, o kapag na-feel mo lang na talagang lubos kang pinagpapala. Kailangan mong sanayin ang sarili mo na magpasalamat sa Diyos GOOD or BAD man ang dumating sa buhay mo.

(May dumating na blessings) "Thank you LORD!"

(Ang ganda ng porma mo pero naulanan ka) "Ano ba yan LORD! Badtrip nemen oh!"

Ugali talaga ng tao na kapag mabuti ang dumadating sa Kanila saka lang naaalala ang kabutihan ng Panginoon, minsan nga kahit ang ganda ng araw mo o ang ayos ng nangyayari sayo hindi mo pa rin Siya naaalala eh. (Aminin! Bato-bato sa langit tamaan, Bukol!)

Kapag naman masama o puro hindi mo gusto o mga bagay na hindi mo ine-expect mangyari, galit na galit ka. Kanino? Kanino pa ba edi kay Lord! Ganyan naman tayo eh, pag ayaw ng nangyayari o hindi mo inaasahan na mangyari sayo, alburuto ka na agad, usok na ang tenga at nag eexpand na parang si the Hulk!

Bakit hindi mo na lang ipagpasalamat kung ano man ang nangyayari sa buhay mo? Wala ka bang bagong sapatos? Yung iba nga no choice kasi wala silang paa. Ayaw mo ba ng ulam? Alalahanin mo ang mga walang makain. Mahirap ba ang exams at masyadong maaga lagi ang pasok? Yung iba, gustong mag-aral pero di maibigay sa kanila. Maliit ba ang kwarto mo o bahay? Ang daming pamilya na walang matirahan at matulugan.

BE THANKFUL kapatid! Lagi kang tumingin sa brighter side ng buhay mo, at yung mga darker side naman hayaan mong ang kaliwanagan ng Panginoon ang magbigay ilaw sa mga iyon.

Madami ka mang hiniling kay Lord na hindi Niya ibinigay, mas madami naman Siyang ibinigay sayo na hindi mo naman hiningi.

"Oh give thanks to the Lord, for he is good, for his steadfast love endures forever! -Psalm 107:1"

Kung hindi ka magpapasalamat sa mga maliliit na bagay, paano Niya pa ipagkakaloob sayo ang mga malalaki at kahanga-hangang bagay?


Buhay Kristiyano, Buhay natin to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon