"God! girlfriend nya? May girlfriend si Rui?"
"Ewan ko pero yun yung usap usapan, mukhang girlfriend nga daw ni Rui"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at gagawin ko. Hindi pa nga ako nakakapag-isip ng plano ko, sira na agad. Hindi ko pa nga sya nakakausap may girlfriend na agad baka naman kapatid nya lang yun, pero paano nga kung girlfriend nya yun anong gagawin ko? Sisirain ang relasyon nila para mapunta sa akin si Rayce? Eh paano kung mahal nya talaga yung babae? Edi sayang lang yung effort ko at tsaka hindi naman magandang manira ng relasyon noh!
"Baka hindi naman nya girlfriend yun, baka naman pinsan lang or kapatid." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Malabong magkapatid sila ni Rui kasi 4th year student din daw yung girl at kung pinsan nga nya, ang sweet naman may padala dala pa sya ng bag." Sabi ni Claire
"Ano ba naman yan, pag may goodnews talaga may badnews na kasunod kainis! Hindi man lang ipinagpabukas yang badnews nayan napaka eggzayted!" naiiritang sabi ni Sharly.
"Pero paano nga kung tama kayo na girlfriend nga yun ni Rayce, anong gagawin ko?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil ngayon palang nababahala na ako sa magiging lovelife ko!
Pero hindi pa man din sila nakakasagot sa tanong ko, nang biglang may lumapit sa aking classmate ko na hingal na hingal, tingin ko tumakbo sya halata e hahaha.
"Camie...s-si Rui nasa room kausap yung secretary natin nagbibigay ng excuse letter." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Sharly at Claire
"What? Run!" sa pagkakasabing yun ni Sharly agad na akong tumakbo patungong classroom. *cross fingers* sana maabutan ko sya.
"Montilla!!!" sigaw ko ng makita ko syang kakalabas lang ng classroom, pero hindi sya lumingon tuloy tuloy lang sya sa paglalakad kaya naman binilisan ko ang pagtakbo.
"Hoy!" sigaw ko at huminto sa tapad nya pero ikinagulat ko ang tuloy tuloy nyang paglalakad ugh! Ang bingi ba nya para hindi nya malaman na sya yung sinisigawan ko. Kainis!
Nang maabutan ko sya, hinawakan ko ang braso nya atsaka ako humugod ng pagkalalim-lalim na hininga.
"Napakabingi mo talaga kahit kalian!!" sigaw ko sa kanya.
"Tss" sabi lang nya atsaka inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso nya at pinagpatuloy ulit nya ang kanyang paglalakad wtf!
"Aba! Teka nga" sabi ko, this time damit na nya ang hinawakan ko.
"Ano ba?" iritadong tanong nya at hinawi ang kamay ko na nasa damit nya.
"Napakabingi mo kasi, may itatanong lang naman ako"
"Go ahead, you have one minute to ask." Malamig na sabi nya
"What? One minute? Sa tingin mo ba magkakasya yu---"
"Kung ayaw mo, okay" sabi nya at tinalikuran ako pero bago pa sya makapaglakad hinawakan ko na agad ang braso nya.
"Teka...eto na nga matatanong na napaka excited mo naman umalis" naiirita ako sa totoo lang. Paano kasi isang minuto lang? ganun ba talaga nya ako kaayaw na makausap at kailangan pang may oras? Nakakainis pero choosey pa ba ako? Atlease kahit isang tanong sa isip ko maitatanong ko sa kanya.
"Sino yung babaeng hinatid mo kanina na taga kabilang school?" diretsong natong ko, curious na curious kasi ako dun pero sana lang hindi nya sabihing girlfriend nya yun *cross fingers*
"Anong paki mo?"naiiritang sagot nya
"Syempre may paki ako dahil gusto kitang maging boyfriend kaya dapat malaman ko kung sino yung hinatid mo kaninang babae."
"Bakit hindi mo sya puntahan sa school nila at itanong mo sa kanya kung sino sya"
"Eh bakit hindi nalang ikaw ang magsabi kung sino sya tutal kilala mo naman sya at masasagot mo ang tanong ko, atsaka ikaw ang gusto kong makausap hindi sya."
