.
"Anong nangyari?" tanong ni Sharly pagka-upo ko sa harapan nya.
"Sino daw yung babaeng hinatid nya kanina?" dagdag ni Claire. Napabuntong hininga ako at tinignan sila.
"Nothing" tipid na sagot ko.
"Anong nothing?" sabay na tanong nila.
"Nothing happened." Sabi ko, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung pinag-usapan namin ni Rayce nahihiya kasi ako sa part na sinabihan ako ni Rayce na hindi daw nya ako magugustuhan kahit kailan.
"Don't lie" malamig na sabi ni Sharly.
"Hindi ka magtatagal ng ganun kung wala kayong pinag-usapan" dagdag pa ni Claire.
"Okay nag-usap kami, tinanong ko kung sino yung girl na hinatid nya." Sabi ko pero tinignan lang nila ako.
"Oo na ikwe-kwento ko na" sabi ko wala naman din kasi akong magagawa hindi lang nila ako titigilan sa pagtatanong nila kaya kinwento ko lahat ng pinag-usapan namin ni Rayce ng hindi edited.
"Grabe naman si Rui, anong karapatan nyang sabihin yung ganung salita sa isang Camie Fajardo" inis na sabi ni Claire.
"Tingin ko ayaw talaga sayo ni Rui kasi hindi naman nya sasabihin yun kung may chance nga na magustuhan kanya, minsan kasi ang mga lalaki pagnagbitiw ng salita yan pinaninindigan nila." sabi ni Sharly.
"Oo nga eh, iniisip ko rin na siguro kaya nya sinabi sa akin yun dahil girlfriend nya nga yung babaeng hinatid nya kanina. Wag ko nalang kayang ituloy yung balak kong maging boyfriend sya, kasi ayokong manira ng relasyon" sabi ko sa kanila.
"Alam nyo, kayong magpinsan ang nega nyo" stress na sabi ni Claire.
"Eh kasi naman Claire, sure akong girlfriend ni Rayce yung girl na yun." Sabi ko.
"No, hindi ka sure kasi hindi ka sinagot ni Rui ng maayos" sabi ni Claire
"Sabagay may point ka Claire." Sabi ni Sharly habang patango tango.
"May na-isip ako kung paano natin makikilala yung girl" nakangiting sabi ni Claire
"Paano?" sabay na tanong namin ni Sharly.
"Pumunta ka ng school nila at abangan mo sya doon." Sabi nya.
"Ha? Ayoko nga" pagtanggi ko.
"Bakit?" tanong ni Sharly.
"Eh kasi ano namang sasabihin ko dun sa babae? Tsaka hindi ko naman alam ang itsura nun" totoo hindi ko naman talaga alam :3
"Tatanungin ko si Krystal sya daw yung nakakakita sa girl" sabi ni Claire.
"Alam mo Camie, kung hindi mo gagawin yung na-isip ni Claire wala kang mapapala, kasi mukhang wala namang plano si Rui na sabihin sayo kung sino yung girl kaya pumayag kana." Sabi ni Sharly
"Oo nga tsaka don't worry sasamahan ka naman namin" sabi ni Claire.
"Okay" sabi ko at napangiti naman sila. Wala naman na kasi akong magagawa dahil alam kong kahit anong pagtanggi ko hindi sila papayag, isa pa naisip ko din na mas maigi nga siguro yung naisip ni Claire dahil tama si Sharly walang plano si Rayce nasabihin sa akin kung sino yung Girl. Mas maigi ngang makilala ko yung girl para naman malaman ko kung itutuloy ko ba tong kaaningang ko kay Rayce o hindi na.
~~
"Antagal naman, ano Krys wala pa ba ?" tanong ni Sharly kay Krystal nandito kasi kami ngayon sa tapat ng school nung girl at iniintay syang lumabas.
"Wala pa eh hindi ko pa nakikita" sagot naman ni Krystal.
"Baka naman nakauwi na yun" sabi ko, sa totoo lang gusto ko ng umatras lekat kasi kanina pa ako kinakabahan dito aba! malay ko ba kung maldita yung girl mamaya sabunutan pa ako nun pero wag naman sana, sana nice sya god please help me.
