5. NOTHING IS NEW

7 1 0
                                    

Nothing is new.
Walang bagay sa panahon natin ang halos hindi pa nagawa o may katulad.
Ultimong simpleng pagkain, babasahin, palabas sa TV... halos pare-pareho na ang timpla.

Gayunpaman, may kakayahan pa rin tayong maging kakaiba... maging unique.
May kakayahan tayong piliin kung anung istorya ang susunod nating isusulat; paano magsisimula, magpi-peak, at magtatapos.
Pagkaing lulutuin; sa rekadong pangtimpla, sa sahog, sa mga pampalasa at klase ng lalagyan at pamamaraan ng paghalo. Sa palabas na panunuorin: mula sa walang humpay na pangangaliwa mula sa mga makabuluhang palabas at dokumentaryong na naglalarawan sa totoong buhay.

May kakayahan tayong maging kakaiba, though hindi assurance yun na bago ang idea natin, pero kaya nating maging iba sa mga meron na sa paligid natin.

Sa mundong punong-puno ng karahasan, pwede nating piliing maging parte ng kapayapaan.

Sa mundong punong-puno ng pangangaliwa at ahasan, pwede nating piliing maging tapat.

Sa mundong punong-puno ng kasinungalingan, maaari nating piliin ang maging totoo.

Sa mundong punong-puno ng galit at puot, maari nating piliin ang pagmamahal at pagpapatawad.

Minsan kung anu pa ang tama siyang mahirap gawin, at ang mali, halos parang hangin na hinihinga lang natin, malayang pumapasok at lumalabas sa ating sistema.

Ako ay mamimili.
Nothing is new.
But I have the power to choose.

__________________________

May punto man o wala.
Nakikibasa ka lang!
Ipunin ang natutunan.
Itapon ang kabulaanan.

RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon