Part 2 ito ng chapter na "Pinagkaiba". Salamat pala sa mga naaliw, natuwa at nagustuhan ang chapter na yun. May mga ilang nag-react, pero uulitin ko po (just for fun lang ito, pero totoo)
Ok let's start!
2.1 Buhay Kristiyano: Nagko-concert sa loob ng banyo at panay Christian songs ang kinakanta. Even sa labas ng banyo. Nawili na at na LSS (Last Song Syndrome) na sa awiting para kay God. Patay sa pagiging Kristiyano: Worldly songs ang madalas kantahin at todo support (bili album, punta concerts, follow sa twitter) pa sa mga IDOL nilang worldly singers. example: lady gaga, beyonce, jay-z, katy perry etc..
2.2 Buhay Kristiyano: Mas priority ang Bible studies/Cell group, at iba pang gawain para kay Lord. Patay sa pagiging Kristiyano: Sine-set aside lagi ang gawain ni Lord. (May gagawin pa ako, sa susunod nalang, may mas mahalaga akong pupuntahan HABITS)
2.3 Buhay Kristiyano: Hindi nawawala sa usapan si Lord. Pagkaharap ang mga kaibigan, pipiliting magsingit lagi ng patungkol kay Lord. Kung hindi bible sharing, ay invite nalang sa sunday. Patay sa pagiging Kristiyano: Hanggat maaari, ayaw sisingitan ng patungkol sa Diyos ang usapan sa barkada at masisira ang kasiyahan. (Ganyan tayo eh!)
2.4 Buhay Kristiyano: Mapagmahal sa lugar. Pag kumain, kahit isang kendi man yan, hinding hindi siya magkakalat lalo na sa loob ng Church. Patay sa pagiging Kristiyano: "Maitapon na ito dito". "May maglilinis naman nito". Minsan pa nga ay todo siksik ang mga balat o kalat kung saan man maisingit.
2.5 Buhay Kristiyano: Pag prayer ay pumipikit, minsan ay nagtataas pa ng kamay. Patay sa pagiging Kristiyano: Nakapikit na ang lahat, ayaw pa rin pumikit. Ayaw mapuspos ng Espiritu Santo.
2.6 Buhay Kristiyano: CONTENTED. Patay sa pagiging Kristiyano: Masyadong makiuso. Kakabili palang ng cellphone last month, gusto agad i-upgrade sa mas hightech.
2.7 Buhay Kristiyano: Gumagawa ng puno ng pagmamahal sa puso. Dahil lahat ng ginagawa niya ay inaalay niya para kay Lord. Patay sa pagiging Kristiyano: Masyadong reklamador. Simpleng bagay ay nguto agad at hindi na maipinta ang mukha. (inutusan lang naman ng pagbili sa tindahan)
2.8 Buhay Kristiyano: Hindi LAST MINUTE (case to case basis o depende sa sitwasyon) Patay sa pagiging Kristiyano: LAST MINUTE PERSON
2.9 Buhay Kristiyano: May desire na mag-serve kay Lord, gawin ang mga pinapagawa ni God sayo, hindi lamang pinapakinggan ang Salita ng Diyos kundi sinasabuhay. Patay sa pagiging Kristiyano: Walang desire at walang patutunguhan sa aspetong spiritual. Living life to the fullest ng hindi kasama si Lord sa buhay niya.
"Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is--his good, pleasing and perfect will. -Romans 12:2"
TRANSFORMERS not CONFORMERS!
BINABASA MO ANG
Buhay Kristiyano, Buhay natin to!
SpiritualCOMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Christian people can relate to the following chapters of this book. Food for the SOUL and SPIRIT. GOAL of...