"Ayun,ayun sya" turo ni Krystal sa babaeng nakangiti habang nakikipakwentuhan sa mga classmate nya papalabas ngschool.
"God, ang ganda nya" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Mas maganda ka" sabay sabay nilang sabi.
"Ano pa bang tinutunganga mu dyan puntahan mo na " sabi ni Emily.
"Ayaw" umiiling na sabi ko.
"What? E paano mo malalaman kung girlfriend ba sya ni Rui o hindi kung hindi mo sya kakausapin" sabi ni Sharly.
"Pipilitin ko si Rayce na mag---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong itinulak ng malakas ni Sharly.
"Wtf Sha!" inis na sabi ko, paano ba naman napaupo ako sa pagkakatulak nya masakit ah.
"Miss are you okay?" tanong sa akin ng isang babae. Tinignan ko ang mga paanan nila tatlong pares ng paa ang nasa harapan ko. Wth! kaharap ko na, malakas ang kutob ko na eto na yung babae na tinutukoy ni Krystal, kaya naman tumayo ako ng nakayuko at pinagpag ko ang suot kong school uniform at tsaka ako tumingin sa kanila ng diretso.
"Yes" nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita ko naman ang pamimilog ng mata ng babaeng nasa gitna. Ang babaeng hinatid ni Rayce.
"C-camie Fajardo" sabi ni at itinuro nya pa ako.
"Oo" sabi ko, shocks kilala nya ako?
"Ah girls mauna na kayo ah, mukha kasing kakausapin nya ako" nakangiting sabi nya sa dalawa nyang kasama.
"Sure" sabi naman ng dalawa, magbeso muna sila bago umalis, at ng mawala na sa paningin namin ang dalawa humarap sya sa akin at ngumiti ng kay lapad.
"Hi" sabi nya.
"H-hello, a-ano may gust--" hindi pa ako natatapos sa pagsasalit ng iabot nya sa akin ang kanyang kamay.
"I'm Nathalia Mirasol Montilla, Rui's sister"
"K-kapatid ka ni Rayce?" gulat na tanong ko.
"Totoo nga, Rayce talaga ang tawag mo sa kanya" natatawang sabi nya.
"Eh?"
"Yes, I'm his sister"
"P-paano? Twin kayo?" tanong ko
"Nako hindi, sabay lang kaming nag-aral mas matanda sya sa akin ng isang taon." Sabi nya
"Ah, buti nalang... akala ko kasi girlfriend ka nya" sabi ko na ikinatawa naman nya.
"Really?"
"Oo, kasi may nakapag sabi sa akin na hinatid ka raw ni Rayce at hinalikan ka nya sa noo, syempre ka year ka naman kaya inakala namin na girlfriend ka nya."
"Ganun lang talaga sya, kahit ang mama ko hinahalikan nya rin sa noo kada aalis na kami ng bahay."
"Ah sweet pala sya kung ganun." sabi ko na tinanguan naman nya.
"Alam mo gusto ko kasi si Rayce" sabi ko na ikinatawa nya. Teka nga pansin ko lang kanina pa sya tawa ng tawa :3
"Tama sya masyado ka ngang prangkang tao."
"Huh?"
"Naikwekwento ka kasi sa akin ni Rui, ang sabi nya sinasaabi mo raw sa kanyang gusto mo syang maging boyfriend lahat daw ng gusto mong sabihin sinasabi mo na parang hindi ka daw nakakaramdam ng hiya"
"Eh kasi wala naman akong mapapala kung puro hiya ang papairalin ko" sabi ko na ikinatawa nanaman nya.
"I like you, feeling ko sobrang honest mo" sabi nya.
"Hmmm... alam mo kasi may gusto talaga akong malaman tungkol kay Rayce, pwede bang sayo ko nalang tanungin?"
"Oo naman."
"M-may girlfriend ba si Rayce?" tanong ko, hindi ko alam kung bat ako kinakabahan, pero hinihiling ko kay god na sana isagot sa akin ng babaeng kaharap ko ngayon kay wala.
"Yes, meron"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is Type B
Teen FictionMay dalawa tayong uri ng tao kapag hula ang pinag-uusapan may naniniwala at may hindi naniniwala. Ikaw kaya? Alin ka sa dalawa?