Ilang emosyon ba ang meron ang isang NORMAL na taong tulad niyo?Sabi ni kaibigan kong si Plutchik, ayon daw sa kanyang teorya ay mayroon daw 8 basic na emosyon ang isang tao:
1. Joy
2. Anger
3. Fear
4. Disgust
5. Surprise
6. Anticipation
7. Sadness
8. Trust
Pero sa palabas ng Pixar na INSIDE OUT ( na hindi ko pa napapanuod dahil naghihintay pa akong mailabas sa torrent ang pinakamalinaw na kopya para madagdag ko sa collection of movies ko sa external drive ko) may 5 karakter na nagpapakita ng 5 klase ng emosyon:
1. Joy
2. Sadness
3. Fear
4. Disgust
5. Anger
Saan napunta sila Anticipation, Surprise at ganun din si Trust? Inichepwera.
Pero wag ka ng magtaka, baka mahirap idrawing ang itsura nila anticipation at surprise na maaring laging nakabuka ang bibig at dilat na dilat ang mata, kaya wala sila sa movie.
At si Trust naman?
Maaring wala siya dahil maski ako hindi ako kumbinsidong isa siyang emosyon, para sa akin ay katulad siya ng salitang Love na hindi saklaw ng paksa na meron ako ngayon. :)
Pero may balita ako sayo na nagbabasa pa hanggang sa parteng ito at naghahanap ng saysay... icongratulate mo ang sarili mo dahil hindi lang Pixar ang marunong mag-ichepwera ng mga emosyon. Ikaw din ay guilty sa hatol na ito! (buhusan ka ng konpeti!)
Madalas ay pala pili lang din tayo ng trip nating emosyon at gusto ko lang linawin na walang masama doon. Ngunit gusto kong malaman mo ang punto ko at ang saysay ng paglalahad kong ito.
Marami akong napapansin sa mundo ng Social Media na mga kabataan sa mga emosyong dala-dala nila. May mangilan-ngilang napaka-dominante ng emosyong taglay nila, nariyang punong-puno siya ng KALIGAYAHAN dahil sa bagong pag-ibig na kanyang natagpuan. Narito naman ang isang hitik sa GALIT dahil nagpakaHOPIA siya sa isang taong may ina-ANTICIPATE pa lang iba. ouch!
NapakaKULAY ng ating MUNDO.
Blue. Red. Yellow. Green at marami pang iba na hindi ko na babanggitin pa dahil wala sa kulay ang mga punto at saysay ko.
May ilan ding mga kabataan na kung nagpatambay ng emosyon ay mahihiya ang mga tambay sa tindahan ni Aling Puring! Dalawang season na ng PBA ang lumipas. Commisioner's Cup at Governor's Cup ay ganun pa din makikitang dominanteng emosyon. SAYANG ANG KULAY NG BUHAY.
Isang season na punong puno ng TAKOT dahil sa minsang pagkakamali na napagsisihan man at lahat ay patuloy pa ring inaalagaan kaya naman hindi makalaya-laya, tuloy gumuguho ang mga pangarap at pag-asang dating tumotore sa puso't isip niya dahil sa takot sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari at nasusubukan.
Isang season na hitik na hitik sa GALIT. Hindi makapagpatawad... Hindi makapagpaubaya... Ayaw makalimot. Natutulog ng puno ng luha ang mga mata dahil sa sakit ng nakaraan na patuloy niyang hinehele sa pagtulog kaya naman nagigising siyang puno ng muta.
Isang season na panay lang ang SAYA. Napakasaya! Na halos hindi na nakaalalang makiramay. Sa sobrang saya ay wala ng init ang mga yakap para sa mga kaibigang nagdadalamhati. Saya na nagpamanhid na sa iba pang emosyon, na sa kalaunan ay panakip butas lang pala sa maraming dismaya sa buhay.
LIBRE LANG ANG EMOSYON.
Tulad ng hangin na hindi lang puro inhale, kundi kailangan ding mag-exhale kun ayaw mong mawalan ng buhay.
Ganyan din ang emosyon, libre lang ito kaya siguraduhin mong mae-experience mo ang lahat.
SABI NGA, MAY PANAHON SA LAHAT NG BAGAY. kaya naman masasabi ko ring dapat ay may PANAHON din sa bawat EMOSYON.
wag mong MAJOR-rin lang ang isang EMOSYON kung kaya mo namang MASTER-rin ang lahat ng iyan. Hindi nakakahiyang magalit, madismaya o malungkot paminsan-minsan, kaysa naman puro saya na lang maging sa mga bagay na hindi na dapat ikasaya. baliw!
______________________________
May punto man o wala.
Nakikibasa ka lang!
Ipunin ang natutunan.
Itapon ang kabulaanan.
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS
RandomUninhibited writing of what's going on inside my head for a period of time. :) Maaring may punto ako o wala para sayo. Pero nakikibasa ka lang. Ipunin ang mga makabuluhan. Itapon ang mga kabulaanan. It is very possible that some opinions expressed o...