Chapter 6: Pangako

12 0 0
                                    

My Boyfriend Is Type B.

Chapter 6 : Pangako

"Yes, meron" nakangiting sabi nya, hindi ako nagulat sa naging sagot nya dahil inaasahan ko namang meron eh, isang gwapong nilalang walang girlfriend? Malaking kalokohan kung ganun nga, pero sa parte ko kasi pina-nalangin kong sana wala nga.

"Kung gusto mo ipapakilala kita sa girlfriend ni Rui, kasi sigurado akong magugustuhan ka nya tulad ko" biglang sabi ni Nathalie.

"Nako a-ayoko t-thank you nalang"

"Ano kaba wag kang matakot mabait yun."

"p-pero kasi--"

"Don'y worry, matutuwa sya ng husto kapag nakilala ka nya, maniwala ka" nakangiting sabi nya.

Seryoso ba sya dun? Baka naman sabunutan ako ng girlfriend ni Rayce, o dikaya naman taray tarayan ako nako ayoko ng ganun huehue god baguhin nyo yung isip nitong kapatid ni Rayce pleaseeee.

"Manong flowershop po muna tayo then kay ate Mara po" natauhan ako ng marinig ko ang sinabing yun ni Nathalie, shet nakaupo naako sa cotse nya watda -___- hindi mo man lang namalayan huehue

"Wag kang kabahan mabait si ate Mara" mukhang mabait nga kasi kanina nya pa sinasabi yun.

"Dadaan lang tayo ng flowershop saglit para bilhan sya ng white rose, mahilig kasi sya sa white rose kaya kada bibisitahin namin siya ni kuya nagdadala kami nun." Sabi nya na tinanguan ko naman

"Ikaw ba? Mahilig karin ba sa rosas?"

"Nako hindi"

"Bakit naman? Diba tayong mga babae mahilig sa mga bulaklak at rosas?"

"Hmm siguro kayo pero ako kasi hindi, ayoko sa kanya kasi nalalanta sya, feeling ko sayang yung rose kapag itinapon pero wala ka namang choice kundi ang itapon ito dahil lanta na"

"Alam mo may point ka kasi ganun din ako nanghihinayang, pero diba sweet kung bibigyan ka ng rose ng lalaking mahal mo?"

"Sa totoo lang hindi ko alam, kasi hindi pa naman ako nagmamahal tsaka wala pang nagbibigay sa akin ng rose o flowers dahil alam nilang ayoko sa mga ito pero base sa mga nababasa ko sa libro sweet nga daw pag ganun."

"Grabe sa ganda mong yang wala kapang nagiging boyfriend? Pero alam mo tama talaga si Rui, kakaiba ka"

"Wala kasi akong mahanap na type B ang blood type kaya hindi pa ako nagbo-boyfriend"

"Nandito na tayo" nakangiting sabi nya kaya naman bumaba na kami, pero napatigil ako sa paglalakad ng marealize ko kung nasaan kami.

"C-cemetery?" paranong na sabi ko, nginitian nya ako at tsaka tumango.

"Bakit tayo nandito? Akala ko ba pupuntahan natin yung girlfriend ni Rayce." Kunot-noong sabi ko.

"Oo nga." Nakangiting sabi nya atsaka ako hinila upang maglakad muli.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang lapidang may nakaukit na pangalang Mara Sophia Ysabelle Suarez

"Hi ate Mara, miss mob a ako? Sorry ate hindi ako nakapunta sayo kahapon kasi naman ang dami naming assignment at project" sabi nya atsaka umupo sa damuhan.

"Ay ate alama mob a may kasama ako at siguradong matutuwa ka sa sasabihin ko" masayang sabi nya atsaka tumingin sa'kin.

"Upo ka" sabi nya kaya naman umupo narin ako sa damuhan sa tabi nya.

"Ate Mara sya nga pala si Camie, schoolmate ni kuya at alam mo bang may gusto sya kay kuya Rui." masayang sabi nya kaya naman tumingin ako sa kanya ngutin nakatingin sya sa lapida ni Mara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boyfriend Is Type BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon