ANJU'S POV
I ARCHED MY RIGHT BROW. As expected, nakakainis talaga ang Crow na'to.
Klase namin ngayon sa Algebra and like before, nagpapaligsahan na naman kami.
"Totoo to?" Nakanganga saming tatlo nina Crow at ni Sir Quijano ang mga classmates namin.
"Mr. Ashford, Ms. Evarquez, here is the tenth question, titingnan ko kung masasagot nyo pa to nang hindi nagcocompute with solution." Nakangisi na si Sir Quijano.
Habang si Crow eh nakatayo lang at ako naman ay tumango. Nasa unahan kaming tatlo. Si Sir Quijano ang nasa gitna and nasa kanan naman ako, while si Crow nasa kaliwa. Tigisa kami ng marker kasi sinusulat namin ni Crow ang sagot sa white board.
"Here is the question. Tingnan ko lang talaga." Inayos pa nya ang salamin nya at tiningnan kami ng masama. "A man invested part of P20,000 at 18%, and the rest at 16%. The annual income from 16% investment was P620 less than three times the annual income from 18% investment. How much did he invest at 18%?"
Sabay kaming lumapit ni Crow sa white board. I rolled my eyes and count my fingers. Then, after two minutes, I wrote the answer.
P 5,457.14 ang sinulat ko.
Tiningnan ko agad si Crow na nakangisi na sakin. Nag-wave pa sya.
Sinulyapan ko ang sinulat nya.
Five thousand, four hundred fifty seven pesos and fourteen centavos.
Anak ng pating! Nang-aasar talaga tong lalaki na to eh! Talagang words pa ang sinulat nya para ipamukha sakin na kanina pa syang nakapagsagot!
"Ang yabang mo!" I yelled at him.
"Gwapo naman!" He winked at me.
Nakaka-stress sya!
Lagi na lang syang nauunang mag-sagot!
"I answered first again, Anju." Sabi pa nya.
Aba loko talaga.
"Ano naman ngayon?!!!" Irap ko.
"Shut up!" <(_ _)> Biglang sumigaw si Sir Quijano. Pinandilatan nya kaming dalawa. "Hindi nyo man lang ba ako tatanungin if your answers are correct?!!!"
-_- Natahimik naman ako. Pagtingin ko sa mga classmates namin halos lahat sila nakanganga at naduduling na.
(⊙o⊙)?(⊙o⊙)?(⊙o⊙)?
Mukhang hindi nila nagegets kung paano namin nakukuha ni Crow nang ganung kadali ang sagot.
"Sir kasi-----"
"Shut up!" (ಥ_ಥ) Inayos na ni Sir ang mga gamit nya. "Oo! Tama na naman ang sagot nyo! Kayo na lang ang magturo tutal alam nyo na namang lahat eh!" Sabi nya samin ni Crow at nag-walk out na nga!
"Sir!" I called him.
"Che!" He answered back.
Napakamot ako sa batok. Anong gagawin ko? Nagwalk out na ang professor namin? Eh alam ko talaga ang sagot eh.
Bumalik na ako sa upuan. Parang robot akong naglakad.
Sina Britney nakanganga pa din kaya sinarado ko na lang ang bibig nila.
Habang si Crow, ayun kinuha ang bag nya.
"Wala na daw klase, tara na." Yun ang sinabi nya samin bago tuluyang lumabas.
HAPON NA NGAYON AND I NEED TO RUSH. Kailangan kong makasakay sa MRT para makamura ng pamasahe. Kailangan ko kasing magtipid. When I decided to study here, napilitan akong umalis sa scholarship ko na nakapagpaaral sakin sa New York. Kumuha na lang ako ng Full Tuition Scholarship sa University and luckily, I passed. Yun nga lang, I need to work para sa daily needs ko and other gastusin na din sa school like projects and books.
BINABASA MO ANG
She's Smart; He's Genius
Romansa♛♥♛ Do smart and genius beings are capable of love-problem solving? ♛♥♛ STATUS: OnGoing -------------********-------------- This story is published in the condition that any part, in whole or in portion, may not be reproduced or retransmitted in any...