4. Secret is Safe

1.1K 55 7
                                    

ANJU'S POV

I DIDNT EXPECT THAT MY LAST NIGHT HERE WAS GOING TO BE DRAMATIC. Iyak nang iyak si Manay Lota habang nakabuntot sakin.

"Anju anak, sigurado ka ba na mabuting tao ang sasamahan mo?" (ಥ_ಥ) Sumisinghot pa. "Aba eh kakikilala mo lang dun kagabi ah."

I just continued on packing my things. Konti lang naman ang mga gamit ko kaya madaling isiksik sa bag.

"Manay nasabi ko na po sa inyo, kaklase ko sya nung High School sa New York." Paliwanag ko sa ika-tatlong pagkakataon. "Hindi po yun mamamatay tao and hindi rin sangkot sa human trafficking. Saka Manay bawal po talaga sa University na magtrabaho ako sa club kahit sa hugasan ng pinggan."

"Eh di dito ka na lang sa bahay anak. Napamahal ka na sakin." Pigil pa din sakin ni Manay kaya naiyak din ako.

"Manay naman eh, mabigat na sa loob ko itong pag-aalis, magdadrama pa tayong dalawa." Umiiyak ako pero pinipilit kong ngumiti. "Manay, dadalawin naman kita saka wala namang limutan di ba? Hindi ako pwede dito kasi hindi kami magkasundo ni Lucy."

Tumango naman nga si Manay. "Pasensya ka na Anju. Tama ka nga, kagabi kasi ang gusto ni Lucy ipatake-out ka sa mga parokyano eh."

Bumuntong-hininga ako. Ewan ko ba sa babaeng yon, napakalaki ng galit sakin hindi ko naman sya ginagawan ng masama.

"Hayaan nyo Manay Lota, pasasaan ba at makakasundo ko din ang pamangkin nyo." Tumayo na ako. "Dadaan na din po ako sa club ngayon, kukunin ko po ang mga ilang gamit ko dun."

"Saan ka ba susunduin nung si Gwapong kaklase mo?" Sa wakas ay kumalma na si Manay. Pumayag na sa pag-alis ko.

"Bahala na po Manay.".

"Anong bahala na eh wala ka namang cellphone??? Paano kayo mag-uusap?"

Eto nga palang address ng apartment eh binigay ko sa kanya, ang kaso, may mga gamit pa nga pala ako sa club na dapat kunin.

"Oh eto ang cellphone ko, tawagan mo."

"Nay wala po akong number nya."

"Ha? Paano yan?"

('_`)Bahala ka na Uwak. Kung dito ka magpunta mamaya at wala ako, sure naman na sa Hot Lava ka didiretso.

LUCY'S POV

HELLO THERE CHIX AND HUNKS. Ako nga pala si Lucy, pamangkin ako ni Manay Lota sa pinsan. Well, mahirap ang buhay sa probinsya kaya hanggang high school lang ang natapos ko at naging dancer na dito sa club.

"Asan na kaya si Anju?" Kandahaba ang leeg ni Pia paghahanap sa ampon ni Manay Lota.

Tsk. Si Anju. Ang mapapel na si Anju. Tingin ko mas mahal pa sya ni Manay kesa sakin.

Kesyo matalino daw, laking abroad. Hmp! Wala din namang datung!

"Wag mo nang hanapin si Anju, balita ko aalis na daw yun. Kinukuha na nung costumer natin na gwapo kahapon." Sabi naman ni Paulo.

"Aba ha, napakatalino naman nya. Matapos makasungkit ng mayaman eh lalayasan tayo." Nakataas ang kilay ko. Napakamanggagamit nya. Aalis agad???!!

"Kesa naman sa lagi mong awayin." Sabad ni Kisha.

╰_╯"May sinasabi ka?!" Binaling ko sa kanya ang inis ko.

Inirapan naman ako ni Kisha. "Wala! Tara na nga Pia. Mamalengke pa tayo!"

Lumapit sakin si Alisha. "Paano na yung parokyano na darating mamaya? Akala ko ba si Anju ang irereto mo sa kanila?"

Kinagat ko ang bubble gum saking bibig.

She's Smart; He's GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon