Ang pag-ibig pagpinasok ka nito, hahamakin ang lahat masunod lang, regardless kung masagasaan man ang maraming bagay sa iyong buhay at pang-araw-araw na gawain.
Nariyang nasasabi ang mga katagang...
"Wala eh, mahal ko talaga!"
"Kasalanan ko bang magmahal?"
"Kung anung nasa puso mo sundin mo."
"Bakit siya pa?""I can't help falling in love"
HALF TRUE.
Wala nga bang laban ang puso natin sa mapang-abusong pagmamahal?
(love is good, I am referring sa "erotic" kind of love)
THE TRUTH IS.
MERON.Somehow ng likhain ng Diyos ang tao, may iniregalo Siya sa atin upang malabanan hindi lang ang mapang-abusong klase ng pag-ibig pati narin ang maraming negatibong bagay na umiikot at nagpapatakbo sa mundo. (let us leave the preachy side, focus on "in love")
POWER TO CHOOSE.
eto ang katotohanan, we have a CHOICE.
WE CHOOSE whom we will love.
WE CHOOSE whom we want to be with.
Hindi tayo naiinlove without our consent, or without even knowing.
napo-FALL tayo sa isang tao (o higit pa) depende on how we nurture it, encourage or feed it.
sabi nga sa kanta ni Janno Gibbs na "Fallin"
A little conversation, turning into little sweet sensation and it only getting sweeter everytime.
from those simple hi/hello, to some gm, text messages, or chat, madalas na paglalike sa mga post kahit "atm: tumatae" ang status niya, from late night chats, hanggang sa mas deeper at intimate, going out with friends to with bff hanggang dalawa na lang kayo. It progresses depende on how we nurture, encourage or feed it, again, we its a choice.
Soon, you'll talk about it with your core friends... then sa friends ni crush (worst is, you told her/his friend para magpapansin) then, sa mga late night talks, nasisingit yung mga gusto mo sa isang guy/girl na halos kulang na lang ay banggitin mo ang pangalan niya.
Di natin masisisi, in-love eh, but somehow let us be decent sa pag-atake about this, though hindi na uso ang "maria clara" ngayon, but atleast be a katipunero instead of a hokage, fight for her kasi love mo katulad ng pagmamahal nila sa bayan, hindi yung paninja-ninja bigla-bigla na lang naglalaho... and again, it is definitely a CHOICE.
Now I know I have a choice, so what?
Knowing that you have a choice, we can now be careful.
Careful on making sung-gab your crush agad-agad.
Careful on deciding if it is the right season to pursue her for boys or the right season to give your sweet yes as girls.
PS: only those who are really matured enough can execute this, because we will never find SELF-CONTROL in children, they tend to do what they want to do, grab what they want, say what they want, without even thinking about it first.
So challenge talaga to sa atin.
TORPE. nahh! CAREFUL. DEFINITELY YES!
SERYOSONG BAGAY ang LOVE.
kadalasang reason kung bakit nabo-broken heart ang marami ngayon ay dahil sa WRONG CHOICES (both side ng relasyon).So today, as a resolution.
IN THE NAME OF TRUE LOVE.
LET US NOT BE PART OF THE GROWING POPULATION OF "FROM INLOVE TO BROKEN HEARTED" KIND OF PEOPLE, AND START CHECKING OUR CHOICES AND EXECUTING "SELF-CONTROL".
__________________________
May punto man o wala.
Nakikibasa ka lang!
Ipunin ang natutunan.
Itapon ang kabulaanan.
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS
RandomUninhibited writing of what's going on inside my head for a period of time. :) Maaring may punto ako o wala para sayo. Pero nakikibasa ka lang. Ipunin ang mga makabuluhan. Itapon ang mga kabulaanan. It is very possible that some opinions expressed o...