6. MAHINA AKO SA MATH

35 1 0
                                    

Problem #1
4 Month old infant whose birth weight is 3200g. Compute for the following:
a.) DBW - Method A
b.) TEA

[formula]
DBW(g) = birthweight + (age in mo. x 600)
TEA = DBW x 110 Kcal

OOHH?? MADALI MAGCOMPUTE NA!

Bakit nga ba marami sa ating mga PINOY ang takot na takot sa MATH? sa COMPUTATION?

anong trauma ba ang naranasan natin at bakit sa tuwing lumilitaw ang mga numero, signs and symbols ay parang gusto nating maOSPITAL kahit pa nakita natin kung paano ito iSOLVE?

SASAGUTIN NATIN ANG MISTERYO NA YAN SA MUNTI KONG SALAYSAY.

2 Bagay lang sa aking palagay kung bakit tila may phobia tayo sa mga MATH QUIZZES natin:

1. WAG MO NG SISIHIN ANG LEFT OR RIGHT HEMISPHERE NG BRAIN MO, dahil ang totoong dahilan ay BATA KA PA LANG, WALA KA NA TALAGANG HILIG SA MATH. Maaring mahilig ka ngang magbilang ng PERA, ng TEXT at POGS, pero hindi nangangahulugang naensayo mo ang utak mo o nensayo ng mga magulang mo ang utak mo para mag-analisa o suriin ang mga problema. Perfection comes from practice and more practice, maaring bata ka pa lang, pagkanta ang gusto mo, pagsayaw, pagluluto, pagsasaing o paglalaba, at wala ka talagang hilig sa paghahanap ng X, sa Y o sa Z.

2. TERROR NA TEACHER. Isa sa mga dahilan kung bakit nauusog tayo sa skills natin sa math ay dahil sa mga teacher na namamahiya, nagmamagaling, at nang-iinis. Sila yung teacher na pagdi mo narecite ng maayos ang multiplication table from 1 to 10 ay patatayuin ka sa buong klase, sa pagkakatayo mo doon mo nakikita ang sarili mo na kaawa-awa habang pinagmamasdan ka ng mga kaklase mong halos pasang awa lang din naman. MORALE BREAKDOWN. May mga teacher din na madali lang pagprinesent yunh mga formula ay problem pero nako pagEXAM na, akala mo'y may masama kang nagawa at siya'y gumaganti dahil sa hirap ng exam, yung tipong:

If David has four kids and his wife is pregnant, how many cats can fit in in Jupiter using the Pythagorean Theorem. Round off your answer to absolute nothing.

GANYAN NA GANYAN! samantalang 1 plus 1 lang naman yung example nung nakaraan, nadamay na yung Jupiter at mga pusa.

IMPORTANTE DIN NAMAN ANG MATUTO NG MATH.

Kailangan nating matutong magbilang, magADD, magSUBTRACT, magMULTIPLY at magDIVIDE, kailangan yan sa pang-araw-araw. Sa bahay, sa trabaho, sa galaan, sa eskwela, at sa marami pang lugar sa buhay natin.

Ngunit ang gawing batayan ng katalinuhan ang MATH? dyan ako hindi sasangayon, hindi lang naman sa MATH mababatay ang dunong ng isang tao, katuld din ng hindi batayan ang pag-iingles ng katalinuhan.

Hindi lahat ay isda para lumangoy,
Ang iba'y sa puno tulad ng unggoy,
Hindi lahat ay kakahol parang aso,
Ang ila'y lilipad gaya ng ibong malaya.
Iba-iba tayo ng kayang gawin,
May kahinaan at may lakas,
Sa bandang huli,
Silang lilinangin ang angking galing
Tagumpay sa kanila'y mapapasakanila.

TUMULA PA. BOW.

__________________________

May punto man o wala.
Nakikibasa ka lang!
Ipunin ang natutunan.
Itapon ang kabulaanan.

RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon