Chapter 3 : Girlfriend Nya

8 1 0
                                    

Masaya akong naglalakad kasama si Sharly patungong classroom habang hawak hawak ko ang form na kinuha namin sa faculty room kanina. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa nalaman ko tungkol kay Rayce.

"Sha, sa tingin mo magugustuhan kaya ako ni Rayce?" tanong ko.

"Rayce?" kunot noong tanong nya.

"Rayce, si Rui diba Rayce Rui sya?, kaya naman simula ngayon Rayce na ang itatawag ko sa kanya"

"Bakit naman? E baka ayaw nyang tawagin syang ganun kasi nga diba Rui ang pakilala nya sa atin"

"Well, kung ayaw nya pwes ako gusto ko at wala syang magagawa dun, isa pa, para naman malaman nyang ako ang tumatawag sa kanya kapag tinawag ko syang Rayce"

"Sabagay, mas okay yang naisip mo" kinikilig na sabi nito.

"Pero Sha, yung tanong ko nga, sa tingin mo ba magugustuhan ako ni Rayce?"

"Jusko, tinatanong pa ba yan? Ofcourse magugustuhan ka nya, aba! Choosey nalang nya kapag hindi nya nagustuhan ang isang Camie Fajardo na Campus Queen at halos sambahin na ng kalalakihan dahil sa sobrang kagandahan." Sabi ni Sharly na ikinatawa ko.

"Sira ka talaga" natatawang sabi ko.

"Aba! Totoo naman kaya imposibleng hindi ka magustuhan nun"

"Hmmm... sana nga hindi imposible"

"Pero, naisip ko lang Camie, what if hindi ka nga nya magustuhan? What do you do?" seryosong tanong nya, tignan mo itong babaeng to! Kanina lang ang lakas ng pananalig na magugustuhan :3 pero oo nga ano nga bang gagawin ko?

"Hmmmm.. I don't know"

"Dapat Camie pinagplaplanuhan mo yan"

"Paano? Paano ko pagplaplanuhan kung hindi ko pa alam kung gusto nya ba ako o hindi"

"Haynako...pag sa mga ganyan couz, dapat kang magpaka girls cout, dapat lagi kang handa, gusto ka man nya o hindi dapat handa ka.. nakapagplano ka"

"Ewan ko... ngayon ko lang din naman kasi nalaman na type B pala sya tsaka basta, kung sakali man hindi nya ako magustuhan, gagawa ako ng paraan... paraan para magustuhan nya ako."

"Okay.. basta couz nandito lang ako lagi, para suportahan yang mga kabaliwang pinaggagagawa mo sa buhay mo" sabi nya na ikinatawa ko.

Nang makapasok kami sa classroom unang hinanap ng mga mata ko si Rayce, pero kahit anong gawin kong paikot sa mga mata ko, wala akong makitang Rayce.

"Claire, si Rui?" tanong ko kay Claire ng makita kong wala maski ang bag ni Rayce sa upuan nya na nasa likuran lang ng upuan ko.

"Ewan ko, hindi pa dumadating eh, baka late" sabi nya sabay tingin sa hawak kong form.

"Ano yan?" tanong nya

"Ah .. form to, hiniram ko kay ma'am Rose para malaman ko yung blood type ni Rayce"

"Rayce? Sinong Rayce?" gaya ng reaksyon ni Sharly kanina, nakakunot noo din si Claire

"Rayce Rui Montilla" nakangiting sagot ko.

"Ohh.. nice name huh!, so ano? Anong blood type nya? B ba? Magkaka boyfriend ka na ba?" na-e-excite na tanong nya.

"Hmmm... Yeah" sabi ko, nakita kong pumormang bilog ang bibig ni Claire.

"Omg! Cams eto nayun, yung matagal mo ng iniintay na true love kyaaaah" sabi nya, nagulat ako ng niyakap nya ako at tumalon talon. Grabe! Ramdam na ramdam ko talaga yung kilig nya.

"Ano kailangan na ba nating magpaparty?" natatawang tanong ni Sharly

"Siguro Sha, aba kailangan nating i-broadcast na ang campus queen nating NBSB ( no boyfriend since birth ) eh, soon to be taken na" tumitiling sabi ni Calire kaya naman napa iling nalang ako, baliw talaga tong dalawang to.

Naputol ang tawanan namin ng biglang pumasok ang sub teacher ni Ma'am Santiago dahil wala sya ngayon, kaya naman naupo na kami at tumahimik. Tinignan ko ang likuran ko pero bakante parin ang upuan.. walang Rayce na naka-upo kaya naman siniko ko ang katabi kong si Sharly.

"Sha wala pa si Rayce" pabulong na sabi ko

"Hayaan mo lang, baka naman napasarap lang ang tulog nya kaya late, darating na rin yun mamaya wag kang excited dahil makakausap mo rin yun" nakangising sabi nya.

Dumating ang lunch break pero wala parin akong makitang Rayce.

"Luch break na pero wala paring Rayce maski anino wala" sabi ko habang naglalakad kami ni Sharly papuntang cafeteria.

"Baka naman may emergency sa bahay nila kaya umabsent yun"

"Pwede rin? Hay .. sayang naman na-e-excite pa naman na akong makausap sya"

"Okay lang yan, may bukas pa" natatawang sabi ni Sharly

Nang makaupo na kami sa Caf, sakto ang dating ni Claire na dala ang mga pagkain namin, treat daw nya ngayon kasi masyado daw syang natuwa sa nalaman namin about kay Rayce.

"Ohmyghod! My chika ako" sabi nya pagkalapag nya ng mga pagkain.

"May nakakita daw kanina kay Rui"

"Saan?" sabay na tanong namin ni Sharly.

"Sa kabilang school daw, yung school na exclusive for gils" sagot ni Claire.

"Anong ginagawa nya dun?" tanong ko.

"Naghahatid lang naman ng isang babaeng estudyante dun, guess what! Dala pa niya ang bag nung babae"sabi ni Claire na ikinakunot ng noo ko.

"Ano?!" tanong ni Sharly na tila ba hindi makapaniwala.

"Eto mas intense... hinalikan nya sa noo ang babae bago ito tuluyang pumasok ng school"

"God! girlfriend nya? May girlfriend si Rui?"

My Boyfriend Is Type BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon