8. Help Me

996 41 5
                                    

ANJU'S POV

T___________T

UMAGA NA NAMAN.

Sabog na naman ang pakiramdam ko. Hindi na naman ako nakatulog ng maayos.

"I will stay on the top Anju, because of that, may dahilan ka para tingnan ako."

Bwisit ka talaga Crow!

Pinuyat mo na naman ako!

I cant help it. Lagi ko na lang naaalala ang sinabi nya.

Maghapong umiiyak sina Britney at Gale dahil dun.

Nag-inat-inat muna ako. Alas-dos na ata ako nakatulog kakaisip sa lalaking yun.

"Kumusta na kaya sina Manay Lota? Tawagan ko muna nga bago ako maligo."

Need kong makarating sa BG before 7am kasi until 12pm ang pasok ko. Mag klase na kasi kami ng alauna. Buti na lang per hour ang trabaho ko sa Bread Garden.

"Hello Manay! Kumusta po?!" Masigla kong bati. Landline itong gamit ko kasi wala nga akong cellphone.

[Hello? Sino to?!"]

I rolled my eyes. "Manay Lota naman eh, nakalimutan nyo agad ang boses ko? Si Anju po ito."

[Anjuuuuuuuu!!!!!!!!! Namissssss kitaaaaaaa!!!!!]

•﹏• Nailayo ko sa tenga ko ang awditibo. Grabe makatili si Manay Lota.

"Manay!!!! Ang lakas ng tili nyo! Mambabasag ba ng eardrums ang bago nyong trabaho???!" Nakangiti kong biro kahit na hindi nya ako nakikita.

Narinig ko na suminghot-singhot na naman si Manay. Napamahal na kami sa isa't-isa.

[Kasi naman anak namimiss na kita! Kailan ka ba bibisita dito? Okay ka lang ba dyan?]

Nakunsensya naman ako. Kasi naman sobrang busy ko sa pag-aaral at sa trabaho ko sa BG kaya hindi ako nagkakaron ng pagkakataon na makabisita.

"Manay miss ko na din po kayo pati sina Pia. Pakikumusta po sa kanila Manay. Sobrang busy ko lang po talaga."

[Naiintindihan ka namin anak. Si Lucy buhat nung umalis ka hindi pa din bumabalik. Alam nya siguro na lagot sya sakin.]

Ngumiti ako. Talagang namiss ko si Manay. Para ko na din syang ina. "Hayaan nyo na Manay. Pinatawad ko na po si Lucy. Hayaan nyo isang araw bibisita ako sa inyo."

[Sige Anju. Isesave ko itong number mo para makamusta kita.]

Hanggang sa nagpaalam na kami ni Manay sa isat isa. Baka malate pa ako sa work at tiyak mahal na ang babayaran ni Crow dahil sa tawag ko.

"Makapaligo na." Tumayo na ako sa silya para kunin ang tuwalya pero may napansin akong tao na tumalon pababa. Mabilis akong sumilip sa bintana para tingnan kung sino pero nakaalis na agad ang lalaki.

Sino kaya yun?

Kinabahan akong bigla. I hurriedly closed and locked my windows. Napabilis tuloy ang paliligo ko at bumaba na agad ako sa hagdan.

Hindi ako magkaintindihan sa pagdadala ng mga gamit ko kasi para akong hinahabol ng multo. Naabutan ko si Tita Digna na kumakain ng agahan sa baba.

"Goodmorning Tita." I greeted her.

"Anju, goodmorning! Why in rush?" Tanong nya sakin. "Let's eat. I prepared breakfast."

Humigop lang ako ng kape sabay kagat sa tinapay. "Tita always lock everything here. May nakita akong lalaki na aali-aligid dito kanina." I warned her.

She's Smart; He's GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon