Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong tingnan mo ako ng masama mula ulo hanggang paa. Ewan ko ba? Hindi ba dapat na mainis ako?Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong unang pag-uusap natin, hindi ka pa ngumingiti noon. Poker face, sabi ng iba ngunit lalo kong ninais na mapalapit.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong magsimula kang ngumiti, alam kong darating ang araw na 'yon at hindi mo alam kung gaano ako kasaya.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong ituring mo akong barkada. May mga tawanan, may mga gala, kwentuhan, ilang mga pasulyap na tingin.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong ituring mo akong bestfriend. Umiiyak ka na sa akin, nagkwento ng mga kabiguan at ng mga pangarap.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Mula noong hayaan mong maging parte ako ng buhay mo. Wala akong ibanh nais kundi maging laging nasa tabi mo kung may kailangan ka.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit minsan ay nagtatalo tayo sa ilang mga bagay, sa mga maliliit na bagay. kulay, ulam, pelikula, musika, at tao.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na hinusgahan mong mali ang desisyon ko, nasaktan ako dahil ikaw ang sandalan ko pero umaasa pa din ako.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na lalong lumalaki ang puwang natin, hindi mo na akong tinitingnan sa mata, hindi ko na rin naririnig yung mga kwento ng pangarap mo.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na nagsimula ka ng bumuo ng pader sa pagitan natin habang ako nama'y nag-aabang na magdugtong muli ang ating mga tulay.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na binawi mo na ang iyong mga ngiti at tawa, ang mga kwento at luha. Wala nang mas lulungkot pa sa araw na yon.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na may iba ka nang bestfriend. Sa malayo ay natatanaw ko muli ang iyong mga ngiti, tawa at narinig ang iyong mga kwento.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na wala akong pagkakataong sabihin sayo ang lahat.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Kahit na iniwan mo ako sa kabilang bahagi ng pader ng pagkamuhi mo sa akin. Gusto kong masaktan pero alam kong wala naman ako sa lugar para sa emosyon na yon.Noon pa man may gusto na ako sayo...
Bakit ba hindi naging magkaparehas ang nararamdaman natin sa isa't isa? Bakit ako lang? Bakit di mo naramdaman?Ngayon, pagkalipas ng mahabang panahon ng pananahimik at pagmumuni-muni. Nakita ko na naman ang iyong mga ngiti, narinig ang iyong tawa at kwento ng pangarap... unti-unti ka na ring sumusulyap katulad ng dati.
Sana noon pa ay sinabi ko na sayo pero noon pa man, wala akong lakas ng loob, hindi sapat ang tapang ko para sabihin sayo na noon pa man gusto na kita.
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS
RandomUninhibited writing of what's going on inside my head for a period of time. :) Maaring may punto ako o wala para sayo. Pero nakikibasa ka lang. Ipunin ang mga makabuluhan. Itapon ang mga kabulaanan. It is very possible that some opinions expressed o...