"Healthy isn't a goal; it's a way of living"
"Alagaan natin ang ating pisikal na katawan". Iyan siguro ang iniisip ng ilan sa makakabasa nito. Iisipin nila na bilang isang Kristiyano, kailangang maging healthy living. Eating healthy foods at pagiging madisiplina sa katawan, sa pagkain, o sa buhay.
Yes, I do believe that our bodies plays a huge part sa pagiging Kristiyano natin. Dahil kung malakas ang pangangatawan mo, maibibigay mo yang strength mo para kay Lord, para tumulong sa mga nangangailangan, para makasali sa ministry, para makapag work.
Isa pa, mahalaga din ang may maayos na pangangatawan dahil fulfillment sa atin na maayos at maganda tayong tignan sa harapan ng mga tao. Extra points kumbaga. Bonus na bonus kapag sobra mong healthy at masyado kang madisiplina sa kinakain mo, kung hindi man madisiplina masyado ay nakaka-kain ka ng kung ano ang gusto mo.
Health requires healthy food
Napakadaming pagkain ang makaka-satisfy sa atin. Isang tawag mo lang sa gusto mong restaurants para magpadeliver o kaya naman ikaw ang pupunta sa nais mong kainan ay maibibigay na nito ang kumakalam mong sikmura at cravings ng iyong dila at pag-iisip.
Kung mapapansin niyo, ang tinutukoy ko dito ay ang pagkain na para sa katawan natin, upang tayo ay lumakas at mabusog. Ang pagkaing ito ay nagbibigay satisfaction sa pisikal mong pangangatawan.
Kung paanong nagugutom at nanghihina ang ating katawan kapag hindi tayo nakaka-kain, gayon din naman ang ating Espiritu na nagnanais din na makakain ng pagkaing espiritwal.
"Man shall not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God" -Matthew 4:4
Imagine this: Malakas nga ang pangangatawan mo, maganda nga ang hubog ng katawan mo, marami ngang humahanga sa disiplina mo sa pagkain at puro healthy foods ang kinakain mo pero yung mas importante na aspeto ng buhay mo ay hindi mo man lang mapakain at mapalago. WORD OF GOD ang kailangan niya upang bumalik ang sigla at lakas niya. Pakainin mo siya ng pagkaing nagmumula sa Diyos at Biblia upang hindi siya magkasakit at mamatay.
Hindi kaso kung gaano kadami ang kinakain mo, ang issue dito ay kung ANO ang kinakain mo.
Your greatest WEALTH is HEALTH.
Naalala ko pag may commercial na patungkol sa pag ganda ng outer appearance ng isang tao. Hindi daw makikita ang natural na radiant skin kapag hindi healthy inside. Kailangan pala, it starts from the inside para makita ang glow outside. Tunay iyon, dahil aanhin mo ang healthy body kung bulok na bulok na naman ang loob nito?
Mas mabuti pa ang mukang malnourished ang pisikal mong itsura ngunit umaapaw naman sa ganda ang iyong Espiritu. Hindi ko sinasabi ito para pabayaan niyo ang iyong katawan at puro nalang spiritual ang inyong i-established. Dapat ay equal. Sabi nga sa 1 Corinthians 6:19a "Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit". Dapat as a Christian, marunong kang mag alaga ng katawan at Espiritu mo equally, dyan kasi umiistambay ang Espiritu ng Panginoon na pinagkaloob Niya sayo. Wag mo silang pababayaan. Pakainin mo sila at bigyan ng mga pagkaing ninanais Nila na kainin mo, para sayo at para sa relasyon mo sa Diyos. Wag kang selfish! Wag puro katawan mo lang na nakikita ng mata ang palaguin mo, papogiin o pagandahin mo din ang loob nito. If you know how to take care of your body, how much more for your spirit? You need it, believe me!
NUTRITIONAL FACTS: (you need to)
EXERCISE: Prayer, SLEEP: Peacefully, WAKE UP: Thanfully, WALK: Righteously, RUN: from the Devil, STRETCH: Faith, WARM-UP: your Heart, COOLDOWN: Stress, EAT: Word of God, DRINK: JESUS (Our living water)
LIVE A HEALTHY LIFE WITH GOD.
BINABASA MO ANG
Buhay Kristiyano, Buhay natin to!
SpiritualCOMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Christian people can relate to the following chapters of this book. Food for the SOUL and SPIRIT. GOAL of...