"Hindi kita gustong makausap" sabi nya, tumalikod ito atsaka naglakad. Nakaramdam ako ng konti pagkakapahiya dahil sa sinabi nya, syempre first time kong masabihan ng ganun dahil sanay ako sa mga taong gusto akong nakakausap, pero kahit na ayaw nya akong kausap hindi pwedeng sumuko.
"Teka lang Rayce!" sa pagkakasigaw kong yun huminto sya kaya naman napangiti ako dahil isang tawag ko lang sakanya huminto sya. Aba hindi nya pinairal ang pagiging bingi nya hihi pero ang ngiting nasa labi ko ay agad ding napawi ng humarap sya sa akin na may masamang tingin.
Kailan ba ako masasanay na laging masama ang tingin ng taong to sa akin?
"Ano nga ulit yung itinawag mo sa akin?" galit na tanong nya pero binaliwala ko yun at ngumiti.
"Rayce" ngiting ngiting sabi ko.
"Diba Rayce Rui Montilla yung full name mo? Kaya Rayce yung tawag ko sayo kasi mas bet ko yun tsaka para pagtinawag kitang Rayce alam mong ako yung tumatawag sayo kasi halos lahat Rui ang tawag sayo dito" dagdag ko pa.
"Alam mo bang sobrang nagagalit ako sa mga taong tumatawag sa akin ng Rayce"
"Syempre hindi ano ka ba kalian lang tayo nagkakilala" natatawang sabi ko, pinipilit ko lang tumawa, kinakalma ko yung sarili ko dahil sa lagay ngayon parang gusto nya akong suntukin dahil sa galit.
"So ngayon alam mo na kaya wag na wag mo na ulit akong tatawagin sa pangalan ko na yun dahil baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo"
"Bakit? Anong gagawin mo? Ipapakidnap mo ako? Ipapabaril? Hoy! Wag ka ngang magbanta dyan na akala mo eh lalaki yung kausap mo. Tandaan mo babae ako at pagsinaktan mo ako magiging bakla ka sa paningin ng mga babae. Isa pa, bakit ba ayaw mong tawagin kitang Rayce? Eh ang ganda ganda naman ng pangalan mong yun." Dire-diretsong sabi ko, grabe! Sobrang lakas na ng kabog ng puso ko, mukha kasing seryoso sya sa sinabi nya nako! Ayoko pang mamatay God please ipa-isip nyo po kay Rayce na mali yung gagawin nyang kung ano man sa akin.
"Dahil hindi kita girlfriend" mariing sabi nya.
"Tss yun lang ba ang prinoproblema mo? Then court me Rayce" nakangiting sabi ko.
"What?" kunot noong tanong nya.
"Bingi ka ba o hindi ka nakakaintindi ng English? Two words lang yun uyy.. ang sabi ko ligawan mo ako para naman hindi kana magalit dahil tinatawag kitang Rayce."
"No!"
"Anong no? bakit no? ayaw mo nun pumapayag na nga akong ligawan moko tas choosey ka pa? Yung iba nga todo bigay pa sa akin ng flowers o chocolates para lang magtanong kung pwede ba silang manligaw tas ikaw choosey pa?"
"Pwes! ibahin mo ako sa kanila dahil kahit kailan hindi ko liligawan o magugustuhan ang isang katulad mo." Seryosong sabi nya
Masakit. Oo masakit masabihan ng ganun, kahit sinong babae naman sabihan ng kahit kailan hindi sya magugustuhan ng lalaking gusto nya eh masasaktan talaga, pero sa sitwasyon na ito hindi ko dapat pairalin ang kahinaan ko, kaya naman lumapit ako sa kanya at tumingkayad upang mailapit ko ang bibig ko sa tenga nya.
"You sure? Na kahit kailan hindi mo magugustuhan ang isang katulad ko? Try me Rayce, baka kasi mabago ko yang paniniwala mo" pagkatapos kong ibulong sa kanya yun, humarap ako sa kanya at binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.
"Bye" nakangiting sabi ko, this time ako na ang tumalikod at naglakad paalis sa harapan nya. Get ready Rayce Rui Montilla dahil gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is Type B
Novela JuvenilMay dalawa tayong uri ng tao kapag hula ang pinag-uusapan may naniniwala at may hindi naniniwala. Ikaw kaya? Alin ka sa dalawa?