3. HINDI AKO INSPIRED!

34 4 3
                                    


Sinubukan kong magSULAT sa CHAPTER na ito upang maUPDATE ang mga IMAGINARY READERS ko na sa aking palagay ay nabibigyan ko ng ngiti.

PERO WALA.
WALA AKONG MAISULAT.

HINDI AKO INSPIRED!
wala akong lablayf!
NGAYON AY PURO BASURA ANG IHAHAIN KO SAYO!

Dahil hindi ako inspired sa punto ito ng pagsusulat ko ng chapter na ito.
Alamin natin kung anung problema ng maraming kabataan ngayon na naghahanap ng inspirasyon.

KAILANGAN MO BA NG INSPIRASYON? BAKIT?

Kailangan! Para maabot ko yung mga goals at mga pangarap ko sa buhay!
Kung walang inspirasyon para saan pa ang lahat ng ito?

MISMO.
Bawat taong humihinga san man sa mundo, ke mabango o mabaho man yan ay nangangailangan ng inspirasyon. Ito yung tila gasolinang nagpapatakbo sa sasakyan.
Ito yung icing sa ibabaw ng cupcake.
Ito yung sabaw sa balot.
Ito ang kiwi sa black shoes.
Ito ang X sa bawat problem solving.
Ito ang beat sabay sabay
Ito ang beat bawal sablay
Pabilis ng pabilis
Wag mag mimis wag mag mimix
gets mona? gets kona!

PERO ANUNG PROBLEMA NG MGA KABATAAN NGAYON TUNGKOL SA SALITANG INSPIRASYON?

Yan nga ang tunay na kinalulungkot ko sa panahong ito...
Dahil sa henerasyon ngayon, pagbinanggit mo ang salitang INSPIRASYON, ang unang pumapasok sa isip ng mga jejemong bata ay...

LABLAYF!

yung tipong naging direktang katumbas at kahulugan na ng INSIPIRED ang pagkakaroon ng LABLAYF!

ABA! My Friend. Hindi ba pwedeng nainspired ako kasi may nakita akong tao sa jeep na may mabuting loob? o nakitang bulag na nagpepedal ng bisekleta habang ang lumpong kaibigan ang nagsisilbing mata at nagmamaneobra? o dahil bago ako umalis ng tahanan may nanay at tatay akong nagpapalakas ng loob kong harapin ang hamon ng mundo?

BAKIT PAG-INSPIRED SYOTA AGAD!?
Hindi ko maintindihan kung sinong CORRUPT na POLITIKO ang nagpauso niyan... sa ngayon isisi muna natin kay PNoy ang mga ito. Pumapag-ibig din yan at kuno'y inspired kila Shalani, Liz Uy at Sandara Park (basta alam ko ang order ay : pinay, chinese at korean).

So anyway, baka sa kanya galing ang KONSEPTO na ito. Isang konseptong nakakalungkot.... nakakadismaya... ngunit patuloy na tinatangkilik ng masa...
dahil uso... ito ang flow... ito ang trend...

So anu na naman ba ang punto at saysay ko dito!?

Masama bang magkaroon ng inspirasyon?
HINDI. walang masama sa pagkakaroon ng inspirasyon... isang punto lang naman ang nais kong ipaglaban.

kung ang layunin ng inspirasyon ay dalin tayo sa ating mga GOAL at PANGARAP.
Hindi ba't dapat matibay ang pundasyon ng ating inspirasyon!? Yung pangmatagalan! sabi nga ng motolite! INSPIRASYON na hindi pagkatapos ng ilang araw ng panliligaw at ilang araw ng saya, ilang araw ng pagtitiis at away at ilang buwan ng pagtatagal ay nabubuwag!? nagigiba at natitinag? Saan ka dadalhin nito, sa iyong kwarto? sa inuman? sa iyong kama? sa iyong mga luha? sa tatlung pung piraso ng vitamin c? sa sinturon ng tatay mong nakasabit sa likod ng pinto?

GAANO KATIBAY ANG PUNDASYON NG INSPIRASYON MO?

Para sa akin.
Wala ng titibay pa sa Nanay ko.
Nagkatulong, nagtiis ng gutom, nahirapan, nasaktan, napagod, nagkasakit ng walang nag-aalaga, nawalay...
Ngayon ay patuloy na lumalaban, nagsisikap, nagtitiwala sa Diyos at nagpapakatatag sa bansang inuulan ng nyebe.
Marahil sa parteng ito, naalala ko na ang inspirasyon ko. :)

Ikaw din. Hindi masama yang lablayf, pero ang tanong ko sayo... sa mura mong edad, gaano katatag ang pundasyon ng iyong inspirasyon?
Kung sigurado kang madadala ka niyan sa iyong mga PANGARAP. iPUSH mo! Kung hindi. iSTOP mo!

UMUWI ka sa bahay.
naroon ang matibay na inspirasyon.
MAGSIMBA ka sa linggo.
naroon ang tunay at higit na mas matibay na pundasyon at doon masasabi mo na Siya[Hesus] lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.

NAALALA KO NA.
MAY INSPIRASYON PA PALA AKO UPANG MAGPATULOY AT MANGARAP, UPANG MABUHAY AT LUMABAN.

INSPIRED AKO!
IKAW SINONG INSPIRASYON MO?

__________________________

May punto man o wala.
Nakikibasa ka lang!
Ipunin ang natutunan.
Itapon ang basur sa tamang tapunan.

RANDOM THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon